N I N E T E E N

6.3K 307 40
                                    





Tapos na syang magreview para sa midterm exam nila pero wala pa din ang hinihintay nya.Hindi nya naman ito nakulit kanina dahil natatakot sya sa aura nito kanina sa room, kulang na lang may itim ding nakapaligid dito eh.

Ngayon lang ito ginabi sa labas kaya di nya maiwasang kabahan.Gisingin ko kaya si Miracle? Tapos hihingin ko na din ang number nya.Tatayo na sana sya sa pagkakaupo ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Naya na nagulat ng makita sya.Napansin nyang tumingin pa ito sa wall clock at kumunot ang noo.

"Kumain kana babe?" Nakangiting tanong nya kay Nayumi na umiling.Inilapag nito ang gamit nito sa table at umupo sa sopa.

"Sabay na tayo, upo ka lang dyan." Di nya maiwasang mataranta dahil sa kaba, Walang violent reaction si Naya ng tawagin nyang Babe, mukhang nasanay na sa kakulitan nya dahil kahit ano naman ang sabihin nito ay di nya pinapakinggan.Pumunta sya sa kusina at naglagay ng pagkain sa dalawang plato.

Manhid na at tanga pero di nya pa kaya igive-up si Naya, hanggat kaya nya pa ibibigay nya pa din yung best nya para ipakita dito na pwede sya nitong mahalin.

Kahit na karibal mo ang pinsan mo?

Natigilan sya.Si Einar ang pinakaclose nyang pinsan dahil sila lang naman dalawa ang malapit, ni hindi pa sila nagkatampuhan na kahit minsan.

Kung sakali ngayon pa lang mangyayari.Ano kaya kung magmakaawa ako sa kanya na iparaya nya na lang sakin si Naya?

Never nyang naisip na magiging ganun sya kadesperado para lang sa ibang babae.Aaminin nya mas malala ngayon ang nararamdaman kesa noon kay Jade Ramirez.

Pagbalik nya ay nakapikit na ito, mukhang nakatulog na sa pagod ang mahal nya. Nilapag nya ang plato sa center table at hinarap ang dalagang natutulog.

"Naya wake up.." Masuyong bulong nya pero hindi ito nagising.Hawakan nya kaya?Baka naman masapak sya?

"Naya uy.." Kinalabit nya ito pero hindi pa din ito dumilat.Huminga sya ng malalim.Matagal nya ng gustong gawin yung iniisip nya ngayon pero natatakot sya na baka magalit ito.Napansin nya kasi na walang bumabanggit ng second name nito.

"Illeia wake up.." napangiti sya sa pagkakabanggit sa second name nito kasabay noon ang pagdilat nito at nakakunot ang noo na tumingin sa kanya.

"What did you call me?"

Patay!galit ata."I-Illeia.." kinakabahan na ulit nya pero nakatitig lang ito sa kanya na parang may malalim na iniisip.

"Ayaw mo bang tinatawag ka sa second name mo?" tanong nya dito na ikinailing nito at ngumiti sa kanya.Nginitian sya nito!Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngumiti ito sa kanya.

"My first love used to called me in my second name..Nakakamiss lang." Napansin nya ang paglungkot ng mga mata nito.Kahit na naninibugho sa nalaman ay matamis syang ngumiti dito.

"Let's eat para makapagpahinga na tayo."Pag-iiba nya sa usapan at inabutan ito ng pagkain."Thanks." Pabulong na wika nito sa kanya kaya gumaan ulit ang pakiramdam nya.

Magkaharap silang kumakain at di nya maiwasang matigilan kapag sumusubo ito habang nakatingin sa kanya.Pakiramdam nya ay nang-aakit ito habang kumakain o imahinasyon nya lang?

Nakaramdam sya ng pang-iinit sa nakikita, di nya din maiwasang mapanganga sa dalaga na nangingiti sa kanya.Napalingon sya sa aircon na nasa pader.

Gumagana naman pero bakit ang init?

"Namumula ka Irisian." puna ni Naya sa kanya.Literal na napapunas sya sa noo, feeling nya ay pinagpawisan sya bigla.Umiling sya sa kaharap at tumawa."Mainit kasi..mahina yung aircon natin sa sala." paliwanag nya kaya tumingin din ang kaharap sa aircon at tinignan sya.

St.Sebastian Series: Nayumi FortalejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon