[Chapter 11]

201 11 0
                                    


Starfish
By: crayonbox21


****Kyle****


1:02 pm, SundayJune 29


Nahihiya man ako sa mga magulang ni Aki ay wala akong nagawa kundi umalis roon nang tumawag sa akin si Renz at sinabing nasa hospital siya. Higit roon ay nag-aalala ako sa lungkot na nakita ko sa mga mata ni Aki. Alam kong hindi niya gusto na umalis ako dahil iyon ang unang pagkakataon na nakilala at nakasama ko ang kanyang pamilya ngunit alam niya na wala siyang magagawa kundi ang hayaan akong umalis ng mga sandaling iyon.


Ipinagpapasalamata ko na lamang na mukhang walang masamang nangyare kay Renz. Mukha naman kasing okay lang siya kaninang tumawag siya sa akin. Ang nakapagpa-alarma lang sa akin ay ang panic sa kanyang boses habang kausap ako. Sana lang ay hindi ito gawa-gawa lang ni Renz dahil tiyak na aawayin ko siya oras na malaman kong pinagti-tripan nya lang ako.


Kung sakali kasi ay hindi ito ang unang beses na nagsinungaling si Renz para lamang magkita kami. Noong mga panahon na lunod ako sa trabaho at walang panahon para sa ibang bagay ay tinatawagan ako ni Renz at sinasabing may kung anung emergency kahit na wala naman. Kadalasan ay ginagawa niya iyon kapag lasing siya o kapag lango sa droga. Alam kong naiinis si Aki sa tuwing ginagawa iyon ni Renz dahil kadalasan ay hatinggabi o kaya madaling araw niya ako tatawagan at kukulitin.


Mahigit labing-limang minuto lamang ay narating ko na ang hospital na tinutukoy ni Renz. Dumiretso agad ako sa nurse's station at nagtanong kung may Renz Angelo Razon na isinugod doon. Ayon sa aking kausap na nurse ay wala silang record ng ganoong pasyente. Doon nakumpirma na tama ang aking hinala na wala namang masamang nangyare sa aking kaibigan.Sinubukan kong muli tawagan ang cellphone ni Renz dahil nagsisimula na akong ma-bad trip dahil pakiramdam ko ay niloloko lamang akong muli ni Renz at pati ang unang pagkikita namin ng mga magulang ng nobyo ko ay nadamay sa kalokohan niya. Naka-dalawang ring ang cellphone niya bago ko narinig ang boses ng aking kaibigan.


"Hello? Nasaan ka? Bakit ba hindi kita ma-kontak kanina?", hindi ko na naitago ang pagkainis sa aking boses.


"Pasensya na, na-dead batt kasi yung phone ko. Ngayon lang ako nakapag-charge. Nasaan ka na?", tanong nito.


"Nandito na ko sa lobby nung hospital na sinabi mo, asan ka ba? Ano bang nangyare?"


"Nandito ko sa may malapit sa lobby, left wing malapit sa emergency room. Pumunta ka na lang dito, dito na tayo mag-usap.", utos nito. Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Binaba ko na ang tawag at nanghingi muli ng direksyon sa nurse kung saan yung emergency room nila.


Agad ko namang nakita si Renz na nakaupo sa isang bench at nakayuko. Mukhang okay naman ito kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako naririto sa ngayon. Napalitan na ng inis ang kaninang pag-aalalang nararamdaman ko.


"Renz, what happened?", tawag ko sa atensyon ng aking bespren na malalim na nag-iisip.


"I'm glad you came, i don't know what to do Kyle.", medyo taranta nitong sabi.


"Calm down a little then tell me what's going on. Are you sure you're not hurt?"

STARFISHWhere stories live. Discover now