CHAPTER 17

46.6K 1.2K 608
                                    

Third Person's POV 

Maitim na ulap ang nakakalat sa kaulapan at mababanaag dito ang nagbabadyang pag-ulan. Tila ang sama ng panahon sa mga oras na iyon ay umayon sa nararamdaman ng bawat isang taong nagkatipon-tipon.

Suot ang itim na mga damit, nagluluksa ang mga nakidalo upang masaksihan ang mga huling sandali ng katawang-lupa sa sementeryong iyon. 

Hindi nila inasahan ang mga pangyayari. Hindi nila inakalang may buhay na mawawala noong gabing iyon. Kasabay ng pagdating ng mga pulis at responde ng ambulansiya sa maniyon ng mga Arseneau ay pagkalagot ng buhay ng isa sa mga taong naroon. 

"Why did you do that? Why do you have to kill yourself, Conrad?" bulong ni Xavier sa hangin habang pinagmamasdan ang katawan ng kaniyang kaibigan na kapatid pala niya sa kaniyang yumaong ama.

"You really are a jerk. You're unfair. You've deceived me. You betrayed me. But you know what's more painful? You're so selfish. You never give me the chance to be a brother to you." Umagos ang maliliit na butil ng luha sa pisngi ng binata.

Hindi na niya napigilang umiyak nang unti-unting ibinababa sa hukay ang kabaong ng kaniyang kapatid. Sa ilang dekada na namuhay siyang mag-isa, naririyan si Conrad. May hinanakit na nararamdaman sa loob ng binata, hinanakit para sa sarili niya.

Sa lahat ng pagkakataong kasama niya ito, tanging ang mga ngiti at mga makukulit nitong banat ang kaniyang nasasaksihan. Hindi niya alam na sa kabila ng mga ngiting ipinapakita nito sa lahat, nagtatago ang isang taong maagang nasaksihan ang pagkamatay ng ina sa kaniya mismong harapan. 

Paanong nakakangiti ang isang taong lugmok na sa pasakit at pagdurusa? Paanong nakakapagbitaw ng mga birong nagpapasaya sa iba ang isang tao na hindi kayang pasayahin ang sarili niya? 

Walang nakakaalam. Walang may alam kasi hindi niya gustong ipaalam. Minsan, ang mga taong may malalapad na ngiti pa ang mga taong may malking problemang dinadala.

Nasa aktong tatabunan na ng lupa ang kabaong na naglalaman ng katawan ni Conrad ng pigilan sila ni Xavier. 

"Stop. Give me a minute. I'll just give my last farewell to my bestf... brother. I'll just say goodbye  to the best brother, for the last time," umiiyak na wika ni Xavier habang kinakapa ang bulsa. 

Nang ilabas ang kaniyang kamay sa bulsa ng suot niyang pantalon, tinitigan muli ni Xavier ang isang maliit na laruan. Ang laruang iyon na naging daan sa pag-usbong ng kanilang pagkakaibigan.

~~~

Isang mainit na tanghali noon, lulan ng kanilang sasakyan ang isang batang lalaki pabalik ng kanilang mansiyon. Katatapos lamang niyang ihatid sa huling hantungan ang kaniyang mga magulang. Sa murang edad ay alam na ng batang iyon ang mga pangyayari sa paligid. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ng kaniyang Nana Ana na nasa magandang lugar na ang kaniyang mga magulang.

"Kung magandang lugar ang pinuntahan nila, bakit nila  ako iiwan?" sagot niya sa katulong

Dahil sa awa niya sa munting bata, naisipan ni Nana ana, ang pinakamatagal at pinagkakatiwalaang taga-silbi ng mga Arseneau ang nag-iisa nitong tagapagmana sa isang parke. Binilhan niya ito ng paborito nitong inumin, ang Chuckie. 

BDSM (Billionaire's Den:Stripping Maiden) | PUBLISHED UNDER PIP Where stories live. Discover now