TITD12

91 6 0
                                    

HINDI KO ALAM ang uunahin ko kung sasama ako kanila Genesis o ‘di kaya kay Chrysler. Nakatitig ako ngayon sa cellphone ko, hinahayaang tumawag nang tumawag hanggang sa mapagod siya at dumami ang missed calls na galing sa kaniya. Kinamot ko ang palapulsuhan ko nang tumigil din ito sa wakas sa pagtawag.

Inilapag ko sa aking kandungan ang cellphone ko at inihilig ang ulo sa nakaupong si Brix sa tabi ko. Nakatutok ang mga mata sa telebisiyon, nanonood ng korean drama. Magtatanong sana ako sa kaniya pero naramdaman ko ulit ang vibration ng cellphone ko.

Pikit-mata akong napahilamos at tinitigang muli.

“You won't answer her calls? Mamaya pupunta siya dito at—”

“Ang bastos mo girl. Tititigan mo lang, wala kang balak sagutin?” she entered with annoyance in her voice as she cut Brix's statement.

Pinasadahan ko ang suot niya. The way she dressed is seductive. Palagi niyang ipinapakita ang mahaba at maputi niyang legs na mas lalo pang lumitaw ang pagkaputi niya dahil sa suot niyang itim na hot pants at pulang crop top na pang-itaas niya. Bago pa niya mahalatang nakatitig ako sa kaniya ay inilihis ko ang paningin.

“Wala ka bang ibang pupuntahan?” kunot-noong tanong.

“Tunog ayaw akong makita, girl, a!”

Lumapit siya sa inuupuan naming sofa ni Brix at napansin kong pinasadahan niya ako ng tingin. Idinampi niya ang kamay sa kitang pusod ko dahil sa suot kong wrap top nang umupo siya sa aming gitna. Nakita kong nagkamot ng buhok ang kapatid ko at tumayo, lumipat sa single couch.

She's looking at me intensely. “Hindi naman sa ganoon, pero...” I trailed off as I scratched the surface of my forehead for a second.

Itinaas-baba niya ang kilay, naghihintay ng sasabihin ko. She crossed her legs. “Guguluhin ko ang buhay ng may jowa.”

Namilog ang mga mata ko sa narinig dahilan para tumawa siya't ibaling ang tingin sa pinapanood din ni Brix. Umaawang din nang bahagya ang bibig niya at ngumingiti, hahagikgik nang mahina.

“Puwedeng sa iba na lang?” suhestyon kong pukaw sa kaniya dahil ang atensyon niya ay nasa Korean drama. Nasabik na naman ito sa panonood.

“Kapal mo naman, girl. Parang araw-araw naman kitang ginugulo, e, ngayon lang naman!” she hissed while her eyes are on the television.

“Busy si Cathaleya?” I asked. Inilipat ko ang tingin sandali sa pinapanood nila dahil tutok na tutok silang dalawa, nahimok ni Brix si Genesis na ituon ang atensyon sa drama lalo na at mahilig siya sa ganito. Parang wala tuloy akong kausap.

I waved my hand in front of her face. Hinawi niya ang kamay ko. “She's with her brother,” maiksi niyang sagot. Isinandal ang likod sabay agaw sa unang nasa gilid ko at niyakap ang unan.

“Si Jazz o ‘di kaya si Yvy?” Nagsalubong nang bahagya ang kilay ko. Hindi dahil sa ayaw ko siyang nandito pero aaminin kong nagsasawa na rin ako sa mukha niya. Palagi na lang niya akong ginugulo.

“Reporter ka, girl? Dami mong tanong. Hindi naman ako pupunta dito kung may available sa kanilang lahat.” She rolled her eyes.

“Aalis din kasi ako,” sagot ko sa kaniya. Hindi magkasundo ang dalawa. Hindi sila nagbabangayan pero baka magbatuhan sila ng unan kapag titili si Genesis o ‘di kaya magdadaldal para mag-rant sa pinanonood.

“E ‘di umalis ka lang. Pinipigilan ba kita?” she sarcastically said, her eyebrows knitted.

“Baka kasi ma-bore ka dahil mag-isa ka lang dito at hindi ka kakausapin ni Brix.”

I looked at my brother who is mimicking the way I speak. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang palihim na pagtaas ng hinlalaki niya, senyales na tama ang sinabi ko.

Today is the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon