F I F T E E N

5.8K 257 40
                                    


Guys gawa tayo gc libangin nyo ako :D

Keep safe everyone 💕


---*



"It must be important, dika basta nagtetext ng Code A sa amin." Si Amber na kadarating lang kasama si Aleya, halatang bagong ligo pa ang dalawa dahil basa pa ang mga buhok na mukhang di pa nakakapagsuklay.

Di kumibo si Naya na nakatingin sa papalapit na si Paige na halata sa mukha ang pag-aalala.

Alam nyang magtatanong din ito kaya aantayin nya na lang na makalapit ito bago nya sabihin ang sagot nya para isang usapan na lang.

"Anong meron?" Humahangos na tanong agad nito ng makalapit sa kanila, pawisan pa ito halatang nagmadali talaga ito.Nasa parking lot sila sa tapat ng kotse ni Naya.

"Samahan nyo ko sa market, i'll buy something for dinner." walang emosyon na ani nya at napanganga yung tatlo sa sinabi nya.

"What?" si Amber na di makapaniwala sa narinig mula sa kanya.

"Di ako sumama sa group study namin dahil akala ko sobrang importante dahil ngayon ka lang ulit nagtext samin ng Code A." Si Paige na namewang sa harap nya.

Napakamot sya sa kilay.Bakit hindi na lang sya samahan ng mga ito?Ang dami pang sinasabi.She hates explaining.

"Unbelievable." Si Aleya na natatawa."At himala magluluto ka ata?" Dagdag pa nito.Nagkibit sya ng balikat.

"For a change?" Alibi nya.

"For a change? Ngayon mo pa naisip yan kung kailan gagraduate na tayo next year?" Sarcastic na ani ni Paige na nanunuri ang mga tingin na binibigay sa kanya na para bang tinitignan sya kung sya ba talaga ang kasama ng mga ito.

"Syempre ngayon lang nya nakilala si Special Someone nya.." Natatawang komento ni Aleya kaya inirapan nya ito.Nag-uumpisa nanaman itong mang-alaska.Ewan nya ba kung bakit lumakas ang loob nito.

Napakaingay..

"S-Seryoso may nagugustuhan kana?" Si Paige.Sinamaan nya ng tingin si Aleya na natatawa habang nakasandal sa pinto ng kotse nya.Si Amber naman ay napapaisip base sa itsura nito.

"Wag nga kayong nakikinig kay Aleya." Inis na ani nya na pilit nilalabanan ang pamumula ng mukha dahil nararamdaman nyang nag-iinit sya dahil sa kahihiyan.

Sinulyapan ni Paige si Aleya na siyang-siya sa nangyayari saka sya binalingan."Ano bang lulutuin mo?" curious na tanong nito.

"Adobo." simpleng sagot nya para makaalis na sila.Laking gulat nya ng si Paige naman ang tumawa ng pagkalakas-lakas.Naguguluhan na tinignan nya ito pati si Amber ay nakatingin na sa kanya na naamuse.

May nasabi ba syang mali?

"O to the M to the G..Favorite ni Lestat yun ah?!" Si Paige na ang laki ng ngiti.Agad nyang sinamaan ng tingin si Aleya na napaupo na sa kakatawa.

Sinet-up sya ng Zobel na ito! Ang sabi nito sa kanya walang nakakaalam na paborito ni Lestat ang adobo.

Dahil di nya kaya ang pamumula ng mukha ay akmang magwawalk-out sya ng pigilan sya ng tatlo sa braso nya habang mga tawa pa din ng tawa.

"Mga bwisit kayo!" Sigaw nya at pumiglas.Madami na ding napapatingin sa kanila dahil walang humpay sa pagtawa yung tatlo.

"Kasi naman ikaw eh hahaha!" Si Paige na hinila sya paharap.Binitawan sya ng tatlo kaya humalukipkip sya.Ngayon lang sya pinagtawanan ng mga ito sa tagal na nilang magkakasama.

"Subukan nyo lang magsalita tungkol sa nalaman nyo lagot kayo sakin." Banta nya pero di pinansin ng tatlo ang sinabi nya.Instead ay hinila na sya papunta sa kotse nya.

"Libre mo kami ice cream dika namin ibubuking." Nang-aasar na ani ni Aleya na nakipaghigh five kay Amber.

"Love is in the air." Kantyaw pa ni Paige bago  pumasok sa kabilang pinto.

"Whatever."

                                           ___*___


                                        Aleya's


Pagdating nila sa Room nila Naya ay nandoon na si Miracle at Summer na kanina pa sila inaantay.Naitext kasi ito ni Paige na sama-sama na silang magdinner.


"Hi bes." Bati ni Paige sa bestfriend na nagnod lang at nanuod na ulit ng TV. Si Naya ay dumiretso na sa kusina.Kanya-kanyang upo sila sa sala.


"Anong meron at nag-aya kayo ng dinner?" Si Summer na nakatingin sa kanilang tatlo nila Paige at Amber.


"Magluluto si Naya ng dinner." Tipid nyang sagot sa mahinang boses, mahirap na at baka marinig pa ni Naya.


"Oh?" namilog ang medyo singkit na mata nito, pati ito ay di makapaniwala.Dumukwang si Miracle sa kanila."Napapadalas ah."


"May problema tayo."


Sabay-sabay silang napatingin kay Amber na nakatutok sa hawak nitong cellphone saka inabot sa kanila yun at isa-isa nilang tinignan ang sinasabi nitong problema.


"Sino itong Michelle Dela Costa?" Tanong ni Paige, dahil yun ang nagpost ng picture sa IG na may caption na Dinner with Crush ❤️


"Player yan ng Tennis na kasama ni Lestat." Sagot naman ni Amber.Kumunot ang noo nya ng may maalala, Ito ata ang babae na sinasabi sa kanila ni Gemini nung nakaraan.


Hindi naman nakatag si Lestat so it means wala itong kaalam-alam sa ginawa ng kateam nito.Para-paraan lang yung girl, knowing Lestat wala itong alam na may gusto dito yung babae dahil masyado itong faithful kay Naya kahit na wala pa silang relasyon.


Yung date nga nito kay Hail ay sapilitan pa, kung hindi lang mapapahiya yung babae ay di ito pupunta, ganun ito kabait sa mga nakapaligid dito.


"May hindi ba kami alam?" Clueless na singit ni Summer sa usapan nilang tatlo. Ngumiti sya at umiling.


Sakto namang kapapasok lang ni Chase sa pinto at binati sila nito saka naupo sa tabi ni Amber.


"Anong meron?" Tanong nito at ang katabi na nito ang nagsalita "I already texted you the reason, Dinner."


"Aleya pakitignan yung niluluto kong adobo, malapit na yun wag mo patutuyuin ha.Maliligo muna ko."


Sulpot ni Naya na ikinagulat nila, agad na itinago ni Amber ang cellphone nito na ikinanuot ng noo nung isa kaya di nya maiwasang kabahan.Ano kaya magiging reaksyon nito kapag nalaman nito na nakapagdinner na yung pinag-effortan nitong lutuan na kasama pa ang taong may gusto dito.


"Sige ako bahala, Don't worry." Assure nya dito at nakahinga sya ng maluwag ng pumasok na ito ng kwarto nito.


"Parang alam ko na ang nangyayari dito." Naiiling na ani ni Miracle at ngumiti sa kanila.Ops! Nakalimutan nilang may kasama silang psychology student sa sala.


"Ammm guys?" tawag ni Chase sa pansin nilang lahat kaya nagtatakang tinignan nila ito.


"Papauwiin ko na ba si Lestat?"


Isa pa to.


                                           ___*___

St.Sebastian Series: Nayumi FortalejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon