F O R T Y F I V E

5.2K 319 111
                                    



"Simula ng dumating ka sa buhay ko, lahat ng 'Sana all' ko nahinto."

---*




"Did i heard it right?" Salubong ang kilay na ani ni Chase pagkatapos nyang magkwento dito. Nakipag-kita sya sa kaibigan ng lunch break dahil ayaw nya maglagi sa opisina dahil ang binigay na office kay Naya ay sa floor nya. At ang nakakainis nakita nya nanaman ang Nigel na yun na laging nakabuntot kay Naya na akala mo bodyguard nito.




And FYI hindi sya nagseselos.




Tumango sya sa kaibigan at sumubo ng pagkain nya."Paano nagawa ni Tito yun sayo?Yeah, I get it na si Naya ang tumulong sa company nyo dati pero diba pwedeng bayaran yun ng pera?"




"Ask my Dad about it." Nayayamot na sagot nya at dinampot ang cellphone sa mesa dahil nakita nyang nagtext ang secretary nya. Kailangan na sya sa office dahil pinapatawag sya ng chairman na ikinapagtataka nya. Nung wala pa si Naya ay hindi naman ito nagpupunta sa opisina. Mga once a month lang at meeting pa.





''Alis na ko.'' paalam nya kay Chase na nagulat at napatingin sa wristwatch nito,''Wala pa tayong one hour dito saka boss ka bakit nagmamadali ka?''






"Di tayo magkatulad ng attitude sa workplace, De Marco." Palibhasa ay dadating ito sa office nito kung kelan oras nito gusto at papasok kung kelan nito maisipan. Palabas na sya sa glass door ng sumunod si Chase sa kanya palabas. Iniwan nya na ito dahil ang sarap pa ng kain nito.





"Bakit?" Tanong nya sa kaibigan habang naglalakad na sila papuntang parking,"Dadalaw muna ko sa inyo bago ako bumalik sa office ko."






"Hindi kita maaasikaso, pinapatawag ako ni Daddy sa opisina nya."





"Okay lang Lestat."





Minabuti nyang wag nang tumutol dahil di rin naman ito ang unang pagkakataon na sasama sa kanya ang kaibigan nya. Panay ang daldal nito mula sa pagbaba nila sa kanya-kanya nilang sasakyan hanggang sa pagpasok nila sa building.




"Si Nigel saka si Naya.." kalabit sa kanya ni Chase habang nakatayo sila sa harap ng elevator, sinulyapan nya ang kaibigan na nakatingin sa ibang direksyon kaya sinundan nya ng tingin ang tinitignan nito. Halos tumaas ang kilay nya nang makita ang dalawa na papunta sa kanila.Mukhang sa labas din nag-lunch ang dalawa.




"Buti dika nagseselos?" Bulong ni Chase sa kanya.




"At bakit ako magseselos?Wala na sakin si Nayumi." Napaismid sya, pati sa loob nang company laging nakabuntot yung Nigel na yan tapos hindi naman employee ng kompanya. Hindi nya alam sa tatay nya kung bakit pumapayag ito sa set-up ni Nayumi, alam nyang malaki ang utang na loob nila dito pero para sa kanya hindi tama na pinaghahalo ang personal relationship sa trabaho.




"Kung naging lalaki ka Les, mas gwapo ka dun." Bulong pa ni Chase sa kanya."Alam ko.." sagot nya agad na kinatawa ni Chase na agad sumeryoso ng bumukas ang elevator kaya agad silang pumasok kasunod sila Naya at Nigel na pumusweto sa likod ni Naya habang si Chase ay nasa likod nya kaya dalawa sila ni Naya na nasa harap at ng may humabol pang dalawang employees ay umusog silang dalawa paatras.




Napalunok sya ng ilang ulit nang malanghap ang pabango ni Naya. Kung hindi sya nagkakamali ito pa rin ang pabango na gamit nito nang college pa sila sa St.Sebastian. Yung amoy nito nang aksidente nya itong mayakap nang unang apak nya sa dorm nila.




Bakit nya ba naalala yung mga ganung kasimpleng bagay? Na dapat matagal nya nang kinalimutan?




"Hi Naya."




St.Sebastian Series: Nayumi FortalejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon