Chapter 1

440 20 1
                                    


StarfishBy: crayonbox21


****Kyle****9:30 pm, FridayJune 13


Ang buhay parang isang mahabang roller coaster ride. Madaming biglang taas at biglang baba, minsan hindi ka makasabay sa bilis nito gusto mo na lang na tumigil at magpahinga. Pero katulad ng taong nakasakay sa roller coaster wala ka namang kontrol sa mga mangyayari, kahit ilang beses ka mang sumigaw hindi ito basta na lang titigil para sayo. Ilang beses mo mang i-anticipate ang biglang pagtaas at pagbaba ay hindi mo pa din mapipigilan ang overwhelming na pakiramdam.


Sa ilang beses ko ng pagsakay sa roller coaster, sa napakaraming ups and downs ng buhay ko, isa lang ang natutunan ko. Laging may dahilan para ngumiti. Nakakatakot ang isang mahabang roller coaster ride pero sa tagal ng pagsakay mo matutunan mo ding mag-enjoy. Masasanay ka ng madapa at bumangon. At mas masaya gawin ang lahat ng ito kung may kasama kang sisigaw sa bawat liko ng iyong daan, mas kakayanin mo ang bawat pagbagsak kung may nakahawak sa kamay mo, at mas exciting ang bawat pag-akyat kung may kasama kang tumatawa.Kakatapos ko lang kumain ng hapunan at tahimik kong nililigpit ang aking pinagkainan. Nakakapagod ang maghapong trabaho sa opisina pero hindi pa ako maaaring matulog dahil may kailangan pa akong gawin.


Tuluyan na akong umalis sa kumpanya nila Aki at may sampung buwan na din akong empleyado sa bagong kumpanyang pinagtatrabahuhan ko dito sa Mckinley Hills sa Taguig. Masaya naman ako sa trabaho ko bilang isang Statistician, mabait naman ang mga kasama ko at maganda din ang pasahod ng kumpanya.


Nanatili pa rin kaming magkaibigan ni Sam at nakakasama namin siya minsan ni Aki kumain sa labas. Kinasal na siya sa kanyang partner limang buwan na ang nakakalipas at pareho kaming kasama ni Aki sa mga naging abay.


Kasabay ng pagkakaroon ng bagong trabaho ay nakahanap din ako ng condo unit na maaari kong tirhan sa may Bonifacio Global City. Gamit ang perang naipon ko at sa tulong na din nila mama, na naawa sa akin kung mag-uuwian ako mula Taguig hanggang Bulacan araw-araw, ay nabili ko ang unit na iyon. Kung tutuusin ay masyadong malaki para sa isang tao ang unit na nakuha ko. May living room, kitchen, dining, dalawang banyo, at dalawang kwarto ang unit. Ayon kay mama ay okay na din daw iyon para kung sakaling maisipan nilang pumunta para bisitahin ako ay may matulugan sila. Fully furnished naman na ang unit kaya hindi na din ako namroblema sa mga gamit. May queen-size bed ang dalawang kwarto at mga built-in closet. Centralized din ang buong unit. May 32" inch LED tv at sofa na sa living room. May ref na din at dining table sa kusina. Nang lumipat ako roon ay binilhan din ako nila mama ng karagdagan pang gamit na kakailanganin ko.


May sampung buwan na din ako dito at masasabi kong masarap sa pakiramdam na may sarili kang bahay. Though once o twice a month ay umuuwi pa din ako sa amin sa Bulacan para makasama ang pamilya ko.


Mag-isa lamang ako dito sa unit ko. Hindi na ako kumuha pa ng kasambahay dahil sanay naman akong mamuhay mag-isa since college. Ako na ang naglilinis at nagluluto, kadalasan ay nagpapa-laundry lamang ako ng maruruming damit. Hindi rin naman ako nalulungkot dahil madalas naman akong bisitahin dito ni Aki.


Hindi ko mapigilang mapangiti nang maisip ko ang aking boyfriend. Hanggang sa mga sandaling kasing ito ay hindi ako makapaniwala na sa wakas ay kami na nga ni Aki. Kapag binabalikan ko ang mga malulungkot na alaala namin ay parang isang dekada na ang lumipas mula ng mangyari ang mga iyon. Natabunan na kasi ng mga masasayang alaala namin ang mga malulungkot na tagpong iyon ng aming buhay.

STARFISHWhere stories live. Discover now