[Chapter 16]

233 10 0
                                    

Starfish
By: crayonbox21



****Lui****

01:32 pm, SundayJuly 06


Pilit kong inaaliw ang aking sarili sa pagtingin-tingin ng kung anu-anong walang kabuluhang bagay sa internet pero hindi pa din ako natutuwa. Tinatamad ako na nayayamot na naiinip na nalulungkot na nasasawa sa aking paligid. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Daig ko pa ata ang isang babaeng nagbubuntis na hindi malaman kung anung gustong kainin. Gusto ko pumunta ng mall pero tinatamad ako, gusto ko manuod ng movie pero isipin ko pa lang ang papanuorin ko ay inaantok na ako, gusto ko kumain pero nauumay ako.


Bwiset kasi 'tong si Renz eh, iniwan ako mag-isa dito sa bahay. Anak ng matamis na patis! Bakit ba si Renz na naman?! Pinatay ko na lang ang laptop dahil nagsasayang lang ako ng kuryente sa aking ginagawa. Bumalik na lang ako sa pagkakahiga sa aking kama na may ilang oras ko na ding ginawa kanina.


Saan kaya pupunta ang tukmol na yon? Nagpaaalam siya kaninang umaga matapos kaming mag-almusal na may lalakarin daw siya at baka gabi na siya makabalik. Sinabi kong gusto kong sumama dahil wala naman akong gagawin dito sa bahay pero hindi siya pumayag. Naghinala ako na baka magsusugal siya kasama ang mga barkada nya pero agad naman niya iyong ikinaila nang makita ang pagdududa sa aking mata. Hindi daw siya iinom, magsusugal, o babatak. Nagkibit-balikat na lang ako. Baka kasi masyado na akong nanghihimasok. Hindi naman nya ako bantay para matyagaan ko ang lahat ng ginagawa nya.


Haaaayyyyy....


Dalawang araw. Ngayong weekend lang. Sa loob ng maikling panahon ay lalong pinagulo ni Renz ang buo kong sistema. Sa isang banda ay parang mas mabuti pa noong lagi pa kaming magkaaway ni Renz. Alam ko kasi noon kung saan dapat ilugar ang sarili. Sa sitwasyon namin ngayon ay napakarami kong itinatanong sa aking sarili.


Tama nga kaya si Renz sa mga sinasabi niya sa akin? Am I gay? Anu bang nararamdaman ko para kay Renz? Hindi ko kasi masabing gusto ko siya. Iba kasi ito sa naramdaman ko para kay Kyle noon. Noong una pa lang naming pagkikita ni Kyle ay may naramdaman na agad akong kakaiba at nung magkita kaming muli sa UP ay sigurado na akong mahal at gusto ko siya. Iba ang kaso ni Renz, hindi ko alam kung saan ilulugar ang nararamdaman ko.


Love kaya? Nag-isip ako sandali. Sinubukan kong pakinggan kung anong binubulong ng aking puso. Pero wala akong madinig. Walang sagot na pumapasok sa aking isip. Malabo pa sa malabo. Hindi pwedeng love 'to. Dalawang araw pa lang kaming magkasundo, hindi pa nga yun buong dalawang araw eh.


Baka crush? Di ba pang high school lang yon? Malupit na infatuation? Anak ng pink na teddy bear! Bakit naman sa lalaki ako nagkaka-crush ngayon? Si Kyle lang naman ang lalaki kong crush ah. Isa pa, ano namang kahanga-hanga kay Renz? Oo, gwapo siya, maganda ang tindig, mabait minsan, maaalalahanin kapag sinusumpong pero. . . . Buwakang ina talaga!


Siguro nag-eenjoy lang ako sa company niya? Kahit papaano naman kasi nagkakasundo kami sa ilang bagay, katulad noong paglalaro ng basketball sa arcade. Eh bakit kinikilig ako minsan? Gaya nung binilhan niya ako ng ice cream o kaya kapag siya ang kusang nagluluto. Pambihira! Balik na naman ako sa una kong tanong, nai-inlove na ba ako sa kanya?


"Ano ba kasing problema mong talandi ka ha?! Anu naman kung napapamahal ka na sa kanya?!", galit na lecture sa akin ng nagmamarunong kong isip.

STARFISHWhere stories live. Discover now