[Chapter 18]

278 13 0
                                    

Starfish
by: crayon


****Lui****


9:32 am, FridaySeptember 22


I know that this is what's best for me. This is the right thing to do. This is my only escape. Only this way will I be able to set things back to normal. Pero....


Bakit hindi ako masaya?


Iyon pa ang kaninang laman ng aking isip. Pilit kong kinukumbinsi ang aking sarili na tama ang naging pasya ko, na darating ang panahon na masasabi ko na ito ang pinaka-tamang desisyong nagawa ko at kalaunan ay magiging masaya ako na ginawa ko ito. Pero....


Bakit ang hirap ngumiti?


Hindi ko magawang aminin sa sarili ko ang tunay na pinanghihinayangan ko. Iniiwasan kong isipin ang dahilan ng malungkot kong pag-alis. Pilit akong naghahabi ng mga kasinungalingan para paniwalain ang aking sarili na sila Kyle at ang mga bata ang labis kong mami-miss. Pero...Kusang lumilitaw sa aking isip ang kanyang mukha. Ang kanyang malungkot na mukha nung magpaalam ako kaninang umaga.


Itinabi ko muna ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada para malinawan muna ang aking isip. Ayaw ko namang maaksidente o may maaksidente ng dahil sa kawalan ko sa sarili. Humihigpit ang hawak ko sa manibela habang nakapikit at pilit na inaalis sa aking isip ang taong dahilan ng aking pag-alis.


Hindi lahat ng ginagawa ko ay dahil sayo. Uuwi ako dahil alam kong wala ding patutunguhan ang ginagawa kong pagrerebelde sa mga magulang ko. Kung itutuloy nila ang aking arranged marriage ay magiging masaya na din ako dahil isang mabuting babae ang mapapangasawa ko. Magkakaroon kami ng makukulit at masisiglang mga anak. Magiging responsableng magulang ako sa kanila. Tatanda akong kasama si Jane habang pinapanood ang paglaki ng aming mga magiging apo. Mamatay ako ng masaya at hindi na kita kailanman kailangan pang makita.


Isang kasinungalingang pilit kong itinatanim sa aking utak. Sa totoo lang ay hindi naman iyon purong kasinungalingan. Maaari naman talagang mangyari ang mga iyon.


Ganoon siguro talaga ang buhay. Ang katotohanan nagiging kasinungalingan kapag hindi iyon ang gustong marinig o mangyari ng puso mo.


Tama na! Hindi na uli ako makikinig sa layaw ng puso ko. Pinagbigyan ko na ito ng minsan at napakaraming nawala sa akin. Panahon na para utak ko naman ang paganahin ko.


Muli kong pinaandar ang sasakyan at nagpatuloy na ako sa pagmamaneho pauwi ng bahay. Hindi na ako nag-abala pang tumawag para sabihing uuwi na ako. Hindi ko rin kasi alam kung paano kong haharapin ang mga magulang ko mamaya.


Napa-buntong hininga na lamang ako. Bahala na. Kung hindi nila ako tatanggapin ay bahala na. Bakit ba hindi ko ito naisip bago ko inempake ang aking mga gamit kela Kyle? Tsk!


Nalungkot na naman ako ng maalala ang umiiyak na si Andrei na pinipigilan akong umalis. Labis nang napalapit sa akin ang loob ng batang iyon. Masakit para sa akin ang isipin na iiwan ko silang magkapatid sa pangangalaga ni Renz.

STARFISHWhere stories live. Discover now