“Anong subject mo mamaya?”

Tumaas ang tingin niya. “Nakalimutan ko na. Masyadong mahirap at medyo nagsisisi akong itinuloy ko pa ang accountancy,” pareklamo niyang sabi at saka lumabi.

Mahina akong tumawa. Wala akong balak kontrahin ang sinabi niya dahil talagang mahirap. Simula noong nag-shift siya ng course hanggang sa ituloy niya ang accountancy, doon ko lang nakita iyong side niyang napakaseryoso sa pag-aaral. Gusto niya maging certified public accountant, pero hindi ganoon kalalim ang pagkagusto niya unlike kay Jazz na halatang gustong-gusto niya. Samantalang ako, napilitan lang talaga ako noong una.

Minsan ko siyang tinanong kung bakit niya pinili ang course na accountancy, pero ang sagot niya: Accountants are meant for engineers. Pinilit na rin niya akong mag-accountancy kasi magkakatuluyan daw kami ni Chrysler, isang civil engineer.

Bumalik ako sa pagsimangot dahil sumagi sa aking isip ang nangyari kanina. Napahawak ako sa dibdib ko sabay haplos nang marahan. “Kinakabahan ako sa magiging result ng board exam.” Bumuntonghininga ako 'tsaka bumagsak ang magkabilang balikat.

“Hindi ko talaga yata maipapasa ang board exam, Genesis,” problemadong wika ko, tinakpan ko ang noo noong itukod ko ang kanang siko sa mesa.

Hindi naman ako na-mental block, may naisasagot pa naman ako kaya nga lang hindi ako sigurado. Pakiramdam ko, iiyak ako kapag malalaman ko ang result. Kinamot ko ang noo.

“Ang hirap at hindi ko alam tama mga sagot ko,” dagdag ko saka ko pinaglaruan ang mangkok, inaatras at abante ko.

Pinitik niya ang daliri ko dahilan para bawiin ko ang kamay. Hinawakan ko ito saka ako tumingin nang nakasimangot. Tumama ang tulis ng kuko niya sa balat ko.

“Girl, ginamit mo ang utak mo noong nagsagot ka kaya gamitin mo ang utak mo para isiping papasa ka. Hindi mo tinutulungan ang sarili mo kung negga ka.” Mahina niyang hinampas ang mesa para idiin ang bawat salitang sinabi niya. Inilayo ko agad ang kamay nang akmang pipitik ulit siya.

Tiningnan ko ang aking daliri kung nagkaroon ng sugat sabay sabing, “Mahirap naman kasi, 'di ba?”

Ibinalik ko ang pagkakapatong sa ibabaw ng mesa ang kamay dahil wala akong napansing sugat. Nahagip ng paningin ko ang pag-ismid niya. “Kinaya mo ang apat na taon, girl. Maipapasa mo iyan.”

“Iba kasi itong board exam, Genesis,” giit ko.

Siya naman ang nagpakawala ng buntonghininga. “Alam ko, girl. Nag-aral nga tayo ng ilang taon para maging pamilyar at matuto. Pumasok ka sa review school para balikan lahat ng napag-aralan natin at ma-refresh sa ating utak.”

Sinundan ko ang ginawa ng daliri niyang pagbilog sa mesa. Ramdam ko ang kaniyang tingin. “Nag-aral ka kaya imposibleng mali mga sagot mo,” sabi niya.

Sa huli, tumango ako. Sa bagay, tama rin naman siya. Hindi naman ganoon kabigat sa puso kong sagutan ang lahat kanina, hindi katulad kahapon na halos ngumawa ako sa hirap. As in wala akong maalala sa lahat ng binasa ko noon at wala akong maisip. Natataranta ako at nakaka-pressure ang oras pati iyong mga kasama ko sa loob ng classroom. Kung naniniwala siyang papasa ako, dapat sigurong magtiwala ako sa sarili kong kaya ko.

Marahan kong inilipat ang mga mata sa kaniya. May gusto pa pala akong itanong at sana masagot niya nang maayos. Siya lang ang alam kong makakatulong sa akin para makausap si Jazz. Ayaw ko namang istorbohin si Kuya Kier kahit sinabi niyang dumaan lang ako sa clinic niya at hindi naman daw ako abala. Nakakahiya kung sa kaniya ako magtatanong. Baka kasi iba ang isipin nila sa pakay ko.

“Puwede ko bang malaman kung may balita ka kay Jazz?” tanong ko. Magaan kong kinagat ang ibabang labi at tinititigan siya.

Namulagat ang mata niyang ngumisi nang malapad. “Wala akong balita sa kaniya except noong last month na kinumusta niya ako. I'm sure that he's busy and fine,” sagot niya.

Today is the DayWhere stories live. Discover now