TITD48

52 5 0
                                    

UMUPO AKO sa tabi ni Brix nang maabutan ko siyang nanonood sa sala. Sumandal ako sabay hilig ng ulo ko sa kaniyang balikat.

Itinuon ko ang mata sa malaking screen ng TV samantalang kusang inaalala ng isip ko ang magandang moment namin ni Chrysler bago kami maghiwalay. For the first time na hindi kami lumabas kundi nanonood lang magdamag hanggang sa magsawa kami at magkuwentuhan tungkol sa iba't ibang bagay. Nakatutuwa at kahit parang nauubusan na ako ng laway sa kasasalita ay hindi ko pinansin. Napakasarap magkuwento sa taong gustong-gusto mong makasama sa bawat segundo.

Sa katunayan, gusto kong bawiin pero kailangan kong panindigan dahil alam kong para sa akin naman itong ginagawa ko. Kailangan kong timbangin ang sarili ko-patinuin para hindi puro bawi at liko ang desisyon ko sa buhay.

Ipinatong ko ang braso sa sandalan ng upuan. Tumataas nang bahagya ang kilay ko dahil hindi ko maintindihan kung ano itong pinapanood niya. Familiar sa akin iyong babae sapagkat may napanood akong drama niya noon, iyong vagabond at while you were sleeping na parehas naming pinagpuyatan ni Genesis noong nakitulog ako sa bahay nila.

Tiningnan ko si Brix. "Ano iyang pinapanood mo?"

"Start Up, ate. Panoorin mo. Highly recommended kahit hindi ko pa natatapos," sagot niya na wala sa akin ang tingin.

Paismid akong tumango sabay lipat muli ng tingin sa nakabukas na sliding door dito sa sala. Isinasayaw ng hangin ang santan at ang kurtina na nakatali, ngunit wala pang isang minuto ay biglang bumuhos ang ulan. Tumayo ako para isara ang pinto at inilugay ang kurtina nang sa ganoon ay hindi namin makita ang pagpatak ng ulan sa labas.

Nilakasan naman ni Brix ang volume dahil nakikipagpaligsahan ang buhos ng ulan. Bumalik ako sa pag-upo sa tabi niya, itinaas ang dalawang paa sa upuan at inihilig ang ulo sa balikat niya.

Tatapusin ko na lang itong pinapanood niya para malibang ako. Wala akong mapiling magandang panoorin at next week ako mag-uumpisang mag-review sa Pinnacle CPA Review School. Nararamdaman kong mas madugo ang pagre-review ko kaysa sa pag-aaral ko ng apat na taon sa college.

"Wala kang gagawin o pupuntahan?" tanong ko dahil may naalala akong sinabi niya noong nakaraang araw na lalabas siya kasama ng mga kaibigan.

Madaya kasi mas gusto niyang pumasyal kasama ang kaibigan niya kaysa sa akin. Ayaw niya akong kasama dahil iyong mga gusto niyang gawin ay hindi niya nagagawa. Gaya na lang pagsakay sa jetski nang mag-isa at snorkling. Gusto kong ikutin ang buong lugar at saka bibili ng mga souvenir samantalang gusto niyang bumili ng souvenir sa mga pinapasukan naming shops. Madalas kaming mag-away sa daan ngunit punong-puno naman ng tawanan.

"I am going to watch Korean drama for the whole day. Ilang buwan na akong hindi nakakanood at ang dami-dami pang nakapila."

Dalawang buwan mahigit nga siyang hindi tumambay sa harap ng TV at si papa ang pumalit sa trono niya kasama si mama. Nitong mga nakaraang araw ay naabutan ko silang dalawa na nanonood pa rin kahit madaling araw na.

"You're not going to meet Kuya Chrysler?"

Nakangiti akong umiling. "Sinabihan ko siyang hindi muna kami magkikita. Ang gulo kasi ng isip ko at ayaw ko naman siyang madamay," sagot ko kahit sa mga oras na ito ay kating-kati ang paa kong pumunta doon at yakapin siya.

Inalis ko ang nakahilig kong ulo at isinandal na lamang ang ulo sa armrest ng sofa sabay patong ng dalawang paa ko sa kaniyang hita.

"Babalik na ng Los Angeles si kuya?"

Nag-play ang kasunod na episode ng pinapanood niya. Tumango ako sa nang tapunan niya ako ng tingin.

"Hindi na kayo magkikita?"

Today is the DayΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα