CHAPTER 9

56.1K 1.3K 530
                                    

Isabel's POV

Sa pagmulat ko ng aking mga mata, natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa isang malaking kama. Sa itaas ay nakalagay ang malaki at nakakasilaw na chandelier. Mistula akong isang prinsesa na nakahiga sa magarbo nitong higaan. Nang igala ko ang aking paningin, napansin ko ang mga mamahaling gamit mula sa mga naglalakihang dekorasyong nakasabit doon hanggang sa kaliit-liitang detalye ng silid.

Nasaan ako?

Hinagilap ng aking pupungas-pungas na pag-iisip ang huling tagpo bago ako makatulog. Tama! Sa aking pagkakatanda, naroroon ako sa isang malaking gusali upang mag-apply ng trabaho at sa hindi inaasahang pagkakataon, nakipagtalik ako sa isang taong hindi ko kilala at nalaman kong ang taong iyon pala ay ang may-ari mismo ng gusaling iyon.

Ang sumunod na nangyari, tinabunan niya ng panyo ang aking bibig atsaka tinawag akong... Natalia? Natty? Neptalie? Natalie? Ah basta. Kahit ano man 'yon, ang problema ko ngayon ay kung nasaan ako, bakit ako nandito at paano ako makakauwi sa amin.

Wala akong inaksayang panahon, hindi na ako nag-abalang maghanap ng sapin sa paa. Bumaba ako sa kama at nang napatapat ako sa isang malaking salamin, napansin kong nagbago na ang suot ko. Hindi na isang puting dress ang suot ko kundi isang kumikinang na malaking dress at kulay ginto.

Isa lang ang nasa isip ko nang mga sandaling iyon. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito sa lalong madaling panahon. Dali-dali akong nagtungo papunta sa pintuan palabas ng silid. Dahan-dahan kong binuksan ang napakalaking pintuan nito upang hindi makalikha ng ingay at maka-agaw sa atensyon ng kung sino mang nasa labas.

Tagumpay ako sa paglabas mula sa silid na iyon ngunit hindi ko alam kung saan tutungo. Tatlong magkakaibang daan ang tumambad sa akin pagkalabas ng silid. Saan ako pupunta? Aling  direksyon ang tatahakin ko? Kaliwa? Kanan? Diretso?

Wala na akong panahon upang pansinin ang lugar. Isa lang ang masasabi ko. Kung nasaan man ako ngayon, tiyak akong isang malaking bahay ito. Mali, isa itong mansyon. Hindi basta-basta ang mga gamit sa loob nito at wala akong pakialam doon. Basta, dapat makaalis ako dito. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nanatili ako sa lugar na ito.

Habang nag-iisip kung aling direksyon ang tatahakin, narinig ko ang ilang hakbang na papalapit sa aking kinaroroonan. Papalapit nang papalapit ang mga hakbang at naririnig ko na din ang mga tinig na nagmumula sa aking harapan. Mukhang mga kasambahay ang mga ito.

Wala na akong inaksayang panahon, tinahak ko ang direksyon sa aking kanan. Hindi ko alam kung bakit ngunit tila ito ang tamang daan na tahakin. Kailangan ko munang ikubli ang aking sarili dahil kapag nakita nila ako, lalo akong mahihirapan sa pagtakas ko dito.

Nagkubli ako sa madilim na bahagi ng lugar na ito, sa likod ng malaking aparador na pinagpapatungan ng mga mahahaling mga paso. Mabilis ang tibok ng aking puso at nagsimula nang gumulong ang mga butil ng pawis sa aking pisngi.

Sinundan ng aking mga mata ang mga kasambahay na ngayon ay papasok na sa kwartong pinanggalingan ko kanina. Bitbit nila ang mga pagkain na siguro ay ipapakain sa akin sa sandaling ako'y magising.

Nang makapasok na silang lahat sa loob ng silid, nakahinga ako nang malalim. Ang hiningang pinilit kong pigilan kanina ay aking binawi ngunit hahakbang pa lamang ako palabas ng aking pinagtataguan ay may humila sa akin pabalik sa madilim na sulok na iyon.

"Where do you think you're going?" bulong nito sa aking tainga na nagdulot ng takot na dumaloy sa buong katawan ko.

Ang tinig na iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Tama nga ang aking hinala. Nasa mansyon ako ng may-ari ng isang sikat na kompanya at alam kong hinding hindi niya ako hahayaang tumakas.

BDSM (Billionaire's Den:Stripping Maiden) | PUBLISHED UNDER PIP Where stories live. Discover now