Chapter 28(2)

Magsimula sa umpisa
                                    

Pinandidilatan ko na siya ng mata pero ang gaga ayaw makiramdam at pinagpatuloy pa ang pagsabi ng kung ano ano sa mga magulang ni Quiro.


"So kailan niyo balak magpakasal? Mas maganda sana kung sa madaling panahon. Matatanda na kayo at kailangan niyo na talagang magmadali." Sabi ng mommy ni Quiro at tinignan niya ako ng makahulugan. Napangiwi ako ng dahil doon.

Anong sasabihin ko?
I bit my lower lip dahil ninenerbyos na ako dito.

"Jamie gurl. May itinatanong sayo si Mommy." Nagulat nalang ako noong bumulong sa akin si Quiro.

"Ho?" Gulat na tanong ko sa mommy ni Quiro.

"I was asking if it's alright with you?" She ask.   Alright with what?

"A-ah... Eh.. opo?" Sagot ko not so sure kung ano nga bang ino-ooan ko. She squeeled. Parang ang saya saya niya.

"Next week it is!" Sabi niya at pumalakpak pa. Napatingin ako kay Quiro nang may pagtataka. Pero pagtingin ko sa kanya ay nakita ko nalang ang kanyang mukha na gulat na gulat. Nakaawang pa ang bibig nito. Kinunutan ko siya ng noo.

Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.
"Quiro, ano yung next week na sinasabi ng mommy mo?" I ask him at saka ko tinignan na naman ang mukha niya at ayun nakita ko kung paano umasim ang mukha niya.

"Bruha ka. Bakit ka umoo kung hindi mo din pala alam kung anong tinutukoy ni Mommy." Saway niya sa akin.

Napanguso ako. "Malay ko ba. Lutang ako kanina okay." Sabi ko dito.

"Ano yun teh nakadrugs ka?" Sarkastikong sabi niya. Inirapan pa niya ako. Nakarinig din ako ng konting inis sa boses niya. Teka ano na naman ba ang ikinakainis ng baklang ito?

"Sabihin mo nalang kasi." Sabi ko sa kanya. Alam kong parang ang sweet sweet naming tignan ngayon dahil nagbubulungan kaming dalawa. Kaya nakita ko na naman ang pagkislap ng mga mata ng magulang ni Quiro.

"Yung kasal." Sabi ni Quiro.

"Anong kasal?" Takang tanong ko.

"Sabi ni mommy next week na daw ang kasal." He said cassualy na parang bombang sumabog sa pandinig ko.

"What?" Medyo napalakas na tanong ko dahil sa gulat.

"Something's wrong Jamieya Ija?" Quiro's mom ask me. Napakurap kurap ako at saka sunod sunod na umiling.

"W-wala po tita." Utal na sabi ko. Napatingin ako kay Quiro. 'Help me explain to them na walang kasal na magaganap.' I whispered to him. Kumunot na naman ang noo niya at saka sumeryoso na naman ang mukha niya.

"You answered my mom. Kaya ikaw ang bahala diyan." Sabi niya at saka siya nag iwas ng tingin.

"But-... but." Hindi ko na itinuloy dahil
mukhang sarado na ang kanyang tenga para pakinggan pa ako. Napabuntong hininga nalang ako.

"My, Dy. mauuna na kami. Pagod na daw po si Jamieya." Pagpapaalam  ni Quiro sa mga ito.
At saka niya hinarap si Nayumi na busy na sa pakikipagvideo call sa asawa nito. Telling how they miss each other already.

Seriously Nayumi?

Sigurado akong kaninang umaga lang sila huling nagkita tapos kung makaakto sila parang isang taon na ang nakakalipas.

Inggit ka lang Jamieya. Kastigo ng utak ko. Kaya lihim akong napairap. Bakit ako maiinggit!

"Yumi, room key." Simpleng sabi ni Quiro dito. Binalingan niya kami.

"Here." Ngiting ngiting sabi niya at ibinigay ang susi kay Quiro.
Naghalukipkip ako at inilahad ko din sa kanya ang palad ko.

"Where's mine?" I ask her. Kumunot naman ang noo  ni Nayumi na tila hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Inilahad ko ang kamay ko hinihintay ang susing ibibigay niya sa akin.

"Wala nang susi. Saka gurl doon ka na din sa room ni Quiro matulog. Wala namang masama diba, saka ikakasal na nga kayo eh." Sabi niya. Nagsalubong ang kilay ko at umasim ang mukha ko.

"Hindi pwede Yumi." Reklamo ko dito. Tinaasan niya ako ng kilay. I look at Quiro when he snorted like he was annoyed by something.
Inirapan niya ako.

"Ang arte mo." He said at saka na niya ako hinila.

"H-hoy!" Angal ko sa kanya.

"Gaga, kung ayaw mong mas lalong mainterogate alis na tayo dito." Sabi niya ng pabulong. Napalingon naman ako sa mga magulang niya. At napangiwi ako noong nakatingin pala sa amin ang mama niya and she was smiling widely. Bahala na nga.

Bahala na ako sa gabing ito.
Pero nagtaka ako noong tumigil kami sa tapat ng pinto nang silid kung saan nagsimula ang lahat lahat. Napalunok ako kay Quiro at sa pinto. Diba hindi pwedeng pumasok diyan? Pero bakit nandito kami ngayon sa tapat nito.

At saka handa na ba akong pumasok sa kwartong ito. Kapag nakita ko ba ulit ang loob nito maaalala ko na ang lahat lahat ng nangyari noong gabing iyon.
Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ko maiwasang kabahan.

Nahawakan ko din si Quiro. Kaya kunot noo niya akong nilingon.

"Bakit?" Punong puno ng pagtatakang tanong niya sa akin.

"Papasok na ba tayo?" Mas lalong nangunot ang noo niya.

"Oo? Bakit?" Tanong na naman niya. Umiling lang ako. Pero ramdam ko na ang pamamawis nang aking palad. Napalunok ako at saka palipat lipat lang ng tingin sa pinto at saka kay Quiro.

Bahala na talaga.

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon