Napakamot naman sa ulo si Hart.

"A-Ah a-ano .. si Crissa kasi baby ko."- natatawang sagot ni Hart sa kanya habang nagkakamot ng ulo

"Baby mo?"- awtoridad na tanong ni Jayvee.

Napapalunok ako.

"A-Ang ibig kong sabihin, anak-anakan ko kasi si Crissa! Kaya baby ganun, hindi ba anak? Bakit? Boyfriend ka ba ng anak-anakan ko? Ah so ibig sabihin baby na rin kita?"- pang si-segway ni Hart kay Jayvee. My god natatawa ako! Hahaha! Napasalubong ang dalawang kilay ni Jayvee. Ako naman pinipilit kong huwag literal na matawa.

"Oh siya anak, alagaan mo ang anak-anakan ko ha."- sabi pa ni Hart kay Jayvee at tinapik pa ito sa balikat sabay alis agad ni Hart at nagmadali itong mag-lakad palayo mula sa amin. Napahampas ako ng kamay sa noo ko ng pasimple habang natatawa-tawa na.

"Ama-amahan mo ba 'yon?"- tanong tuloy ni Jayvee. Hahaha! "Huy, bakit tumatawa ka dyan?"

"Eh nakakatawa eh!"

"Tss, baby pa ha?"- he said

"Hahahaha umalis kana nga."

Inirapan ako ng lolo nyo.

"Aba, durutin ko yang mata mo."

Ngumiti naman siya at lumapit sa akin sabay kiss sa noo ko.

"Sige na, susunduin kita mamaya. Love you!"

____________________________


(RAVELYNE POV)

"Thank you sa paghatid ha."- i said

"No problem little baby."

Napangiti nalang ako, maya-maya umalis na si Dexter at pumasok na ako sa loob. Napahinto naman ako sa tapat ng bulletin board, nandito ang poster para sa theater act this Saturday. Hays! Sana maging successful ang event. Thursday na ngayon so kailangan namin ng double time ni John Mark.

"Bulaga!" - paglingon ko nang magulat naman ako dahil nasa likuran ko pala si John Mark.

"John Mark!"- saway ko

"Haha sorry na, kanina pa kita hinihintay eh."

Ngumiti naman ako.

"Bakit?"

"Dahil dito."- tinaas nya yung hawak nyang donut.

"Para sa akin?"- nakangiti kong tanong

"Para sa atin, haha!"

Natawa naman ako.

"Tara, dun tayo sa rooftop."- hinila na nya ako

Pagpunta namin sa rooftop, kumain kami agad. Tinignan ko naman agad ang paligid.

"Ang sarap mag-stay dito no?"- he said

Tumango naman ako.

"Yeah, ang lakas kasi ng hangin."- i smiled

"Masarap mag-stay lalo na kapag kasama kita."

Napatingin ako sa kanya, whooaaa!

"Talaga lang ha?"

Tumingin naman siya sa akin ng malagkit.

"I miss you."

Napatigil naman ako sa sinabi nya, tumawa ako.

"Anong I miss you eh palagi naman tayong magkasama dito."

"I mean namiss ko yung ganito, yung tayong dalawa lang. Iba kasi yung pakiramdam kapag tayong dalawa lang ang magkasama, yung walang ibang tao sa paligid kundi tayong dalawa lang."

Nothing But The LoveWhere stories live. Discover now