TITD07

120 9 0
                                    

BAGO NIYA paandarin ang motor ay nakapag-text ako kay mama para ibalita sa kanilang sumunod na sila sa bahay nila Chrysler. Nag-angat ako ng tingin at eksaktong nakatingin din pala siya sa akin. Itinago ko sa aking baguette bag ang cellphone upang maisuot ang helmet na kanina pa pala niya inaabot sa akin.

Pagka-angkas niya ay ipinulupot ko ang braso sa kaniyang baywang. “Kumain muna tayo bago umuwi,” sabi niya kasabay ng pag-andar ng motor.

“Hindi. Diretso na tayo sa bahay n’yo,” iling kong sagot.

Kahit nagugutom ako dahil hindi ako nakapag-almusal sa pagmamadali ay gusto kong dumiretso na lang kami sa bahay nila. Ayaw kong sayangin ang bawat segundo.

“You sure about that?”

Tumango ako kahit hindi niya makita. “Scramble eggs for our lunch will be okay, right?”

Malakas na umalingawmgaw ang tawa niya dahilan para hampasin ko nang may kalakasan ang tiyan niya. Sumimangot ako dahil malakas pang mang-asar. Ang importante ay alam kong magprito ng itlog at puwede na akong mabuhay kapag ganoon.

“Huwag mo akong tawanan. Pag-aaralan ko na ang magluto,” ungot ko.

Magpapaturo ako kay Tito Kitian. Bibisita ako sa restaurant nila. Masungit nga lang si tito, hindi ko kaya ang kasungitan niya kaya palagi kong kasama si Genesis para buwisitin lalo si tito, tapos si Jazz para pakalmahin ang papa niya.

“Maghihintay ako ng bagong putaheng lulutuin mo,” mapang-asar niyang sabi.

Bahagyang bumagal ang pagmamaneho niya kaya kinuha ko ang pagkakataong ito para kunin ang cellphone ko  upang mag-text.

To: Tita Loraine

Hello, tita. Katatapos lang ng graduation ceremony. Papunta na po kami diyan. See you there po.

“Don’t use your phone while we are on the road. Kumapit ka sa akin baka mahulog ka.”

Humagikgik ako sa narinig at agad na ibinalik sa bag ang cellphone kasabay ng muling pagpulupot ko ng aking braso sa kaniyang baywang nang paharurutin niya ito nang mabilis.

Pagkaraan ng ilang minuto sa daan ay ipinarada nito ang motor sa gilid. Bumaba ako't ibinigay sa kaniya ang helmet.

Ako ang kinakabahan kung ano ang magiging reaksyon niya. Sumulyap ako sa kaniya para tingnan ang ekspresyon niya. Kampante siya't bakas ang saya mula sa kaniyang malawak na ngiti.

Hindi ko rin mapigilan ang sarili kong maging excited sa makikita kong reaksyon niya. Pero sila mama nandito na kaya? Paano kung bigla silang dumating. Mabubuko na ang plano ko. Wala pa man din silang reply sa text ko.

Ambang pipihitin niya ang doorknob nang hawakan ko ang kamay niya. Nagtataka siyang tumingin sa akin.

Magtatanong na sana ito pero mabilis kong pinihit ang doorknob.

“Surprise!”

Mabilis niyang inalis ang tingin niya sa dalawang tao nang marinig namin ang maliksing sigaw nila. Napaawang nang bahagya ang bibig niya.

“Mom... Dad?” hindi siguradong sambit niya sa dalawa. Akala siguro niya ay nananaginip lang.

Ibinaling ko ang tingin sa kaniya matapos kong ngitian ang mga magulang niya't mag-thumbs up. Gusto niyang kumpirmahin ang nakikita niya base sa kaniyang ipinakitang ekspresyon. Gulat.

“Congratulations, anak!” they said in unison. Dinambahan nila nang mahigpit na yakap si Chrysler.

Hindi pa rin siya makaimik at makakibo nang kumalas sila sa yakap. Alam kong gustong-gusto niyang makita ang parents niya. It's been four years since they didn't see each other. Naikuwento niya sa akin minsan sa Los Angeles siya nag-junior high school hanggang grade 11 at bumalik siya dito sa Pilipinas para grade 12 hanggang sa makapagtapos siya ng kolehiyo rito. Mag-isa lang siya dito sa kanilang mansion at naiintindihan ko kung bakit ganito ang reaksyon niya ngayon.

Today is the DayWhere stories live. Discover now