CHAPTER 25

44.4K 1K 775
                                    

Third Person's POV

~~~

"I want to make sure you're okay. You need to prepare yourself. We're getting married soon."

Pagkatapos ng biglang pagkawala ni Isabel noon, pinili ni Xavier na gawin ang tama. Napangakuan niya ng kasal si Natalie at bilang isang lalaki, dapat niyang pangatawanan ang mga bagay na sinabi niya. 

Pinilit niyang ibalik ang dati, pinilit niyang mamuhay kagaya noong mga panahong silang dalawa pa lamang ni Natalie ang namumuhay nang magkasama. Mga panahong hindi pa umalis si Natalie at wala pa si Isabel sa buhay niya.

Hindi iyon naging madali. Sa harap ni Natalie, pinilit niyang magmukhang masaya para sa dalaga. Sa kagustuhan niyang makalimutan si Isabel, ibinubuhos niya ang atensyon para kay Natalie dahil alam niyang balang araw ay silang dalawa din naman ang magsasama bilang mag-asawa.

Ngunit, paano niya makakalimutan si Isabel kung sa bawat pagkakataong nakikita niya si Natalie ay si Isabel ang naalala niya? 

Pansin ni Natalie na hindi masaya ang binata. Tuwing gabi, katabi niya ito matulog. May nangyayari sa kanila ngunit kahit gaano pa niya ibigay ang lahat, magigising na lamang siya sa madaling-araw nang wala na si Xavier sa tabi niya. 

Makikita niya ang binata na nasa isang silid sa mansiyon, ang silid kung saan niya ipinalagay lahat ng gamit ng kapatid na si Isabel. Doon ay nagpapakalasing si Xavier habang kinakausap ang larawan ni Isabel, humihingi ng tawad at nakikiusap na bumalik na ito.

Maiiyak na lamang si Natalie kapag nakikita niya sa ganoong sitwasyon si Xavier. Tila isang bagong hasang patalim ang bawat pagkakataong maririnig niya itong umiiyak habang binabanggit ang pangalan ni Isabel. Para siyang sinasaksak ng paulit-ulit. 

Matapos ang gabing iyon, nakapagdesisyon si Natalie. Buo na ang pasya niya. 

Isang gabi, matapos nilang maghapunan, niyaya ni natalie si Xavier na lumabas sa mansyon at pagmasdan ang mga bituin noong gabing iyon.

Nakaupo silang dalawa habang pinagmamasdan nila ang mga bituin sa kalangitan. Nakahiga si Xavier sa kaniyang mga hita habang seryoso itong nakatingin sa mga bituin. Siya naman ay pinipigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak.

"Xavier?"

"Yes, darling?"

"The stars were beautiful aren't they?"

"Hmm."

"Kung papipiliin ka ng isang bituin diyan? Alin ang pipiliin mo?" tanong ni Natalie kay Xavier.

"That one." Itinuro ni Xavier ang isang bituin na nakalatag sa maliwanag na kalangitan noong gabing iyon.

"If I asked you the same question tomorrow, will you still point out the same star?" Basag ang tinig ni Natalie dahil sa pagkikimkim ng emosyong kanina pa niya pinipigilan.

BDSM (Billionaire's Den:Stripping Maiden) | PUBLISHED UNDER PIP Место, где живут истории. Откройте их для себя