TITD15

63 5 0
                                    

NAKASIMANGOT KONG itinukod ang kamay ko sa armrest habang pinapanood kong magligpit ng gamit. I couldn't believe myself that I passed the short quiz earlier. Sariling sikap kong inintindi at pinakinggang mabuti ang discussion kanina. Nakatutuwa lang sa puso dahil kaya ko rin palang pumasa kahit sa minor subject.

Sumunod ako kay Jazz nang tumayo siya, lumabas sa classroom. Mabuti na lang at hindi sa pinakamataas na palapag ang classroom namin para sa last subject.  Paniguradong hihingalin ako sa pagbaba sa hagdan. Kung sa elevator naman kami sasakay ay punô dahil sa mga estudyanteng ayaw magpagod.

“Susunduin ka ni Chrysler o sasabay—”

“I'll drive her home,” sabat niyang ikinalingon ko sa aming likuran. Nakatayo siya roon, nakasandal sa kaniyang motorsiklo nang nakahalukipkip.

“I get going now,” paalam ni Jazz, tinapik ang balikat ko sabay ngiti.

I bit my lower lip from how handsome he is in front of me. I haven't seen him for how many days. His undercut hairstyle and the way of his dark eyes looked at me, it made me swallow my lump. The way he dressed is stylish and has formality. He is wearing black jeans and a collared shirt; paired with white sneakers.

“You are with him in the entire day?” tanong niya habang ang mga mata ay na kay Jazz, na naglalakad palayo.

Sumingkit ang mga mata kong tumango. “Oo, magkaklase kasi kami.”

Umayos ako ng tayo pagkatapos kong mapansin ang pag-igting ng panga niya at ilipat sa akin ang paningin.

“Wala ka na bang gagawin?” tanong ko dahil baka may gagawin ulit siya, hindi ko makasasama nang matagal.

Umiling siya. Inabot niya ang kamay ko't hinila palapit sa kaniya, kaya medyo napasubsob ako sa dibdib niya.

Ngumiti akong ipinulupot ang braso sa baywang niya at iginapang ko paitaas ang kamay ko. Hinagod ko ang likod niya. Dinadama ko ang init ng yakap niya.

“Maihahatid mo na ba ako o baka mamaya may lakad ka na naman bigla,” natatawang sambit ko.

Nadala na ako sa senaryong ganito. Hindi pa kami nakaalis ng university ay may mambubulabog sa kaniya kaya palaging nagmamadali siyang ihatid ako at hindi ko pa siya nakauusap nang maayos. Sa ganoong sernaryo ay parang hindi ko siya boyfriend, kundi naging driver ko siya para lang ihatid ako pauwi.

Inilayo niya nang kaunti ang katawan niya at bahagyang iyinuko ang ulo para makita niya nang buo ang mukha ko. Tumingala naman ako sa kaniya.

Matamis ang ngiti niyang hinaplos ang buhok ko. “Wala. Nangako akong ihahatid kita ngayon.”

Humalik siya sa aking noo dahilan para mapangiti ako nang abot-langit dahil ramdam ko ang init ng pagdampi ng labi niya sa noo ko. Pagkadilat ko ay humiwalay siya sa aming yakap.

Iminuwestra niya ang motorsiklong nakaparada sa likod niya. Tinapik pa ang upuan. “Hop in.”

Pagkaangkas ko matapos niyang isuot ang helmet sa aking ulo ay umangkas din siya at pinaandar ang motor.

“Would you like to go somewhere before we head to your home?” pasigaw niyang tanong, na sapat lang para marinig ko nang malinaw pagkalabas namin ng university.

“Yes, I want!” masigla kong sagot para marinig din niya nang malinaw.

Nakita ko ang pag-angat ng ulo niya, senyales na tumango ito. Humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniyang baywang nang bumilis ang pagpapaandar niya sa minamanehong ducati. Isinandal ko ang ulo sa likod niya. Ngayon lang ulit ako nakasakay sa kaniyang motor.

Today is the DayWhere stories live. Discover now