[Chapter 13]

220 11 1
                                    

Starfish
By: crayonbox21


****Aki****


11:45 pm, TuesdayJuly 01


Hidi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa ngayon. Paulit-ulit kong tinatanong ang aking sarili kung nagkulang ba ako sa ginawa kong pag-intindi kay Kyle. Alam kong ginagawa lamang nya ang kanyang makakaya para tulungan ang kanyang matalik na kaibigan. Ganun naman kasi talaga si Kyle eh, likas na mabait at matulungin lalo na kapag dating sa kanyang mga kaibigan.


Selos.


Labis na selos ang nanaig sa akin ngayon. Nung isang lingo pa lang na kinailangan umalis ni Kyle sa bahay para puntahan si Renz ay labis na akong nagselos. At ngayong nalaman ko na sa pinatira na pala ni Kyle si Renz sa kanila nang wala man lang pasabi sa akin ay lalong tumindi iyong selos na iyon.


Hindi ko naman intensyon na ipagdamot si Kyle kay Renz pero nitong mga nakaraang mga linggo ay parang nanadya na ito. Wala na nga kaming gaanong panahon ni Kyle sa isa't-isa dahil pareho kaming nagiging abala sa aming mga trabaho tapos sumasabay pa si Renz.


Buti sana kung katulad lang siya ng bestfriend ng ibang tao na pagkakaibigan lang talaga ang habol sa nobyo ko eh, kaso alam kong magpasa-hanggang ngayon ay mahal na mahal pa din niya si Kyle. Ramdam at kita ko iyon sa bawat sulyap na ibinabato niya kay Kyle. Pinili ko na lang na hindi siya punahin noong una dahil wala naman siyang ginagawang agresibong hakbang para agawin sa akin si Kyle at tiwala din naman ako sa pagmamahal sa akin ni Kyle. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Parang bumabalik na naman kaming tatlo sa sitwasyon namin noon na nag-aagawan ng minamahal.


Muling tumunog ang aking cellphone at alam kong si Kyle na naman iyong tumatawag. Kanina niya pa ako tinatawagan pero hindi ko magawang sagutin ang mga tawag na iyon dahil wala pa ako sa tamang wisyo para kausapin siya. Natatakot ako na may masabi pa ako na lalo lamang magpapalala sa aming sitwasyon.


Wala pa kaming isang taon ni Kyle pero may panibagong pagsubok na naman kami sa aming relasyon. Lumagok na lamang muli ako ng alak para pakalmahin ang aking sarili.


Mahal na mahal ko si Kyle at ayaw ko siyang mawala sa akin. Handa akong gawin ang lahat mawala lang ang anumang hadlang sa aming pagmamahalan. Pero paano kung gagawin iyon kung ang humahadlang sa amin ay isang taong mahalaga para sa kanya?


Habang-buhay na lang ba akong mangangamba na baka anumang oras ay maagaw sa akin ni Renz si Kyle?


O panahon na para bakuran ko ang aking nobyo mula sa kanyang best friend?


****Kyle****


12:26 am, WednesdayJuly 02


Ayaw niya nga siguro akong makausap, hindi ko naman siya masisisi.


Kanina ko pa tinatawagan si Aki pero ayaw niyang sagutin ang aking tawag. Nauunawan ko naman kung bakit niya pinili na huwag muna akong kausapin. Kita ko kaninang kausap ko siya sa may elevator kung gaano siya nasasaktan at nagseselos.

STARFISHWhere stories live. Discover now