Nakakatuwang hanggang ngayon ay pakiramdam ko nililigawan pa din ako ni Aki dahil sa araw-araw niyang pagpapakilig sa akin. Minsan nga pakiramdam ko ay wala akong nagagawa para sa kanya bilang isang boyfriend dahil mas madalas na siya ang nagpapasaya sa akin. Nang minsan ko itong mabanggit sa kanya sinabi niya na okay lang naman daw at hindi ko raw alam kung gaano ko siya napapasaya sa araw-araw.


Katulad ng ibang relasyon ay nagkakaroon din kami ng tampuhan pero wala pa kaming malalang pag-aaway. Kadalasan ay nagkakatampuhan kami dahil sa minsanan kong pagiging isip bata. Sa mga pagkakataong ganoon ay ako na mismo ang humihingi sa kanya ng sorry. Sa palagay ko kasi ay importante sa isang relasyon ang magpakumbaba at umamin kung ikaw nga ang may kasalanan sa isang bagay.


Nang matapos kong hugasan ang aking pinagkainan ay tinungo ko ang isa sa dalawang kwarto sa aking unit na nagsisilbing study room ko. Hilig ko ang pagbabasa kahit noong highschool pa lamang kaya lahat ng novel books na mayroon ako noon ay dinala ko rito at nilagay sa isang shelf na binili ko. May isa ring mahogany table doon na nagsisilbing study table ko. Binuksan ko ang sound system sa kwartong iyon at hinayaang mapuno ng tunog ng boses ni Ed Sheeran ang buong silid.


Umupo ako sa swivel chair na nasa study table ko. Binuksan ko rin ang aking laptop at nag-log in sa aking skype at facebook account. Inilabas ko din ang aking mga pinamili kanina.


Friday the 13th ngayon pero katulad ng ibang 13th ng mga nakaraang buwan ay sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip sa kung anong maaari kong iregalo kay Aki bukas. Every 14th kasi ang monthsary namin at para kaming mga teenagers na nage-exchange gift sa kanilang monthsary. Hindi rin naman pumapalya si Aki na bigyan ako ng regalo o surpresahin ako sa espesyal naming araw na iyon at nahihiya naman ako kung wala akong ibibigay o gagawin para sa kanya. Naisip ko din naman na since bago pa lang naman kami ay wala naman masama kung mag-regaluhan kami tuwing monthsary namin. At aaminin ko ding nag-eenjoy ako sa ginagawa naming ito dahil si Aki ang unang boyfriend ko. At sa ilang buwan naming pagsasama ay marami akong naging first na sa kanya ko lang naranasan kasama na doon ang exchange gift sa aming espesyal na araw.


Bukas ay eleven months na kaming mag-boyfriend ni Aki. Katulad ng nakasanayan ay naisipan ko siyang bilhan ng regalo, ang problema lang ay sa tuwing naiisip ko siyang regaluhan ay wala akong mapiling ibigay sa kanya. Ang hirap naman kasing isipan ng regalo ng isang iyon, parang nasa kanya na kasi ang lahat ng bagay na gusto niya na maaaring bilhin ng pera. Kadalasan nga ay pati si Lui ay binubulabog ko kapag wala na talaga akong maisip na ibigay kay Aki.Dumaan ako sa mall kanina pagkagaling sa trabaho para bumili ng regalo. Nalibot ko ang buong SM Aura sa paghahanap pero wala akong maisip na ibigay kay Aki. Wala din naman kasi talaga siyang masyadong hilig sa mga materyal na bagay. Hindi naman sya nangongolekta ng watch katulad ko, hindi din sya mapili sa damit o sapatos kung ano lang ang maisipang isuot (kahit naman kasi basahan bumabagay sa kanya kapag suot nya) at bago naman lahat ng gadget na mayroon sya.


Napangiti na lamang ako ng buksan ang plastic ng National bookstore kung saan ako nakahanap ng maaaring ibigay sa kanya. Napagtanto ko kasi na kahit kailan ay hindi ko pa siya nagawan ng love letter o kaya card. Medyo old school at masyadong cheesy pero alam kong magugustahan ito ni Aki. Inaayos ko na ang mga gagamitin ko sa paggawa ng aking regalo ng mag-message sa akin si Aki sa Skype.


Ilang sandali lang ay bumungad na ang mukha ni Aki sa screen ng aking laptop. As usual gwapo pa din sya, makapal ang kilay, nakangiti ang mata na bagay na bagay sa prominent nyang panga. Matangos ang ilong, mapula ang labi na tinernuhan ng mapuputi at pantay na mga ngipin.

STARFISHحيث تعيش القصص. اكتشف الآن