CHAPTER 14

49.4K 1.2K 1.1K
                                    

Isabel's POV

Naririto ako sa harap ng gate ng mansyon ng nga Arseneau. Wala akong ibang dala kun'di ang puso kong dinurog ng masakit na katotohanan. Tapos na ang papel ko sa buhay ni Xavier. Ang pagbabalik ng aking kapatid ang nagsilbing tuldok na tumapos sa ugnayan naming dalawa ni Xavier.

Tapos na. Ang aking pag-alis ang magsisilbing bagong simula sa pagitan nilang dalawa habang ako, pilit na hinahanap ang dapat gawin upang makabangon sa pagkakalugmok kong ito.

Naplano ko na ang hinaharap ko kasama siya. Nakahanda na akong angkinin ang pagkatao ng iba dahil kapalit noon ang buhay na kasama siya ngunit ang buhay na panandalian kong inangkin, binawi na din sa akin ng tadhana. Ni minsan, hindi nasama sa plano ko ang sandaling ito. Ang sandaling mas pipiliin niya ang kapatid ko.

Sa huling pagkakataon, tiningnan ko ang mansyon mula sa harap ng gate na kinatatayuan ko. Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ang pagtulo ng mga luha mula sa mga ito. Nanumbalik lahat ng mga ala-ala ko sa loob no'n. Mula sa mapait na karanasan hanggang sa pagsapit ng mga buwan kung saan natutunan ko nang mahalin ang halimaw na nagmamay-ari ng impyernong iyon.

Sa pagmulat ko ng aking mga mata, nakita ko silang dalawa na nakasilip sa bintana. Seryoso at hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha ni Xavier habang ang aking kapatid, malapad ang ngiti na nakatingin sa akin at nakuha pang kumaway.

Ang mas ikinadurog ko ay ang piraso ng kulay gintong singsing na nakasuot sa kamay niya. Sa wakas, makukuha na nila ang kasiyahan sa piling ng isa't isa. Mukhang ikakasal na ang dalawa.

Sana ay maging masaya sila sa pag-alis ko. Ako na ang lalayo tulad ng hinihiling nila dahil una't higit sa lahat, isa lamang akong balakid sa pagmamahalan nila.

Nagsimula na akong humakbang papalayo sa kanila. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko ngunit kailangan ko nang lisanin ang lugar na iyon. Ikamamatay na ng puso ko kung sakaling magtagal pa ako at makita kung gaano sila kasaya habang nakatitig ako mula sa malayo.

"Maybe in a parallel universe, we're together. It's just so painful that this universe we're together in," bulong ko sa hangin bago ako tuluyang matumba sa gilid ng kalsada dulot ng labis na pagod.

Pagod na ako.

***

Nagising ako sa loob ng isang hindi pamilyar na silid. Umaasa akong magigising sa aking kwarto sa loob ng mansyon at pilit kong kinukumbinsi na panaginip lamang ang lahat. Hindi nagbalik ang aking kapatid at masaya kaming nagkukuwentuhan ni Xavier sa may bintana habang pinagmamasdan ang karagatan.

Ngunit hindi, iyon ang reyalidad at kailanman ay hinding-hindi ko mababago iyon.

"Thank God, you're awake. Akala ko nagpalit ka na naman ng pangalan. I thought you're Sleeping Beauty now. Imagine, you've been sleeping for 3 days straight after I found you on the street, unconscious," narinig ko ang isang pamilyar na tinig mula sa pinto.

"Nasaan ako?" matamlay na tanong ko kay Conrad. Hindi ko inakala na ilang araw na pala akong tulog. Marahil ay hindi na kinaya ng katawan ko ang pagod at sakit. Kung papipiliin ako, mas gusto ko na lang matulog nang panghabambuhay. Gusto ko na lang takasan ang lahat.

"Let's just say, you're still in the Philippines. Kumain ka na, kailangan mong bumawi ng lakas," masiglang wika nito sabay abot ng isang tray na naglalaman ng agahan ko.

"And don't you dare decline my offer again. Last time you did that, winasak mo ang puso ko," wika niya atsaka tila batang ngumuso habang hinahaplos ang dibdib.

Alam kong pinapagaan mo lang ang loob ko, Conrad. Salamat.

Bagamat wala akong gana, ayaw ko namang sayangin ang effort na inilaan ni Conrad para sa paghahanda ng pagkaing iyon. Kabilin-bilinan ni Itay, bawat butil ng bigas ay katumbas ng pawis at pagod ng mga magsasaka. Wala dapat tayong inaaksaya.

BDSM (Billionaire's Den:Stripping Maiden) | PUBLISHED UNDER PIP Where stories live. Discover now