TITD27

82 5 0
                                    

PUMASOK AKO sa loob ng bahay at pabagsak akong naupo sa sofa bed. I can't stop myself from thinking about what happened.

Kumunot ang noo ko habang ipinupunas-punas ko ang kamay sa suot kong skort. Hindi naman namamawis ang kamay ko pero medyo nanginginig. Rinig na rinig ko rin ang ingay nila sa labas. Masayang-masaya sila habang ako ay hindi pa rin nakababawi sa gulat.

“Why did he. . .” Napakamot ako sa aking noo.

“Why are you here alone, ate?”

Nag-angat ako ng tingin at naabutan kong nakangiti siyang nakakunot-noo sa akin. Umupo siya sa tabi ko. Inilipat ko ang tingin sa hawak niyang glass wine. Saan niya nakuha iyan? Bakit kulay blue? Busog na busog ng asul ang pasko namin.

“Puwede bang akin na lang ito?”

Tiningnan niya ang hawak niya sabay abot sa akin nang walang pag-aalinlangan. Lumunok ako bago idikit ang bibig ng baso sa labi. Mabango, amoy prutas at nakatutuksong inumin dahil sa kulay pa lang niya ay na-cu-curious ako sa lasa.

“What's this?” nagtatakang tanong ko, nagdadalawang-isip na inumin. Sigurado akong alak ito at hindi ko umiinom ng alak pero parang kailangan kong uminom para mahimasmasan ako.

Tumingin siya sa hawak ko. “Tito Mike said that's Blue Curacao. 29% alcohol. He said it's distilled and flavored from the dried peel of bitter oranges. It also contains distillates of lemons and curacao fruit, sugar, and wine. ”

My nose stretched down as I raised my brows and nodded from what he had said. Memoryado pa rin niya ang lahat ng sinabi ni Tito Mike sa kaniya? Unbelievable. I wish I could be like him.

Dahan-dahan kong intinaas ang baso. Tuloy-tuloy kong ininom na parang tubig kahit na hindi ko maipaliwanag ang lasa. Hindi nakakasawa sa lalamunan ang lasa, matamis at medyo mapait nga pero masarap naman.

I stuck my tongue out and licked my lower lip. It's a bit refreshing. I used to drink juices, not this kind of beverage. Minsan akong dinala ni Genesis sa bar at hanggang titig lang ang ginagawa ko sa kaniya, kaya ayaw na niya akong isama. Nakarami siya ng baso n'on at hindi ko pa maintindihan ang sinasabi niya sa lalaking nagse-serve ng alak, pero malaking himala dahil hindi man lang siya pasuray-suray o lasing.

“Did something happen?” he worriedly asked that it made me stop for a second.

I frowned and stared at the empty glass I am holding. “He's. . . nevermind.” I stood up.

Nagtataka lang niya akong tiningnan. “Bumalik na lang tayo sa party,” sabi ko sabay ngiti sa kaniya nang matipid.

Tumayo naman siya at umakbay sa akin. Iniabot ko sa kaniya ang glass wine habang magkasabang tahimik kaming naglalakad pabalik sa kasiyahan sa labas.

Pagkalabas namin ay gumawi ang tingin ko kay Kuya Kier na palapit sa direksyon namin. Is he going to approach us? I poked Brix's shoulder, but he didn't care about it.

Hindi nga yata kami ang lalapitan ni kuya. Ang suot niyang asul na polo ay mas lumitaw ang puti niya. Ang puputi talaga ng pamilya Bentley, para silang coupon na naglalakad sa spotlight kaya nakasisilaw. Bahagya akong lumunok nang magtama ang tingin namin ni Kuya. Ang seryoso aura niya at parang hindi mo siya mabibiro. We aren't close and we rarely talk because he is always busy with his profession and maybe the age gap between us. As well as Kuya Kyle and Kuya Pele. Si Genesis lang talaga ang ka-close ng lahat.

“Drishtelle, nakita mo si Jazz?” tanong sa akin ni Kuya Kier nang ako nga ang nilapitan niya. Akala ko kasi ay papasok siya sa bahay.

“Hinahanap kasi siya ni mommy at daddy. Kasama na naman niya siguro si Genesis. Wala rin kasi siya rito,” dagdag ni kuya.

Today is the DayWhere stories live. Discover now