F O U R T E E N

5.8K 232 8
                                    



"Hi baby." Nakangiting bati nya kay Naya paglabas nya ng kwarto kinaumagahan, prenteng nakaupo ito sa sopa sa sala.Bored sya nitong sinulyapan saka pinasadahan ang kabuuan nya na hindi nakaligtas sa paningin nya.

"Whatever Irisian." sagot nito na tumayo sa pagkakaupo sa sopa at dumiretso sa kusina.Nagtataka sya kung bakit naabutan nya pa ito na nasa dorm dahil kadalasan ay maaga naman itong pumapasok

"Ang ganda mo." Bati ni Miracle na kalalabas lang din ng kwarto nito.She smiled sweetly at her."Thanks." buti pa ito naappreciate ang ayos nya ngayon. Yung babaeng pinag-effort-an nyang pagandahan, ayun dedma.

Aba pinag-isipan nyang mabuti ang outfit nya ngayon..

Si Paige ay umalis kagabi, nagpaalam ito sa kanila na uuwi muna ito sa bahay ng magulang nito na kadarating lang sa bansa.

"Let's eat, I'm hungry." parehas silang napatingin ni Miracle sa direksyon ni Naya na nakapamewang sa tabi ng dining table nila.

"Sasabay ka samin?"Di nakapaniwalang tanong ni Miracle dito na lumapit.Sya naman ay sumunod dito, tinignan nya ang mga pagkain na nasa mesa.Si Naya ba ang nagluto?

Kahit na sangag, itlog at hotdog lang yun feeling nya ay nag-effort pa din ito ng sobra.Kaya ang laki ng ngiti nya nang umupo.

"Ayaw mo?" Balewalang sagot ni Naya kay Miracle na umiling agad.Umupo ito sa harap nya at nagsandok."Of course not! I'm just a little bit surprised.For almost three years na magkakasama tayo ngayon ka lang ulit sumabay sa amin." kwento nito na halatang masaya.

Sinulyapan nya ang katabi na hindi kumibo, ganoon ito ka-aloof sa mga kasama nito?Si Miracle lang kasi ang nakikita nya na pinakamalapit dito aside from Aleya.

Bihira ito magsalita kung magsasalita naman ay tipid lang.Mas madalas pang masungit o dika papansinin.Kaya nga marami ang natatakot na lapitan ito, dahil na din sa wala itong pakielam kung makakasakit ito ng damdamin.

But she's in love with this woman, lahat ng flaws nito, kahit na madalas syang masaktan sa pinapakita nito sa kanya naniniwala pa din sya na may kabutihan itong tinatago.Kailangan lang ay pagtyagaan mo ito hanggang sa matunaw ang dapat matunaw dito.

"Stop staring will you?Papasok pa tayo kaya bilisan mong kumain dyan." Sita nito sa kanya na ikinabilog ng mata nya, hindi dahil sa paninita nito kundi sa huling sinabi ni Naya.

"S-Sabay tayo papasok?" pigil ang ngiti na tanong nya dito, on her peripheral vision ay nakita nya ang hindi makapaniwalang mukha ni Miracle.

"Yes Irisian.So stop smiling like that.It creeps me out." Nakairap na ani nito ay muling binalik ang pansin sa pagkain.Hanggang sa matapos sya ay di na mawala ang ngiti nya.



                                           ___*___



"Balita ko may kasabay daw pumasok si Naya kanina?" mula sa pag-aayos ng sintas ng sapatos nya ay tiningala nya ang nagsalita.Nakangising mukha ng Captain nila ang nabungaran nya na nakatayo sa harap nya.

"San mo nalaman?" Curious na tanong nya at tumayo na.Need nya ng magwarm-up para sa practice.Si Coach na lang ang inaantay nila para magstart dahil kumpleto na sila.

Naamuse na umupo si Gemini sa bench na inupuan nya kanina."Dude kilala si Naya sa school, pati nga paghikab nun, sure na pag-uusapan at yung may kasabay pa kaya na pumasok?" Saka ito ngumiti ng nakakaloko kaya di nya maiwasang matawa.

"Anong ginawa mo dun?Ginayuma mo no?" dagdag pa nito na ikinalabi nya at itinuro ang sariling mukha."Diko kailangan ng potion no.. itsura ko pa lang okay na." biro nya dahil alam nya naman sa sarili na never mangyayari yung iniisip nya.

Ang lakas naman ng tawa nito sa sinabi nya, pinagtitinginan tuloy sila ng mga kasama nila.Tumayo si Gemini."Tara may pupuntahan tayo."

"Saan?"

"Sa practice ng Archery." ani nito at hinila sya sa kamay.Pagdating nila sa lugar nang pinagpapraktisan ng Target Archery, nasa mapunong bahagi yun ng St.Sebastian pero madami pa ding nanunuod na karamihan ay lalaki.

Parang alam nya na kung sino ang ipinunta ng mga lalaki na to,nakaramdam sya ng inis.Pumuwesto sila ni Gemini malapit sa bench ng mga player na nagre-ready pa lang.

Agad na hinanap ng paningin nya ang babaeng pinakatatangi nya sa buong mundo, di nya maiwasang kiligin sa naisip.Nakita nya si Naya na tanging nakaupo sa mga kasama nito na lahat ay nakatayo na.Katabi pa ata ng dalaga ang coach ng Archery dahil yun lang ang pinakamatanda ang itsura, so she pressumed.

As usual nakapoker face ito at tila walang pakielam sa paligid.Napansin nyang may dinampot ito sa tabi nito at ininum yun.Halos manliit ang mata nya makita ang hawak nito.

Milktea ata yun, halos tumahip ang dibdib nya sa kaba.Hindi sya pwedeng magkamali yun yung nilagay nya kanina sa locker nito.

So it means hindi nito tinatapon ang mga bigay nya.Tinignan nya ang katabi na nakatingin din sa direksyon ni Naya.

"Wag ka munang kiligin Dude." Biglang ani ni Gemini na ikinaayos nya ng tayo.Inakbayan sya nito saka sumigaw na kinagulat nya.

"Naya!"

Gulat na napatingin sya sa dalaga na kunot ang noo na napatingin sa direksyon nila, bigla nito nailapag ang hawak nito sa tabi at napasimangot.

Sinamaan sya nito ng tingin at damay pati ang katabi nya na tumawa lang.Mukhang ayaw ata nito na manuod sya.

"Balik na tayo baka andun na si Coach." Baling nya sa katabi.

Umiling si Gemini na binulungan sya."Akong bahala.. stay put will you?" bakit kailangan nitong bumulong, nakikiliti kasi sya.Nakarinig sila ng hiyawan kaya napatingin sila ni Gemini sa field ng Archery dahil tumayo na pala si Naya at may pinalapit itong lalaki.

Ngiting ngiti naman ang ungas na akala mo ay nanalo sa lotto.Di nya maiwasang masaktan kailangan ba talaga ay sa harap nya pa?Akmang aalisin nya ang brasong nakaakbay sa kanya ng humigpit yun.

"Stay put.Tignan natin kung gaano sya kabangis sa Archery."

She sighed at sumunod na lang.Panay pa din ang asaran ng mga nanunuod sa lalaki na kumaway pa sa mga kasama nito.Bwisit akala mo naman ay sinagot ni Naya.

May inabot dito si Naya at may tinuro sa pwesto ng target.Kumunot ang noo nya, anong balak nitong gawin?Nagkakamot ng batok na naglakad ang lalaki palayo at tumayo sa tinuro ni Naya.

Yung coach nila ay tila nag-eenjoy pa sa nangyayari dahil nakangiti ito samantalang yung iba ay halata sa mukha ang kaba.Yung mga kateam-mates nito ay naupo sa mga bench.

Kinuha ni Naya ang bow nito at pumuwesto.Kinakabahan sya sa gagawin nito, baka mapatay nito yung lalaki ng wala sa oras at sigurado sya na itatakas nya ang dalaga pag nagkataon.

Tumingin ito sa pwesto nila o mas tamang tumingin ito kay Gemini sa nakakatakot na paraan.Narinig nya pang tumawa lang si Gemini, tumingin ulit sa target si Naya at pinakawalan ang arrow nito.Kusa syang napapikit sa takot at kaba.

Narinig nya na lang ang hiyawan at palakpakan ng mga tao kaya napadilat sya.Ang nakita nya lang ay ang nakatalikod na si Naya at yung lalaki ay nakaupo na sa damuhan ay yung apple na nasa ulo nito ay nasa lapag na habang may nakatusok na arrow.

Ang lupit..

"Nakakatakot syang magalit.Kaya ikaw wag mo syang gagalitin."Komento ng katabi nya na akbay-akbay pa din sya na lumakad na paalis kaya damay sya.

"Galit ba sya?" Tanong nya dito na ikinatawa nito ng malakas.May nakakatawa ba sa tanong nya?Isa din itong baliw.

"Seryoso di mo alam?" Balik tanong nito.

Umiling sya na ikinatawa ulit nito pero this time ay nakakaloko na.Inis na kumawala sya dito na hinayaan naman nito.

"Halaman ka dude." Komento nito bago nagpatiuna.Nagtatakang sumunod sya dito na di maintindihan ang ibig nitong sabihin.



                                           ___*___

St.Sebastian Series: Nayumi FortalejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon