Akala mo mamatay kapag hindi nahawakan o nakita ang cell phone niya.

"Sino 'yang Dane na 'yan, ha? Ikaw, ah" biglang saad ni Claire maya-maya kaya nilingon ko siya.

"H-ha? W-wala kaibigan ko lang 'to" nauutal na saad ko, at pinatay ang screen ng cell phone ko. Baka may makita pa siya lalo.

"Bakit nauutal ka kung kaibigan mo lang 'yan? Wala namang masama kung magkaroon ka na ng girlfriend. Matagal tagal ka na rin namang single at hindi bagay sayo tumandang binata. Paano dadami lahi natin niyan?" natatawang saad niya habang nanga-asar ang mukhang nakatingin sa akin.

Ito na ba ang tamang araw at oras para malaman at makilala nila si Dane na girlfriend ko? Hindi pa ako handa. Kahit alam kong si Dane ay handa na, nakaraang linggo pa.

Gusto ko rin naman magkaanak para may susunod sa yapak naming Smith. Pero, hindi pa sa ngayon.

"Kaibigan ko nga lang 'yon" saad ko. Pero, ang mukha ni Claire ay hindi naniniwalang nakatingin sa akin.

Mapanghusga naman 'tong kapatid ko na 'to.

"May tinatago ka sa akin!" saad niya at sinandal ang likod sa upuan, at tumingin sa labas ulit.

"Kaibigan nga lang 'yon. Huwag ka ng makulit" saad ko habang sinusuyo siya.

Gusto niya nga ako magkaroon ng girlfriend pero selosa naman siya kapag wala na sa kaniya ang atensyon ko. Hay naku.

"Pero nagta-tanong kung kailan ka niya ulit matitik----" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya tinakpan ko agad ang bibig niyang malaki. Kaysa buong Toblerone sa bibig niya.

Tinatanggal niya ang kamay ko habang nagsa-salita. Hindi ko naman siya naiintindihan. Hanggang sa kagatin niya ang palad ko.

Napahawak ako sa palad ko na kinagat niya at pinunasan. May virus kasi itong si Claire. Maganda pero dugyot.

"Pinagsasabi mo, ha? Bakit nangangagat ka?" irita kong tanong habang tinignan ang palad ko. Bumakat kagat ni Claire.

"Bakit mo muna tinakpan bibig ko? Dahil ba ayaw mong malaman nila daddy 'yong pinagu-usapan niyo n'yang Dane?" saad niya habang lumalapit sa akin ang mukha. Ako naman ay inis na tinignan lang siya.

Nilingon ko naman sila daddy sa likod. Nagu-usap lang sila ni mommy.

"Kaibigan ko nga lang si Dane" saad ko pa at pinasok ang cell phone ko sa bulsa ng pants na suot ko.

"Pero may tikiman sa isa't isa? Ang galing namang pagka-kaibigan na 'yan. Ma-try nga sa kaibigan kong lalaki" saad niya habang hinahawakan ang baba niya at tumingin ulit sa labas.

Bakit ba siya panay tingin sa labas ng bintana? Hindi naman siya gan'yan dati kapag may pupuntahan kami. Lagi nga siyang nakatingin sa cell phone niya pero ngayon ay nakatuon ang mga mata niya sa labas.

Hindi na lang ako nag-salita at hindi ko na rin nilabas ang cellphone ko baka kung ano pang makita, malaman, at masabi nitong kapatid ko na mukhang anak ni Detective Conan. Pero, mukha siyang tubol na hindi maflash sa inidoro.

"Mas mukha kang tubol, kuya, pati 'yang Dane na kaibigan na sinasabi mo kuno" natatawa pa ring saad niya.

"Mambabasa ka na rin pala ng isip ngayon, Claire?" natatawa ring saad ko.

"Oo, kuya. Alam ko na nga rin kung sino agad 'yang Dane na 'yan, e" saad niya pa at tumingin sa likod namin.

Nilingon ko naman 'yon. Kaya napatingin sa amin si Mommy at tumingin din kung saan kami nakatingin ni Claire. May kotseng nakasunod sa amin.

"Sino ba 'yang tinitignan niyong dalawa sa likod?" tanong ni Mommy ng bumalik ulit ang tingin sa amin dalawa ni Claire.

Hindi namin siya sinagot.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now