S I X

5.4K 226 11
                                    


Happy new year :)  Alam kong natuwa kayo :D 2020

- First Step: Update

---*

Napatigil sya sa pagkakasubsob sa screen ng laptop nya nang makitang lumabas si Naya sa kwarto nito.Tinignan nya angw wallclock nila.

Past 10 na pero ngayon pa lang ito magdidinner.Ngayon nya lang naabutan na ganung oras ito kumain dahil usually pagsapit ng 8 to 9 pm ay kumakain na ito kahit na parang hangin lang sya sa paningin nito.

Pero dahil gusto nya itong makita kahit na nagkikita sila sa klase ay inantay nya pa din ito.Gusto nya lang makasigurado na kumakain talaga ito. Di mo kasi masasabing sexy ang dalaga dahil payat ito sa paningin nya.

Gabi-gabi din sya na nag-aantay kapag nalalate ito ng uwi, saka lang sya papasok kapag nakauwi at nakakaen na ito.

Sinundan nya ito sa kusina at saktong iniinit nito ang ulam sa microwave na itinabi ni Miracle para dito, Napatingin ito sa kanya habang nakasandal ito sa ref.

"Magkaka-ulcer ka sa ginagawa mo Miss." Worried na ani nya habang nakatayo sa harap nito.Tinaasan sya nito ng kilay at humalukipkip.

"Sino ka para pagsabihan ako? You are just my roommate..nothing more, nothing less." Walang emosyon na sabi nito at umismid.

She smiled sweetly at her, humakbang sya palapit dito at itinukod ang mga braso sa magkabilang gilid nito.Halatang nagulat ito sa ginawa nya dahil bahagyang nanlaki ang mga mata nito.

Good thing is mas matangkad sya sa dalaga ng isang pulgada kaya medyo nakatingala ito sa kanya.

"I am Lestat Irisian Sanford..And i'm just concerned about your well being."

Magkalapit ang mukha nila kaya kitang-kita nya kung paano ito napalunok at natigilan.Lihim syang napangiti ng makitang naapektuhan ito pero dahil ito si Nayumi Fortalejo ay tinulak sya nito palayo kaya nakaalis ito sa harap nya saka sinamaan sya ng tingin.

"Wag na wag kang lalapit ulit sakin." Inis na asik nito at tinalikuran sya.Nawala ang ngiti nya at nagpasya na lang na kunin ang laptop saka pumasok ng sariling kwarto.Nang maisara nya ang pinto ay napahawak sya sa tapat ng dibdib ng makaramdam ng kirot sa parteng yun.

                                           ___*___


"Ang hilig mo sa mga babaeng mas straight pa sa pole." Nasusuyang komento ni Chase nang makita syang bumibili ng pagkain para kay Nayumi.Naikwento nya na kasi dito ang pagtangi nya sa babaeng pinaglihi sa yelo sa lamig.

"Hayaan muna ko." Nilingon nya ito pagkatapos iabot ang pera sa cashier. Nasa isang pastry shop sila sa loob ng school at break time kaya inaya nya si Chase na tambay din ng mga oras na yun.

Isang linggo nya ng nilalagyan ng pagkain ang locker ni Nayumi, kung saan sya nakakuha ng duplicate key nito ay salamat na lang kay Aleya na suportado ang kalokohan nya. Wala naman syang naririnig kay Nayumi kaya patuloy nya pa din na ginagawa dahil hindi pa naman sya nito nahuhuli.

"Yung una si Ramirez ngayon naman si Fortalejo.Like seriously? Yung una baka may himala pang bumaliko pero si Nayumi? Imposible pa sa imposible!" Bulalas nito na ikinatawa nya.Nagpasalamat sya sa babae ng iabot na ang binili nya.

Hinila nya palabas ng store si Chase na nakasimangot."Nagsasayang ka lang ng pera sigurado naman na tinatapon nya lang yung nilalagay mo sa locker nya.Kaya akin na lang yan." Akmang aagawin nito ang paper bag na hawak nya ng iiwas nya yun saka ito binatukan.

"Don't worry friend kapag ikaw naman natanga sa pag-ibig susuportahan kita."

"No thanks Sanford."

"Wag kang magsalita ng tapos De Marco tatawanan talaga kita." Pambubuska nya at natahimik naman ito.

Pagkasakay nila ng kotse nya ay agad nyang pinaandar yun kaya nakarating agad sila sa building ng IT Department.Pagdating nila sa locker ng mga students ng IT ay sinugurado nya munang walang ibang makakakita bago ilagay ang pagkain saka sila umalis ni Chase na parang walang nangyari.

Magtatry out pa sya sa Club ng tennis mamaya kaya kailangan nyang mapakundisyon at ang unang dapat nyang gawin ay pumunta na sa next subject nya para makita ang bumubuo ng araw nya.


                                           ___*___


"Ms.Sanford and Ms.Fortalejo partner kayo.And no buts." Dagdag agad ng Prof. nila dahil alam nitong aapela nanaman si Nayumi na napapalibutan nanaman ng itim na aura.Ang masama katabi nya lang ito kaya napapatingin na lang sya sa mga kaklase nila na nagkakagulo na para tumabi sa mga partner nito.

Buti pa sila.. Ang happy happy nila sa partner nila.

Hinarap nya si Naya na abala sa sinusulat nito sa notebook, akmang sisilipin nya kung ano yun nang bigla nitong sinara at nakatikim sya ng irap.

"Baby."

Dedma.

"Honey." Pangungulit nya pa pero di na sya nito tinignan.

"Kapag hindi kapa tumingin hahalikan na kita." Banta nya na ikinatingin na nito sa direksyon nya.

"Asa ka." Nagsmirk ito sa kanya na ikinangiti nya ng malapad.Ang sexy!

Inilapit nya ang mukha dito na ikinawala ng ngisi nito."Kapag nahalikan kita tayo na?"

Kumagat ka please..

At dahil sya si Naya ay ngumiti lang ito ng nakakaloko saka umayos ng upo at tinulak na ang mukha nya palayo dito.Sumeryoso ulit ito at di na sya tinitignan.

Napaka-angas.

"Hindi ba natin pag-uusapan ang project natin babe?" Tanong nya na ikinasalubong ng kilay nito.Gusto nyang matawa pero sa itsura nito kasi kulang na lang ay sapakin sya.

Tumubaba sya sa lamesa habang nakatingin sa mukha nito na napakaamo.Pero napakasama naman ng ugali..

"Sa dorm na.At pwede ba IRISIAN stop calling me babe because in the first place i'm not yours."

Boom.Halos mapanganga sya hindi dahil sa mahabang sinabi nito kundi sa tinawag nito sa kanya.Irisian daw? Bakit kapag ito ang bumanggit parang gusto nyang magpasalamat sa magulang nya sa pinangalan sa kanya.Tatawagan nya talaga ang mommy nya mamaya promise!

"What?" Tanong nito na napansin ang pagkatameme nya."Cat got your tongue?" Pambubuska nito sa kanya, hindi sya kumibo at umayos na lang ng upo.

Mahirap na baka bigla nya itong mahalikan sa sobrang kilig.Sya na mababaw pero natutuwa talaga sya conversation nila ngayon.

"Namumula ka.."

Inirapan nya ito."Will you shut up or i will kiss you in front of our classmate?Choose baby." banta nya dito na ikinawala ng ngiti nito.Takot talaga itong mahalikan masyadong halata sa reaksyon nito kapag tatakutin nyang hahalikan nya di man lang nagmatapang pambihira.

"Cat got your tongue?" Panggagaya nya sa sinabi nito saka tumawa.Namula ang mukha nito sa inis bago nya pa mahulaan ang gagawin nito ay natumba na sya sa upuan habang sapo ang pisngi.

Narinig nyang napasigaw ang kaklase nila at dinaluhan sya saka tinulungan na tumayo.

Fuck! Ang sakit nito manampal!


                                            ___*___

St.Sebastian Series: Nayumi FortalejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon