T W E N T Y E I G H T

6.9K 272 25
                                    




Para sa taong willing mag-antay 😂

---*


"Musta honeymoon?"

Tanong ni Aleya ng makasakay sila ni Naya sa chopper, kailangan na nilang umuwi dahil lunes na bukas.Maghapon lang naman silang nagkulong sa kwarto nito at sekretong malupit na lang kung ano pa ang ginawa nila.

Nakaupo si Aleya sa tabi ng pilot na parang pamilyar sa kanya pero di nya maalala ang pangalan dahil lumingon ito ng makasakay silang dalawa.

"Stop asking private things Aleya kung ayaw mong ibalik ko ang tanong mo sayo." si Naya na ang sumagot, napanguso si Aleya na nanahimik na lang.Di nya maiwasang matawa sa dalawa.

"Hi Carlisle, what are you doing here?Don't tell me close na kayo ni Aleya?" Nagtatakang tinignan nya ang katabi na seryoso lang pero feeling nya may something sa tanong nito.

Naalala nya na ito yung pinakilala ni Einar sa kanya sa lobby, yung suplado na may sariling mundo.Tipid lang itong tumango kay Naya na sinulyapan pa si Aleya na nag-iwas ng tingin.

"Nakatulog kaba ng maayos Lestat?" baling sa kanya ni Aleya bago pa magsalita ang katabi nito sa malakas na boses dahil maingay ang chopper.

Ngumiti sya."Yup, ang lamig kasi." sagot nya at niyakap sa bewang ang dalaga na nakangiti pala sa kanya ng tignan nya.Nagiging palangiti na ito simula ng may mangyari sa kanila.

"Mukha kayong newly wed." nanunuksong puna ng dalaga sa kanila."Ang blooming ni Nayumi." dagdag nito saka ngumiti ng nakakaloko.

"Bakit si Carlisle ang pilot mo?" Balik dito ni Naya.Nagtatakang tinignan nya ang dalawang babae, problema ng dalawa ito.Nakasimangot na si Aleya habang si Naya ay nangingiti sa di nya malaman na dahilan.

"Sunday ngayon walang pasok ang mga empleyado namin." paliwanag nito sa defensive na tono.

Samantalang yung pilot nila tila walang pakielam sa paligid nito at tahimik lang.Hinapit nya palapit sa kanya ang katabi at hinalikan ito sa sentido.

"Stop teasing her Heaven.." masuyong saway nya at napalabi na lang si Naya na sumandal sa kanya.

"Heaven?Endearment nyo?" si Aleya ulit na lumingon ulit sa kanila.

Tumango sya, napagkasunduan nila yun habang naglolovemaking sila.Kasi lagi sya nitong inaaway kapag natatawag nya ito sa first name nito.

And she was proud of herself, dahil sya ang binigyan nito ng virginity nito, well vice versa lang naman dahil ito din ang nakauna sa kanya.

At balik sa issue nito sa dapat nyang itawag dito, Imagine mo nasa kasarapan ka at nababanggit mo yung name ng kapartner mo tas bigla na lang titigil dahil namali ka ng tawag, nakakabitin kaya.

"Nice ha." komento ni Aleya at nakita nya ang pagsulyap nito sa katabi saka tumingin sa labas ng chopper.




___*___




Nakahanda na ang dinner nila ng dumating silang dalawa sa dorm, dun din kakain sila Chase na binati sya sa pagkakapanalo nila.

Late celebration daw nila yung dinner para sa pagpaka-panalo nila na blow out ni Naya na nagpabili pala kay Miracle at Paige ng mga pagkain.

Masaya naman ang dinner nila dahil sa kwentuhan at asaran, manunuod na sana sila ng movie ng may dumating din syang bisita.

"Hi Bear." bungad sa kanya ni Jade na hinalikan sya sa gilid ng labi na ikinabigla nya habang nakatingin sa kanila sila Paige, Miracle, Amber, Aleya, Chase at Nayumi na hindi maipinta ang mukha.

Kinakabahan na hinawakan nya sa kamay si Jade para ayain sa labas ng balingan nito sila Aleya na nakatameme sa kanilang dalawa.

"Hi guys ayain ko lang si Lestat sa dorm namin para doon matulog, namiss ko kasi sya." Nakangiting paalam nito.Napalunok sya ng tignan ang Heaven nya na handa ng manabunot.

Napakalandi ba naman ng pagkakasabi ni Jade.

"HINDI PWEDE." Madiin na ani ni Nayumi na ikinatingin dito ng lahat, taas ang isang kilay na sinulyapan sya ni Jade na para bang nagtatanong kung may nangyari ba, bago pa sya tumango ay humarap na ito kay Naya at namewang.

"At bakit hindi pwede?I'm her girlfriend, na sakin ang lahat ng karapatan." Malditang sagot nito, tinignan nya sila Miracle at humingi ng saklolo na ikinatango naman ng isa.

"Guys calm dowm okay?" pumagitna si Miracle sa dalawa na parehas na masama ang tingin sa isa't-isa.

"Lestat sa labas na kayo mag-usap ni Jade." Binalingan ni Miracle si Naya."Hayaan mo muna yung magjowa Naya." pakiusap nito.Nakagat nya ang pang-ibabang labi dahil sa guilt na nararamdaman dahil nakita nyang maiiyak na ang babaeng mahal na umiling pa kay Miracle, kakausapin na nga nya si Jade.

"Hindi pwede." mariin na tanggi ni Naya.Huminga ito ng malalim bago sya sinulyapan, hindi naman sya makakibo dahil baka bigla syang bumulagta sa sahig kapag inalo nya ito sa harap ni Jade.

Knowing Jade, ayaw nito ng kaibigan na nang-iiwan sa ere.

"She cheated on you, may nangyari sa amin." Baling nito kay Jade na napaawang ang labi sa pagkagulat.

Pati ata inner mind nya napafacepalm sa narinig, si Aleya lang ata ang hindi nagulat sa sinabi ni Nayumi.Si Chase ay napanganga pa talaga, si Miracle, Amber at Paige ay parang nakarinig ng himala sa mga naging reaksyon ng mga ito.

Ang priceless lang.

Natatarantang hinila nya palabas si Jade na tila nanigas na sa kinatatayuan.




___*___




"Damn.. Seriously naikama mo ang pinakacold na babae sa University?!" Namamanghang tanong ni Jade sa kanya ng nasa labas na sila ng JUSENTH building.

Napasimangot sya sa narinig."Words Jade, naikama talaga?" Depensa nya kay Naya, Mahal na mahal nya kaya yun at take note virgin ito ng makuha nya kaya hindi ito dapat ginagamitan ng word na 'naikama.'

Napangisi ito at inakbayan sya."Talagang inagaw ka nya sakin ng malingat lang ako ha, Alam mo bang tinawagan ako ng magaling mong pinsan ng araw na susunduin kita?"

Napatingin sya sa dalaga."I-I don't know.."

"Kasabwat siguro ni Fortalejo yun." Komento nito."Ayun nga tinawagan ako ni Einar para samahan sya dahil nalulungkot daw yung mokong tapos nilasing ako, nagising na nga lang ako na nasa dorm na ko namin kaninang umaga." kwento nito habang naiiling na ikinatawa nya ng malakas.Yung literal na halakhak talaga dahil nagsink in na lang sa isip nya ang pinaggagawa ng mga ito.

Mukhang magkakasabwat nga ang dalawa, idagdag na si Aleya.Kaya pala ng sinabi nya kay Gemini na susunduin sya ni Jade ay ganun ang sinabi nito dahil alam nitong hindi sya masusundo ng isa.

"Paano ba yan?Talo ka." binitawan sya ni Jade tuwang-tuwa na inilahad ang kamay for a handshake na tinanggap nya naman.

"Umpisahan muna mag-ipon dahil yung pinaka the best ang kukunin kong catering at venue sa reception ng wedding ko." Si Jade.

Napangiti sya."Matagal pa naman." tukso nya sa kaibigan napalabi."Baka magulat ka next year na pala." taas ang kilay na kontra nito.

"I highly doubt that Ramirez sa sobrang choosy mo?" pang-aasar nya na ikinatawa nito dahil totoo naman.

Muli sya nitong niyakap at hinalikan sa balikat saka sya binitawan."Goodluck Lestat." Ngumiti ito sa kanya ng matamis bago ito sumakay sa kotse nito na nakaparada sa di kalayuan.




___*___

St.Sebastian Series: Nayumi FortalejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon