T W E N T Y S I X

6.5K 267 53
                                    





Hahaha sorry na-doble. Mali ako ng chapter sorry na baka magkaroon ako bigla ng bashers :D

---*


"One hundred thousand para sa inuman session na pakana ni Nayumi Fortalejo." Inilapag ni Einar Sanford ang credit card nya sa table saka ngumiti ng nakakaloko bago tumabi sa kanya.Kinuha nya iyon at nilagay sa shoulder bag nya.

Well inarkila nya ang resto-bar ni Gemini bago ito umalis kaninang umaga.One hundred thousand para sa kalahating araw lang, wala daw libre pagdating sa kanya tapos yung maiinum nila bahala na kung ilan ang maubos nila.

As if naman na makakarami silang tatlo.

"Diba dapat sinundan mo sya sa Australia instead na nag-iinum ka dito?" komento ni Aleya na katabi nya.Ipinilig nya ang ulo at nanatiling tahimik.

Kahit gusto nya ay pinili nyang hindi..Gusto nya munang magpahinga ito dahil sinabi ni Chase sa kanya na sobra nya daw nasasaktan si Lestat, nung una nagtaka sya dahil wala syang matandaan na may sinabing ikasasakit ng kalooban nito dahil hindi nga nya ito kinausap simula ng sabihin nito na maghahanap ng iba after ng bunjee jumping na yun.

Nabadtrip kaya sya..

Hanggang sa sagutin ni Chase ang tanong sa isip nya na nakita sya ni Irisian na magkayakap sila ni Einar, dun nya din nalaman na pinaghihinalaan pala sila nito na may something sa kanila ni Einar.

Nung nakita nito na magkayakap sila yun yung nagsusumbong sya kay Einar na maghahanap ito ng iba.

Minsan talaga engot din ang babaeng yun.If ever na may something sa kanila ni Einar hindi sya magpapakita ng motibo dito, anu sya two timer at magpinsan pa ang tutuhugin nya?

Sumasakit ang ulo nya sa taong gusto nya.

Dinampot nya ang baso ng alak na nasa harap at tinungga iyon.Shit! Ang sakit sa lalamunan.Si Einar at Aleya lang ang inaya nya dahil hindi pwede si Miracle.

First time nya ding mag-iinum, brokenhearted sya dahil sa bwisit na first love ng Lestat na yun, nagkaroon lang sila ng misunderstanding sumingit na agad.Kung hindi lang ito kaibigan ni Einar sisiguraduhin nya na may paglalagyan ito.

"May girlfriend na si Irisian."

Gulat na napatingin sa kanya ang dalawang katabi na para bang nakakagulat ang sinabi nya.Well nakakagulat naman talaga, nung sinabi nga sa kanya ng mang-aagaw na yun na girlfriend na nito si Lestat ay wala syang masabi.

"We?" Si Aleya.

"Wala ka ng pag-asa kung ganun." si Einar na nakatitig sa kanya, sinamaan nya ito ng tingin.Bwisit talaga ang magpinsan na Sanford sa buhay nya.

"Ou nga." Sang-ayon naman ng isa kaya napainom ulit sya ng alak, hindi sya papayag.

"May sariling oath ang pinsan ko na first girlfriend last ex." kwento nito, nasabi na sa kanya yun ni Paige dati kaya nga galit na galit sya nung isang gabi.Muntik na nga nya ipa-assasinate yung Ramirez na yun kung hindi lang sya nakapag-isip ng maayos.

"I don't care, ako mismo ang magbebreak ng oath nyang yan!" Inis na bulalas nya at uminum ulit saka tinignan ang dalawa.

"Paano mo naman gagawin?Nung nasa sayo kasi ang atensyon hindi mo tinali sayo." si Aleya na napailing saka tumungga ng alak sa baso nito.

Napasmirk sya."Kaya nga inaya ko kayong dalawa dahil tutulungan nyo ko."

"Ano bang gagawin?" Si Einar na sumeryoso.

"Simple lang." Sumandal sya sa sandalan ng upuan at pinagmasdan ang bote ng alak na nasa lamesa.

"Aagawin ko sya..at kayong dalawa ang kasabwat ko." Aniya saka napangiti.Natawa si Einar pati si Aleya sa sinabi nya.

"Cheers." Ani ng binata na tinaas ang baso nito.Kaya ganun din ang ginawa nila ni Aleya.



___*___



"Dika sasabay sakin?"

Umiling sya sa tanong na yun ng kasamang naglalakad palabas ng Airport habang hila nila ang tag-isang maleta nila.

"May susundo sayo?" Tanong ulit sa kanya ni Gemini.

"Yup." Luminga sya at wala syang makita kahit na anino ni Jade.Sabi nito ito ang susundo sa kanya dahil nakapag-usap pa sila sa skype kagabi bago sya umalis.

"Sino?"

"Si Jade."

Ngumiti ito."I doubt that." bulong nito na ikinamaang nya."Pardon?" ngumiti ito saka umiling sa kanya.

May lalaking sumalubong kay Gemini na hinuha nya ay driver nito, agad nitong inabot sa lalaki ang maleta nito.

"Where's my bike?"

Hindi ito tumitingin sa katabi nya at nakayuko lang at parang wala lang yun kay Gemini.

Sanay na marahil.

"Outside Miss." Magalang na sagot nito.Ang iniexpect nyang susundo ay ang girlfriend nito pero mukhang hindi.Nang tuluyan silang makalabas ay walang Jade na nagpakita sa kanya.Gusto nya sana itong tawagan kaso lowbatt na ang cellphone nya.

No choice kundi mag-taxi.Pagkaalis ni Gemini ay nakasunod lang dito yung kotse ng kumuha ng gamit nito.Talagang nagmotorbike lang ito pauwi ng St.Sebastian.

Bakit hindi na lang ito sumakay sa kotse?Makakapagpahinga pa ito dahil may driver naman itong kasama.

Gusto nya pa man din na humiga na dahil sa pagod at sakit ng ulo, pambihirang Ramirez yan paasa na din katulad ni --- don't think about her Lestat!

Mariin syang napapikit, pinilit nyang wag itong isipin dahil ayaw nya mawala sa focus dahil nasa importanteng laro sya, na napagtagumpayan naman ng team nila kaya may inuwi silang karangalan sa school.Pero kapag nasa higaan na sya tahimik na lang syang umiiyak dahil naiisip nya ito pati yung mga masasayang sandali na kasama ito.

Magiging okay din sya, papara na sana sya ng taxi ng may humintong kotse sa harap nya at bumaba doon si Aleya.

"What are you doing here?" manghang tanong nya na salubong ang kilay, si Jade at ang kasama nyang si Gemini lang ang nakaalam ng oras ng flight nya pabalik at kung anong oras sya makakauwi.Pati nga pala ang mga teammates nya.

"Fetching you duh?" Playful sagot nito na sinenyasan na syang sumakay na bago ito sumakay ulit.Nang mailagay ang gamit sa backseat at naupo sa passenger side ay hinarap nya ito habang nag-umpisa na itong magmaneho.

"Seriously Aleya bakit ikaw ang sumundo sakin?Where's Jade?" Sunod-sunod nyang tanong na ikinatawa nito na sinulyapan sya.

"I don't know Jade's whereabouts because we are not close and Einar just texted me this afternoon to fetch you in the airport, So i did." Aleya explained.

Napatango na lang sya, baka may ginawang importante si Ramirez kaya si Einar na lang ang sinabihan nito.Hindi nya naman alam kung nagtext ito dahil lowbatt na sya.

Binalingan sya nito."Sleep ka muna gisingin na lang kita kapag nasa St.Sebastian na tayo." Ani ni Aleya na nagfocus na ulit sa pagmamaneho.Ini-adjust nya ang upuan nya para bumaba at ng makahiga sya ng maayos.

"Thanks for fetching me, don't worry may pasalubong ako sa inyo." natatawang ani nya na ginawang kumot ang jacket nya, nilalamig kasi sya.

"Wow thanks, anyway sleepwell Sanford." Matamis itong ngumiti sa kanya na ikinapagtaka nya pero hindi na kumibo.

Ngayon nya ramdam ang sobrang antok kaya ipinikit nya na lang ang mga mata hanggang sa makatulog sya.



___*___

St.Sebastian Series: Nayumi FortalejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon