T W E N T Y O N E

6.2K 276 14
                                    



Pagod syang naupo sa damuhan pagkatapos ng laro nila ni Gemini, sila kasi ang pinagpapartner ng coach nila pagdating sa double.

Kinuha nya ang towel at tubig na inabot ng kateam nya na si Michelle.Ang bait nga nito pansin nya lang dahil kapag sa practice ay ito na agad ang mag-aabot ng towel at tubig nya.

"Salamat ha nag-abala kapa."

Ngumiti ito."Wala yun maliit na bagay." Uupo sana ito sa tabi nya ng lumapit sa kanila si Gemini."Tawag ka ni Lyca."sabi nito kay Michelle na napipilitang tumango at umalis na.

Pagkatapos ay ito ang umupo sa tabi nya.Tinignan sya nito na ikinapagtaka nya."Bakit Cap?" curious na tanong nya.Cap ang tawag nya dito kapag nasa game o practice silang dalawa.

"Manhid kaba o wala ka lang talagang pakielam?"

"Ha??Inano kita??" di nya maiwasang hindi mawindang sa sinabi nito dahil seryoso ang nukha nito.Wala naman syang matandaan na ginawa kay Gemini.

Napailing ito saka sumulyap kay Michelle na syang naglalaro ngayon kalaban nito si Lyca na kaklase naman nito.Tapos binalingan sya ulit ng katabi.

"Friend mo ba si Michelle sa IG mo?"

Umiling sya, hindi nya kasi ugaling mang-add o magfollow sa mga accounts nya.Sya naman kasi ina-add o pinafollow at inaaccept nya lang kung kakilala nya.

Bigla nya tuloy naalala yung post ni Amber sa IG nito about sa dinner nila.Nagtrending ba naman sa school dahil may appearance ang baby nya at syempre yung ginamit na hashtag.The good thing is Naya doesn't have any accounts in social medias.

Ang naging palaisipan sa mga students ay sino sa kanilang walo na magkakasama ang #NangDahilsaAdobomayForever?

"Kaya pala wala kang ideya na may gusto si Michelle sayo.." Naiiling na komento ni Gemini na ikinapanlaki ng mata nya.Did she heard it right?

"W-what did you say?"

Bored sya nitong tinignan."You heard me don't make me repeat myself." tumayo ito at ang buong akala nya ay aalis na ito pero hindi pa pala.Sya naman ay nagtatakang nakatingin dito.

"What?" She asked.Sa itsura nito ay may gusto itong sabihin pero nagpipigil ito.Umiling lang ito at umalis na papunta sa bench kung nasaan ang bag nito.

Anong nangyari dun?



                                           ___*___




Nanlalatang sumandal sya kay Paige na tinulak sya palayo saka luminga sa paligid.Napasimangot sya."Pasandal lang." pagod na ani nya at isinandal ang likod sa sandalan ng sopa.

Kahit papano ay guminhawa ang pakiramdam nya.

Ang sakit ng mga binti at likod nya dahil puspusan na sila sa practice dahil next week pupunta na silang Australia, buti na nga lang at tapos na ang exam nila.

Pinanlakihan sya nito ng mata."Mahal ko pa buhay ko Sanford." ani nito at lumipat sa pang-isahang sopa.Kumunot ang noo nya sa sinabi nito, pinagsasabi ng isang ito?

Lumabas si Miracle sa kwarto nito na bagong paligo.Ngumuso sya dito at nagpuppy eyes na ikinatawa nito ng mahina."Problema mo kiddo?" masuyong tanong nito habang nakatayo sa harap nya.

"I'm tired hug mo ko." Pacute na ani nya pero umiling ito, hindi umubra pero dati naman niyayakap sya nito kapag nagsusumbong syang napapagod sa practice nila.

"Gusto ko pang maging doctor.Thank you."

Dumiretso ito sa kusina dahil magluluto na ito.Wala kasi itong pasok sa part time nito kapag friday at weekend.

"Bakit ayaw nyo kong dikitan?" reklamo nya sa dalawa na hindi sya pinansin.Si Paige ay busy sa pinapanuod nito at si Miracle naman abala sa kusina.Inis na nagpapadyak sya sa sahig pero parang walang narinig yung dalawa.

Ano bang problema ng dalawa kanya.Ngayon na nga lang sya ulit naglambing sa mga ito tapos dededmahin lang sya.

"Maligo kana."

Napatingin sya sa pinto ng kwarto ni Naya na kalalabas lang at lumapit sa pwesto nya."I'm tired baby." tinaasan sya nito ng kilay at parang bata syang niyakap patayo.

Nagulat sya sa ginawa nito, kinapa nito ang likod nya saka sya nito tinignan."Balak mo bang magpatuyo ng pawis Irisian?!" Kunot-noong tanong nito sa kanya.Napalunok sya at umiling, ang lapit ng mukha nito sa mukha nya.

Nakarinig sya ng pagtikhim pero wala na syang pakielam dahil ang buong pansin nya ay sa babaeng nakayakap sa kanya ngayon.Nagwawala na din ang mga butterflies at daga sa sikmura nya.

Aware ba ito na sobra na syang kinikilig sa kasweetan nito ngayon?Pupusta sya na pulang-pula sya.Pinakawalan sya nito at hinila papasok sa kwarto nya.

"Punasan mo pawis mo at maligo kana.Ako na maghahanda ng damit mo." tinulak sya nito papasok sa banyo.May pagkabrutal talaga ang babylove nya hindi man lang sya pinagsalita.

"Faster Irisian!" Rinig nyang sigaw nito kaya natatawa na lang na binuksan nya ang shower.




                                          ___*___




"Tawag mo daw ako?"

Bungad nya kay Naya na nag-angat ng paningin mula sa binabasa nitong libro, nakasandal ito sa headboard ng kama nito.Tinuro nito ang bakante sa tabi nito kaya sinara na nya ang pinto ng kwarto at nagmamadaling sumampa sa kama.

Nilapag nito ang libro sa side table nito pati na ang suot nitong reading glasses na bumagay dito at hinarap sya."Pagod ka daw sabi ni Miracle?" tanong nito, tumango sya sa dalaga na napalabi at tila may malalim na iniisip.

Ano kayang iniisip nito?Minsan gusto nya itong tanungin kung ano ba ang mga tumatakbo sa isip nito, kung bakit bigla itong naging sweet at anung kahulugan ng mga ginagawa nito lately pero natatakot sya.

Natatakot sya na kapag nagtanong sya dito ay bigla na lang din nito marealize na bakit nga ba at bumalik na lang sila dati.Ngayon lang sya nakaramdam ng matinding takot.

"Dapa ka." Out of the blue na ani nito, namilog ang mata nya."W-Why?"

"Imamassage kita." Balewalang ani nito na bumangon at may kinuha sa drawer nito, nang mapansin na hindi pa din sya gumagalaw ay sinamaan sya nito ng tingin kaya agad syang dumapa.

"Hubarin mo ang pang-itaas mo."

"H-Ha??"

"Stop stuttering will you?Nakita ko naman ang mga undergarments mo dahil ako naman ang kumuha nyan sa closet mo."

Yun na nga eh, hiyang-hiya na nga sya tapos paghuhubarin pa sya nito ng pang-itaas, pakiramdam nya tuloy ay wala na syang maitatago dito.

Illeia naman hiyang-hiya na ko.nakangiwing bulong nya sa sarili habang nakatingin dito.

Namewang ito habang nakatayo sa gilid ng kama nito."Wag kang mag-alala hindi ako gagawa ng bagay na hindi mo magugustuhan." Dagdag nito na ngumisi sa kanya.Napalunok sya ng ilang beses.

Napakahot nya po..




                                           ___*___

St.Sebastian Series: Nayumi FortalejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon