"What friends? May nangy----" naputol ang sinasabi ng babae pati boses ni kuya, hindi na namin sila narinig. Mga ilang minuto bago nag-salita ulit si kuya.

Naka-mute ata 'yong tawag kaya ngayon lang siya ulit nag-salita.

"Daddy, pauwi na po ako" saad ni kuya, maya maya. Malamang kapag hindi ka pa umuwi ay ibabalik ka nila ng Muntinlupa.

Ano kaya istura ni kuya ngayon? Kabado na ba siya?

One week lang talaga dapat siyang mags-stay dito kaso hindi siya pinayagan ni daddy. Dito na lang daw siya tumira kaysa sa lola namin. At least nagiging panatag na raw ang loob ni daddy kapag wala sila dito dahil may kasama na ako at si kuya 'yon.

Hindi na sumagot si daddy. Pinatay na niya na ang tawag at bumaling sa akin. Ako na naman ang nakita niya.

"Hindi ka aalis" seryosong saad ni daddy sa akin at umayos pa ng upo. Kumunot naman ang noo ko.

"Why?" irita kong tanong. Naka-ready na nga ang gamit ko na susuotin.

"Nag-text sa akin si Alexa na may gala kayo ngayon. Sinabihan ko na siyang hindi ka makakasama" sagot niya.

Bakit kasi nag-text pa si Alexa kay daddy, kaasar naman. Pati ako nadadamay dahil sa ginawa ni kuya.

"And, then?" naiinis na saad ko.

"Gusto mo maging grounded kasama ang kuya mo? P'wede naman, kung susuwayin mo ang sinabi ko" saad ni daddy. Tinitigan ako ng deretsyo sa mata. Seryoso talaga siya.

"Of course not. Si kuya lang naman ang may kasalanan, nadamay pa ako" nakangusong saad ko sa harap niya.

Sino bang bata ang gugustuhin ma-grounded? S'yempre wala.

"E'di sumunod ka sa sinabi ko. Sino na ba ang tatay dito? Kuya mo? Kayo na ba ang nasusunod ngayon?" sigaw ni daddy kaya napayuko ako.

"Honey, 'wag mong sigawan si Claire. Wala namang ginagawang masama ang bata" pagpapakalma ni mommy kay daddy.

Nandadamay talaga siya.

"Kapag kasalanan ng isa sa inyo ay magiging kasalanan na rin ng isa 'yon dahil mag-kapatid kayo" saad ni daddy. Ito naman lagi ang motto niya sa buhay kaya nakakainis.

"Okay, fine. I'll text my friends na lang later" walang ganang saad ko.

"Okay" saad ni daddy.

Nanahimik kami pero hindi mapanatag ang isip ko dahil maraming tumatakbo sa isip ko na mangyayari.

"I'm not grounded, ha" saad ko ulit.

"Kung susunod ka sa sinabi ko"

"Hindi mo kukunin laptop, cellphone at ipad ko?"

"Kung susunod ka sa sinabi ko"

"P'wede akong manood ng Netflix kahit anong oras ko gusto?"

"Claire Ann Smith! Ano ba! Bakit ang dami mong tanong? Sinabi ko na 'yong sagot kailangan paulit ulit?" sigaw ni daddy sa akin. Galit na galit.

"Sorry, daddy. Pero salamat kapag hindi mo 'yon kukunin" saad ko at masayang pumunta sa kusina dahil kakain na raw sabi ni Manang.

Nilagay na ni Manang yung kakainin namin, kaya nag-simula na kaming kumain. Hindi na namin hinintay si kuya. Pagkatapos namin kumain ay dumeretsyo ako sa kwarto ko para itext sila Pinky na hindi ako pinayagan.

Ang text naman nila 'sinabi na ni tito, next week na lang' sumagot na lang ako ng 'sige'.

Naligo at nag-bihis lang ako ng short at t-shirt. Kinuha ko yung laptop ko para manood ng k-drama sa isang site na alam ko. Kinuha ko rin ang cellphone ko para mag-open ng social media accounts ko. Instagram, twitter, v-live, weverse, facebook, at tiktok.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now