"Ayos lang naman ako, Apo. Namiss ko kayo ni Clarie. Nasaan pala ang batang 'yon? Ayaw niya ba ako makita" nalungkot si lola.

"I'm here, lola" sigaw ni Claire sa sasakyan. Bumaba siya at sinagi si Dane. Napahawak tuloy sa akin si Dane.

"Okay ka lang?" tanong ko kay Dane. Tumango lang siya sa akin.

"I miss you, lola" saad ni Claire at niyakap si lola. Kumalas siya at tumingin sa mga pinsan at tita namin. "Kumusta, titas?" natatawang saad niya. Nag-kwentuhan saglit at bumaling sa mga pinsan namin.

"Hi, ate Claire. Mas lalo ka pong gumaganda, ah?" masayang saad ng isang pinsan naming si Gab. Natatawang ginulo ni Claire ang buhok nito.

"Gano'n talaga. Lahi na natin 'yon" proud na saad niya. Nag-kwentuhan muna siya sa mga ito.

"Sino naman 'yang magandang babae na 'yan apo?" tanong ni lola ng makalingon sa pwesto namin ni Dane.

"Nice to meet you po. I'm Dane Villa po" nakangiting saad niya at nag-mano.

"Ang galang namang bata. Ang ganda pa" saad ni lola.

Inalalayan na namin makapasok at maupo si lola sa loob. Pati mga pinsan at tita ko ay nasa loob pati na rin sila mommy.

"Oh, sumakay ka na, ineng" saad ni lola kay Dane. Ineng dahil gano'n ang tawag ni lola sa mga dalagang babae.

"Ay, hindi na po. May kotse po akong dala, lola" saad niya pa at bumaling sa akin. "Susunod na lang ako sa inyo. Sana hindi na galit sa akin si Claire" saad niya at humalik sa pisngi ko.

"Ew" naduduwal kunwring saad ni Claire. Habang nakatingin sa amin.

"Sige, hintayin na lang kita sa bahay" saad ko at hinintay makasakay si Dane sa kotse niya bago pumasok sa van. Dumeretsyo ako sa likod. Malaki yung space sa likod kaya hindi talaga kami magdi-dikit ni Claire.

"Hep! Bakit dito ka uupo, Clark?" saad niya.

"Sabi ni daddy. Hindi mo ba narinig na sinabi kanina?" tanong ko at umupo sa gilid. Inirapan niya naman ako.

Naging mabilis na ang naging byahe namin kumpara kanina. Ilang oras lang ay nasa bahay na kami. Hindi pa rin ako kinakausap o pinapansin ni Claire. Nasa mga pinsan namin ang atensyon niya.

Sunod sunod ko ng nasasaktan ang feelings ni Claire. Hindi ko na alam, kung maniniwala pa siya sa akin. Kung kaya niya pa akong patawarin sa lahat ng nagawa ko sa kaniya.

Nilingon ko ang kotse ni Dane dahil nakasunod siya sa amin. Bumaba na siya at lumapit sa akin. Katabi ko si Claire pero ng makita niyang nasa gilid ko na si Dane ay pumasok na siya agad ng walang salitaan. Sumunod naman kami.

"Claire, baby. Huwag ka munang umakyat kakain na tayo" saad ni mommy pagkapasok namin.

"Busog pa pala ako" sagot ni Claire habang umaakyat sa taas. Walang lingunan.

"Kanina sabi mo nagugutom ka?" saad ni mommy habang nakatingin kay Claire. Halos lahat naman ata kami ay nakatingin kay Claire.

"Kanina 'yon. Baba na lang ako kapag bumalik na ulit ang gutom ko" sagot niya at deretsyo deretsyo. Alam na naming nasa kwarto na niya siya nang ibagsak niya ang pinto ng kwarto niya.

"Problema no'n?" tanong ni tita.

"Malay ko rin sa bata na 'yon. Hayaan na lang muna natin baka sinusumpong na naman" saad ni mommy.

Dumeretsyo kaming kusina at nagsikain. Syempre nag-kwentuhan kami about sa buhay nila lola.

Nang matapos ay dumeretsyo kaming sala. Si lola nag-pahatid sa kwarto niya para mag-pahinga pati yung iba kong pinsan na maliliit. Mga napagod sa byahe.

LOVER | ✓जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें