TITD50

58 6 0
                                    

“Kumusta, ate?”

Nilingon ko si Brix pagkaupo ko sa sofa, na naabutan kong pinatay niya ang TV, katatapos lang siguro manood ng korean drama habang may hawak-hawak siyang libro. Simpleng tanong pero napakalaki ng impact sa akin. Kumusta na nga ba ako?

Maayos pa naman ako, hindi masyadong magulo ang isip ko noong may mga umalis. Hindi na ako naguguluhan sa lahat—hindi na ako iyong dating napakagulo mag-isip. Natitimbang ko nang maayos at nakakapagdesisyon ako. It's been seven months at masasabi ko sa aking sarili na may nagbago.

Hindi ako sigurado kung napansin nila ang pagbabago ko o hindi. Matagal kong siniguro ang sarili bago ako nakasagot sa kaniya ng, “I am happy now.”

Lumawak ang ngiti ni Brix. “It's overwhelming to hear that from you, ate. Ready ka na ba ulit bukas?”

Lumabi ako sa huling katanungan niya. Marahas akong bumuga ng hangin, sumandal at napahilot sa aking sentido. Hindi ko alam kung paano sagutin. Naalala ko, puro kamot sa ulo at pindot ako sa calculator. Sa taxation ako nahirapan kanina noong magsagot ako. Halos humiwalay na ang utak ko sa aking ulo dahil nakaka-mental block. Hindi pa ako sigurado kung tama mga isinasagot-sagot ko.

Mahaba ang nguso kong sumimangot. “Brix, hindi ko yata maipapasa ang board exam. Hindi ako magiging certified public accountant,” pinanghihinaan ang loob kong wika.

Umiling-iling siyang iniipit ang lapis sa libro at isinara. Inilapag niya ang libro sa mesa, inibabaw ang remote. “Ayan ka na naman, ate. Don't think that. You will pass the exam. This is just the first day, bumawi ka pa sa susunod.”

Tumango-tango ako. First day pa lang naman ng exam at may dalawang araw pa. Sana ay maabot ko ang passing, kahit wala na ako sa topnotch.

Tumalikod si Brix sa akin, my kinukuha sa gilid ng sofa. “Pinapabigay pala ni Kuya Chrysler.”

Tinanggap ko ang inilahad niyang paper bag. “Ipinadala niya?”

Kumusta na rin kaya ang isang iyon? Wala na akong balita sa kaniya dahil ilang buwan akong umiwas sa pagbubukas ng social media accounts ko para lang makapag-pokus ako sa board exam.

Inilingan niya ako. “Iyong black box, pero iyong isa galing dito. Nagpabili siya sa akin at saka na raw niya babayaran kapag nagbakasyon siya,” nakangiting sagot niya.

Kumunot ang noo kong tumayo. Ano-ano kaya ang laman nito at bakit may kabigatan? Puro handwritten letters ba ito at ipinasulat niya kay Brix lahat? Sinilip ko ang loob at may nakita akong papel. Baka naman ibinalot lang ulit ni Brix sa papel para hindi ko masilip kung ano ang laman.

“Maiwan muna kita rito. Sa taas ko na lang bubuksan,” paalam ko sa kaniya.

Tumango siya. “Magre-review rin ako para sa exam namin next week.”

Umakyat ako para pumunta sa kuwarto ko. Habang humahakbang ako paakyat ay bigla kong naalala iyong paper bag na ibinigay din niya sa akin dati. Tumaas nang bahagya ang tingin ko maging ang kilay, inaalala kung saan ko ba inilagay iyon.

Hindi ko pa nabubuksan at itinago ko yata iyon sa drawer, malapit sa salamin. Napakamot ako sa buhok saka ko binuksan ang pinto ng kuwarto. Dumiretso kaagad ako sa drawer pero wala doon.

Lumingon-lingon ako. Tumapat ako sa isang pinto. Kumbaga pagpasok pa lang sa kuwarto ko ay bubungad ang isang makipot na hallway at makikita mo ang kama ko, kaharap ang glass door na natatakpan nang beige na kurtina at sa kanan ay doon nakapuwesto ang study table ko habang sa kaliwa ay may isang pinto ulit, iyon ang maliit kong walk in closet. Binuksan ko ang pinto para pumasok. Nagbabasakali akong dito ko inilagay.

Today is the DayWhere stories live. Discover now