Pagdating sa condo, agad na ni-ready ni Jayvee ang pagkain at syempre ang movie. Hindi ko alam kung anong trip nitong ni Jayvee dahil sinalang nyang movie is Dragon Ball Z the movie. Tsh!

"Whooaaa go Goku!!"- cheer nya pa habang nanunuod at kumakain. Natatawa nalang ako na ewan.

Habang tumatagal, medyo nakakaramdam na ako ng hilo kaya tinigil ko na ang pag-inom ng beer. Pagtingin ko kay Jayvee napangiti ako bigla, nakatingin kasi siya sa akin habang nakangiti tapos halatang nakainom narin 'tong lalaking 'to dahil halos mamula-mula na ang pisnge nya.

"Oh? Bakit nakatingin ka dyan?"- pagtataray kong tanong

"Masaba bang tignan ka?"

"Oo masama, dahil alam ko yang mga tingin mo."- natatawang sambit ko pa sa kanya. Natawa naman siya tapos inayos ang mga pagkain at tumabi sa akin.

"Alam mo na agad?"- tanong nya tapos kiniss ang balikat ko

"Hmmp, alam mo ilipat mo nalang kaya yung movie."- recommend ko

"Huwag na."- bulong nya sa taenga ko.

Halos mapahinga na ako ng malalim at mapalunok dahil naramdaman ko ang mga labi ni Jayvee sa gilid ng leeg ko. Kinakabahan ako na ewan, saan na naman ba hahantong 'to?

Hinawakan nya ang mukha ko at marahan akong hinalikan sa mga labi, wala naman akong magawa kundi sagutin ang mga halik na ibinibigay nya.

F-Fvck ..

Habang tumatagal nag-iiba ang mga halik ni Jayvee, napahawak pa ako sa ulo nya dahil hindi na ako gaano makahinga. Ilalayo ko na sana siya pero bigla syang lumayo at agad na hinubad ang damit nya.

Nagkatitigan pa kami ng ilang segundo pero agad din nya akong hinalikan.

While he kissed me ..

Nararamdaman ko ang isang kamay nya na marahang naglalakbay sa waist ko pababa papunta sa skirt ko. Dahil naka-skirt ako madali nyang inilakbay ang kamay nya sa hita ko.

Hindi ko alam pero .. kinakabahan ako na ewan.

He kissed my neck ..

Napadilat ako habang hinahalikan nya ang leeg ko. Unti-unti ko na rin nararamdaman ang isang kamay nya sa butones ng damit ko.

H-Hindi ko alam pero ..

"J-Jayvee .."- tinulak ko siya ng mahina palayo sa akin.

Halatang nagulat at may halong pagtataka ang reaksyon ni Jayvee sa ginawa ko. Napaiwas ako bigla ng tingin at napaayos sa sarili ko.

I know, dapat hindi na bago sa akin to. P-Pero kailangan mag-isip din ako hindi ba? Paano nalang kung mabuntis ako? Masyado pang maaga.

"May problema ba?"- pag aalalang tanong nya

Umiling ako at tumingin sa kanya

"Ahm, p-pagod lang ako."- dahilan ko

Unti-unti naman siyang napapatango at napahinga ng malalim.

"Ganun ba, hmm gusto mo na bang umuwi?"- he ask me

Tumango nalang ako. Sorry Jayvee .. pero kailangan dahan-dahanin natin ang mga nangyayari. Hindi sa ayoko, pero kailangan natin ang limitasyon sa lahat ng bagay at mas lalong limitasyon tungkol sa bagay na 'yon.

_____________________________


(RAVELYNE POV)

Nandito ako ngayon sa kwarto at dahil hindi ako makatulog, wala akong ibang magawa kundi mag scroll sa socmed. Medyo excited naman ako bukas dahil last day na ng rehearsal namin at show na sa Saturday. Yay! Hihihi

Nothing But The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon