T W E N T Y F I V E

5.8K 153 10
                                    

Everyone deserves a love that stays.

---*

"Ang lakas mo mag-inum." reklamo ni Jade nang maihiga sya sa kama.Sumunod sa kanila si Miracle na dala ang gamit nya na nilagay nito sa study table nya.

Pagkatapos nito hubarin ang sapatos nya ay binalingan nito si Miracle na nasa tabi."Miracle right?" Ani ni Jade dito, tumango naman yung isa na worried syang tinignan.Ngumiti sya dito na parang sinasabi na okay lang sya.

"Ako nang bahala kay Lestat. I'm sleeping here." imporma ni Jade sa dalaga, paglabas ni Miracle ay umupo ang kaibigan sa tabi nya.

"Ano bang meron sa babae na yun at nagkakaganyan ka sa kanya?She doesn't deserve you."Sinimulan nitong tanggalin ang butones ng polo nya, may panloob naman syang sando kaya hindi sya naaalarma sa panghuhubad nito.

Pumikit sya dahil hilong-hilo na sya."H-Hindi ko din alam.." Nabibikig na ani nya.Bumangon sya ng konti ng tanggalin ng tuluyan ng kasama ang polo nya at muli syang humiga pagkatapos.

"Simula pa lang alam kong alam mo na masasaktan ka lang sa kanya pero tinuloy mo pa din.."  napapailing na ani ni Jade.

Tinignan nya ito saka ngumiti."Alam ko pero nagbakasali pa din ako.." Naramdaman nya nanaman ang mga luha na kumawala sa mata nya.Nakagat ni Jade ang pang-ibabang labi nang makitang umiiyak nanaman sya.

"Mahal na mahal ko sya Jade pero ang sakit na.." Dagdag nya at tuluyang napahagulgol ng iyak.Niyakap sya nito at hinagod ang balikat nya.

"Yan ang mahirap, once na sabihin mong mahal mo o gusto mo ang isang tao..you are giving them the rights to hurt you." Lalo syang napaiyak sa sinabi ni Jade.

"Stop crying please baka masugod ko si Einar at Nayumi for hurting you like this." malungkot na dagdag nito.Yumakap lang sya dito ng mahigpit hanggang sa napagod sya at nakatulog.

                                          ___*___

Bago lumabas ay sinulyapan nya muna si Jade na mahimbing na natutulog sa kama nya.Ni hindi na sila nakapagpalit ng damit kagabi.

Buti na lang hindi sya nito pinabayaan.

Agad syang pumunta sa kusina, si Miracle pa lang ang naabutan nyang nandun at nagluluto.Kumuha sya ng tubig sa ref dahil masakit ang ulo nya dahil sa hang-over.

"May gamot dyan sa ibabaw ng ref." ani ni Miracle na nilingon sya, kinuha nya ang sinasabi nitong gamot at ininum yun.Pagkatapos ay umupo sya sa upuan at pinanuod ito sa ginagawang pagluluto.

"Hinanap ka kagabi ni Naya.." out of the blue na ani ni Miracle na hindi tumitingin sa kanya.Bumilis agad ang tibok ng puso nya sa narinig pero pinigilan nya ang sarili na magsalita.

"Sabi namin ni Paige nasa kwarto kana at natutulog, pipigilan sana namin kaso pumasok pa din sya." Patuloy na kwento nito.

Tulog na siguro sya nun kaya hindi nya alam.
Narinig nya ang pagpatay ng dalaga sa kalan bago naghain sa mesa.

"Galit na galit si Naya na lumabas ng kwarto mo..Yun ang unang pagkakataon na nakita ko syang ganun Lestat." Nahimigan nya ang pag-aalala sa boses nito.

Kumuha sya ng plato at kubyertos nilang dalawa.Di nya man aminin ay nacucurious sya kung bakit and at the same time ay nag-aalala sa babaeng mahal nya.Pero nasaktan din sya gusto nya munang magpahinga.

"Totoo bang kayo na ni Jade?"

Gulat na napatingin sya kay Miracle.Kailan pa naging sila at hindi ata sya nainform?

                                            ___*___

"Hug mo ko."

Lambing nya kay Miracle pagdating nya sa dorm nila after ng maghapong practice nila dahil bukas ay babyahe na ang team nila papuntang Australia kaya excuse sila sa mga klase nila hanggang friday.

"Andyan Girlfriend mo." natatawang ani nito na sumenyas sa kusina, kunot ang noo na lumanding ang mata nya sa tinuro nito at nakita nya nya si Jade na nginisihan sya habang naghihiwa ng kung ano.

Mang-aasar nanaman ito panigurado, kaninang umaga ay naging disaster ang breakfast nila dahil sa parinigan nito at ni Naya na hindi nya akalain na patola pala.Buti na nga lang at may tumawag kay Jade kaya napilitan itong umalis kanina.

Akala nya tapos na yun pala hindi pa, pinagbantaan din sya nito na wag makikielam sa mga sinasabi at ginagawa nito.

Pumunta sya ng kusina at nilapitan ito."Napadpad ka?Hindi kaba busy?" tanong nya at tinignan ang niluto nito.Menudo yun at amoy pa lang mukhang masarap na.

"Hindi pa naman..Dito lang ako magdidinner  then aalis din ako para magreview..Alam mo naman ang med kailangan palabasa ka." paliwanag nito at nagsandok ng sabaw at tinapat sa bibig nya ang kutsara.

"Tikman mo." Utos nito kaya nakairap na sinunod nya ito, minsan talaga ang bossy nito yung tipong kapag sinabi nito bawal tumanggi.Parehas pa silang nagulat ng may lumagabog.Nung lumingon sila ay si Naya pala na kumuha ng tubig sa ref at pumasok ulit sa kwarto nito.

Nagkatinginan sila ni Jade na natatawa pa.Napailing sya at muling bumalik sa sala para kunin ang bag saka dumiretso sa kwarto para maligo.

                                           ___*___

Nang makarating sila sa tapat ng entrance ng dorm ng mga med students ay agad na bumaba si Jade, pagbaba nya ay umikot ito sa side nya.

"What time flight mo tommorow?" tanong nito na nakapamewang.

"8:30 am why?"

"ihahatid kita at ako din magsusundo sayo." Hindi pakiusap yun kundi utos.Sumandal sya sa pinto ng kotse nya."Kailangan ba talaga yun?"

Tinaasan sya nito ng kilay at dinuro-duro sya sa balikat."Hoy Lestat magpakipot ka naman kaya ka nya tinatake for granted kasi masyado mong pinapakita na mahal mo sya.Hayaan mo syang masaktan kung nagseselos nga sya sating dalawa." Bunganga nito sa kanya buti na lang at gabi na kaya walang makakarinig sa ingay nito.

"Ou na." Suko nya dito at itinaas ang dalawang kamay sa ere.Umayos ito ng tayo saka sumeryoso."Hayaan mong sya naman ang maghabol sayo kung talagang mahal ka nga nya."

Napatitig sya dito."Paano kung hindi nya gawin?" di nya maiwasang matakot.

Huminga ito ng malalim saka bumuntong-hininga."May lubid kami sa bahay." Napasimangot sya at natawa naman ito ng malakas.

"I'm kidding okay?" ani nito na natatawa pa din.Lumapit ito at niyakap sya ng mahigpit."Trust me aagawin ka nya sakin."

Napangiti sya sa sinabi nito saka kumalas sa yakap nito."Siguradong-sigurado ka ha?"nagkibit lang ito ng balikat saka nakakalokong ngumiti.

"Pag nangyari yun sagot mo ang catering at yung lugar ng reception sa magiging wedding ko?" hamon nito.

Wow..nakakapulubi ang pustahan nila pero mukhang matagal pa naman bago ito magpakasal dahil masyado itong choosy."Okay, pag hindi reregaluhan mo ko ng house and lot sa 23rd birthday ko?" lubus-lubusin na mapera naman ang mga Ramirez, real state ang mga negosyo ng mga ito.

"Samahan mo pa ng kotse." Mayabang na ani nito sa kanya, napailing sya sa pagiging confident nito.Inilahad nito ang palad sa kanya at tinanggap nya yun.

"Deal." Sabay pa nilang sabi sa isat-isa.

                                           ___*___

St.Sebastian Series: Nayumi FortalejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon