Chapter~10

831 388 17
                                    

"What are you doing here?" tanong niya na gamit ang malamig na boses at pakiramdam ko'y dahan dahang gumapang ang lamig nito sa aking likod.

"I said what are you doing here?"

Umawang ang labi ko at hindi ko magawang magsalita kaagad habang gulat na nakatingin sa kan'ya. Sobrang lakas nag kabog ng aking dibdib na animo'y may naghahabulang mga kabayo sa loob!

Mariin kong nakagat ang aking labi at pakiramdam ko'y babagsak ako sa sahig dahil sa panghihina ng aking mga binti. Nagsalubong naman ang kaniyang may tamang kapal na mga kilay at mas lalong tumiin ang tingin sa akin.

Napalunok ako at sinubukang tanggalin ang hawak niya sa aking kamay pero mas lalo lang yata itong humigpit! Mahigpit pero hindi naman masakit pero masyadong malaki ang kamay niya kumpara sa patpatin kong braso kaya nasisiguro kong isang pihit lang niya ay mababali niya na ang buto ko.

"Aren't you going to answer me."

Napapitlag akong muli sa boses niya. Hindi naman tonong galit pero may kung ano talaga sa malamig at buo niyang boses ang nagpapakaba sa akin.

"A-ano..."

Muli akong napalunok at nag iwas ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata n'yang hindi man lang yata kumukurap habang nakatingin sa akin. Hindi ko magawang tagalan ni salubungin man lang ang mga tingin n'yang masyadong malamig at para bang niyayarok ang buong pagkatao ko.

"Ano..." mabilis akong napatingin ulit sa kan'ya nang marinig kong ginaya n'ya ang sinabi ko, pero bakas naman ang iritasyon sa boses n'ya.

Tumaas ang kilay n'ya at bahagya pa akong hinila palapit kaya napasinghap ako! Bumangon s'ya at umupo at mas hinila pa ako palapit! May sapat na distansya man sa pagitan namin pero hindi iyon sapat para pakalmahin ang nagwawala kong sistema!

"What? Where's your tongue, doll?"

"A-ah, h-hinahanap kasi kita k-kanina," gusto kong kurutin ang sarili ko dahil hindi ko talaga mapigilan ang pagkautal! Masyado talaga akong nilalamon ng kaba.

"Hmm, and why's that?" muling umangat ang kaniyang isang kilay habang sinasabi iyon, ni hindi man lang inaalis ang tingin sa akin kaya mas lalo lang akong nababalisa.

Oo, kinakabahan ako sa kanya pero hindi naman takot. Sa kabila ng mga sinabi ni Katya at maging sa pangyayaring nasaksihan mismo ng mga mata ko ay hindi ko pa rin talaga maramdaman ang takot sa kan'ya. Kinakabahan lang talaga ako dahil sa bigat ng presensya n'ya. Kinakabahan ako dahil sa mga tingin, kilos, at maging sa boses niya pero hindi takot sa kung ano man ang maari at kaya niyang gawin. Hindi ko alam kung hakit gano'n.

"A-ano, malapit n-na kasing magsimula ang klase k-kaya hinanap kita p-para masigurong ano...papasok ka sa klase n'yo," napapayuko kong sagot. Ramdam ko pa rin ang intensidad ng kaniyang mga tingin na pumapaso sa akin.

Sinilip ko siya. Muli kong nakagat ang aking labi nang magsalubong ang mga mata namin. Kung makatingin siya sa akin ay para bang hinahamon niya ako sa kung ano.

"K-kailangan kong masiguro na papasok ka sa klase," ulit ko sa mas matatag na boses.

Bahagyang nakukot ang maganda niyang mukha at nakita ko pa ang pag ikot ng kaniyang mga mata. At nagulat ako nang bigla na lamang s'yang tumayo kaya mabilis akong napa-atras dahil muntikan na kaming magkabungguan pero hindi rin naman ako naka layo dahil hawak n'ya pa rin ang pulsuhan ko at muli lang akong hinila.

"Tss," iyonn lang ang narinig ko bago s'ya tumalikod at pabalang na binitawan ang aking kamay.

Tinignan ko ang parteng hinawakan niya. Nagmarka pa ro'n ang kamay niya dahil sa maputla kong balat pero hindi naman iyong tipong mag iiwan ng pasa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rebellious Boys #1: She's the Gangster's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon