[Chapter 19]

237 13 0
                                    

Starfish
by: crayonbox21


****Lui****


9:32 am, MondayMarch 18


"Shit happens, dre.", yan ang paboritong linya ng isa sa mga kabarkada ko. Iyon din ang mga katagang agad na pumasok sa isip ko ng bumukas ang pinto ng unit ni Kyle at iniluwa nito si Renz. Kapag tinamaan ka nga naman ng kamalasan lahat ng ayaw mong mangyari ay pwedeng magkatotoo.


"Anong meron?", parang tangang tanong ng aking dating roommate.


'Wala naman, nagkakasiyahan lang kami kaso dumating ka. Wala na badtrip na. Panira.', yun sana ang gusto kong sabihin sa utak sabaw na kaibigan ni Kyle pero pinili ko na lang manahimik. Wala naman akong mapapala sa pambabara ko sa kanya. Isa pa ay mas mabuti na yung maramdaman niya na hindi ko siya gustong makausap.


"Oh Renz? Anong ginagawa mo dito?", gulat na sabi ni Kyle. Mukhang maging siya ay hindi ineexpect ang biglang pgalitaw ng kaibigan.


"Kuyang mabait!", tawag ni Andrei kay Renz habang nagpupunas ng luha.


"Hello. Wala naman naisipan ko lang pumunta. Aalis ba kayo?", takang tanong ni Renz. Tila noon lamang niya ako napansin na nakatayo sa likod ni Kyle. May nais pa yata siyang sabihin dahil naiwang nakabuka ang kanyang bibig pero hindi na niya naituloy ang pagsasalita ng magtagpo ang aming mga tingin.


Halatang nabigla siya sa pagkakakita sa akin. Bahagya pa siyang namutla na para bang nakakita ng multo. Ilang segundo lang naman na rumehistro ang pagkagulat sa kanya. Nang makabawi ay hinarap niyang muli si Kyle.


"Oo, magbabakasyon kami ni Aki ng isang lingo sa Zambales eh. Dito muna si Lui para bantayan yung mga bata. Dito ka na ba uli matutulog?", tanong ni Kyle habang binababa mula sa pagkakabuhat si Andrei.


Hindi naman sumagot agad si Renz, sa halip ay muli nitong ibinaling ang tingin sa akin. At dahil nasa dugo ko ata talaga ang pagiging tanga, nahuli niya ako na nakatingin sa kanya. Sana pala ay nagpakilala ako sa kanya noon na banlag ang aking mata para at least may excuse ako kung bakit sa direksyon niya nakabaling ang aking mga tingin ng mga oras na iyon. Lucas Willard! Umayos ka! Utang na loob!


Balewala naman kay Renz ang mga tingin na ibinabato ko sa kanya. Hindi siya natinag at nanatili lang sa pagkakahinang ang aming mga mata. Ako ang hindi nakatiis at saglit akong tumingin sa direksyon ni Kyle. Pero parang may rubber band ang aking leeg at kusa itong bumalik sa pagkakatigin kay Renz.


Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang pansamantalang natigilan. Pakiramdam ko kahapon ay napakatagal na panahon na mula ng magkakilala kami ni Renz. Halos hindi ko na nga maalala ang mga bagay na pinagsamahan namin, yung tawa niya, yung ngiti niya, yung pagkunot ng noo, at pagsasalubong ng kilay niya. Lahat ng detalyeng iyon ay isang malabong alaala na lamang para sa akin kahapon. Ngunit nang mga sandaling iyon ay parang binubuhay ng aking isipan ang lahat ng alaalang iyon.


There's something about the way he stares that makes me feel and remember things that are supposed to be forgotten. Damn!

STARFISHWhere stories live. Discover now