CHAPTER 21

43.1K 1K 840
                                    

Third Person's POV

Nakaupo ang batang si Chuckie sa waiting shed sa labas ng paaralang pinapasukan nito. Habang umiinom ng Chuckie ang bata, panay ang tingin niya sa relong nakasuot sa kaniyang kaliwang kamay. Naiinip na ito sa paghihintay ng sundo. Mukhang katakot-takot na reklamo na naman ang maririnig ni Kenjie mamaya.

Paubos na ang iniinom niya. Nakasimangot na inihagis nito ang lalagyan ng Chuckie sa kaniyang harapan. Halos magsalubong na ang mga kilay nito dahil sa pagkayamot. Mayamaya, nakarinig ang bata ng isang tinig mula sa kaniyang likuran.

"Gusto mo?" wika ng isang lalaki sa kaniyang likuran atsaka iniabot sa kaniya ang isang malaking Chuckie at dalawang straw.

Kukunin na sana ito ni Chuckie nang magsalita ang lalaki.

"Ano nga ulit ang pangalan mo, bata?"

"Mama told me not to talk to strangers. A handsome human like me must stay away from danger. Malulungkot ang mama ko kung makukuha ako ng kidnappers," sagot ng bata atsaka ibinalik ang tingin sa mga dumadaang sasakyan sa kalsada.

"Look, we've met few weeks ago in the cemetery. Don't you remember me?" tanong ni Xavier sa bata.

"No. Are you that sikat for me to recognize you? Ah, I see. You're the one who stole my balloon that day."

"Just for clarification, kid. I'm Xavier but no, I don't stole your balloon," pagtatanggol ni Xavier sa kaniyang sarili atsaka iniabot ang kanang kamay sa batang kaharap upang makipagkamay dito.

"I'm Chance Kiefer and I don't do shakehands," pagsusungit nito kay Xavier.

"Can I sit beside you in exchange of your favorite drink," panunuksong wika ni Xavier habang inaalog-alog pa sa harap ng bata ang dalang Chuckie upang mapapayag ito.

"Whatever. Just give me that one."

Napangiti si Xavier dahil sa narinig na sagot mula sa bata. Hindi niya alam kung bakit pero magaan ang loob niya sa bata. Mukhanhg magkakasundo sila dahil sa inuming parehas nilang paborito.

Itinusok ni Xavier ang dalawang straw bago iabot sa bata ang Chuckie. Napataas naman ang kilay ng bata dahil sa ginawa niya.

"Don't look at me like that. We'll be sharing that drink," wika ni Xavier dito atsaka ibinigay ang inumin sa bata.

"Mahilig ka siguro sa dalawa. Tandaan mo kung alin dito ang straw na gagamitin mo. Magkaparehas na magkaparehas kasi. Baka malito ka."

Natigilan si Xavier dahil sa narinig. Katahimikan ang namayani sa waiting shed nang mga sandaling iyon.

Nabasag ang katahimikang bumalot sa paligid nang marinig ng dalawa ang busina ng kotseng nakahinto sa kanilang harapan. Bumukas ang bintana nito atsaka iniluwa ang imahe ni Kenjie na nagtatakang makitang magkasama ang mag-ama.

Tumayo buhat sa pagkakaupo si Chuckie atsaka humarap kay Xavier. Lumapit ito kay Xavier atsaka may ibinulong sa binata.

"Kenjie's here. Next time we'll see each other, make sure na dalawang Chuckie ang dala mo. Anlakas mo uminom," bulong ng bata kay Xavier atsaka naglakad papunta sa sasakyan.

"Aren't you going to open the car's door for me?" pagsusungit ni Chuckie kay Kenjie na ikinangiti naman ni Xavier.

~~~

Madaming nakatambak na trabaho sa opisina ni Xavier ngunit mas pinili niyang sundan ang kotseng sinasakyan ni Chuckie. Natutuwa siya sa batang iyon at nabitin siya sa ilang minutong nakasama niya ito. Gusto pa niyang makipagkulitan sa bata.

BDSM (Billionaire's Den:Stripping Maiden) | PUBLISHED UNDER PIP Where stories live. Discover now