CHAPTER 20

46.8K 1K 638
                                    

Isabel's POV

"So, it's him."

Nabasag ang katahimikang bumabalot sa loob ng kotse nang magsalita si Kenjie. Matapos ang tagpong iyon, nagmadali kaming umuwi. Hindi ko talaga inasahan ang muling pagsulpot ni Xavier sa buhay namin.

Bakit ngayon pa? Bakit nangyari pa iyon? Kung alam ko lamang na makikita namin siya doon, ipinagpaliban ko sana ang pagbisita sa puntod ni Conrad. Kung alam ko lang.

Nakita niya ang anak namin. Tinanong pa niya kung anak niya si Chuckie. Naniwala kaya siya sa sagot ko? Ilang malalamig na butil ng pawis ang namuo sa aking mukha. Nakabukas naman ang aircon ng sasakyan ngunit dahil sa halo-halong emosyon ay pinagpapawisan ako.

Pinagmasdan ko ang aking anak na kasalukuyang natutulog sa aking mga hita. Hinaplos ko ang kaniyang maamong mukha. Napakainosente ng anak ko. Hindi siya dapat na madawit sa gulo ng nakaraan.

Hindi ako papayag.

Patawarin mo ako, anak ko. Gagawin ko ang lahat para protektahan ka. Kahit kapalit nito ay ang pagkabaon sa limot ng katotohanan ng iyong pagkatao.

Masaya nang namumuhay ang iyong ama. Kailangan na din nating mamuhay ng masaya, malayo sa piling niya. Maiipit ka lamang sa sakit ng nakaraan at kung pagiging makasarili ang pagtago sa 'yo ng katotohanan ay patawarin nawa ako ng Diyos.

"Oo, Kenjie. Ang lalaking iyon ay si Xavier," malungkot na tugon ko atsaka muling nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga sa hindi ko na mabilang na pagkakataon.

"Anong plano mo ngayon?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kenjie habang nakatingin sa aking repleksiyon mula sa salamin ng sasakyan.

Huminga ako ng malalim bago humarap kay Kenjie atsaka sinabi ang isa sa pinakamabigat na desisyong gagawin ko sa buong buhay ko.

"Napag-isipan ko na ang sinabi mo sa akin, Kenjie. Pumapayag na ako.Bubuksan ko ang puso ko para sa iyo. Alam ko kung gaano mo ako kamahal. Ilang beses mo nang napatunayan sa akin iyan. Ngayon, bibigyan kita ng pagkakataon. Susubukan kitang mahalin. Ikaw lamang ang lalaking maaaring pagkakatiwalaan ko upang tumayong ama sa anak ko," seryosong wika ko kay Kenjie.

Marahil ay dulot ng labis na pagkagulat kung kaya't naitigil ni Kenjie ang minamanehong sasakyan. Nagulat din ako sa aking mga sinabi ngunit wala namang masama kung susubukan kong buksan ang puso ko sa iba. Mahaba na ang limang taon ng pagpapakatanga at pag-asang masusuklian ni Xavier ang pagmamahal ko sa kaniya.

Masaya na sila sa kanilang buhay at panahon na para ibigay ko sa sarili ko din sa sarili ko ang kasiyahang nararapat para sa akin.

Tataya ako kay Kenjie.

"M-maraming Salamat, Isabel. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay mo sa akin. Patutunayan ko ang sarili ko sa inyo ni Chuckie. Sisiguraduhin kong magiging isang masayang pamilya tayo," masiglang wika ni Kenjie sa akin atsaka inabot ang aking palad upang hagkan ito.

Sa labis na kagalakan ay napasigaw pa si Kenjie na siyang ikinagising ni Chuckie.

"You're too noisy. Tssk. Igalang mo naman ang natutulog," pagtataray na wika ni Chuckie sa kaniya atsaka muling bumalik sa pagkakahiga sa aking mga hita.

Napangiti na lamang kami ni Kenjie dahil sa inasta ng bata.

Xavier's POV

~~~

BDSM (Billionaire's Den:Stripping Maiden) | PUBLISHED UNDER PIP Where stories live. Discover now