Chapter-8

947 389 83
                                    

Nanatili akong nakapikit habang buhat-buhat pa rin ni Pilak. Hiyang hiya ako sa sitwasyon ko ngayon dahil alam kong napapatingin sa amin ang lahat ng mga nadadaanan namin kaya ang tanging nagagawa ko na lang ay pumikit ng mariin at takpan ang aking mukha. Napapansin ko rin na bigla na lang tumatahimik ang bawat estudyanteng nadadaanan namin.

Hindi ko alam kung ilang sandali ang lumipas, basta ay namalayan ko na lang ang marahang paglapag sa akin ni Pilak sa isang napakalambot na bagay.

"Tss, you can open your eyes now," rinig kong sabi n'ya kaya kaagad ko ring idinilat ang aking mga mata pero hindi rin naman ako makadilat ng maayos dahil medyo nanlalabo pa ang mga mata ko dahil sa pagkakapikit ko kanina.

Ilang sandali lang ay nakapag adjust na rin ang mga mata ko sa liwanag kaya mabilis kong iginala ang aking paningin sa buong paligid.

Dinala pala ako ni Pilak sa isang silid na mas maliit lang ng kaunti sa classroom namin kanina. Napansin ko ang mga magagandang paintings na nakadikit sa dingding. May isang lamesa at upuan din na katulad na katulad ng sa mga teacher's table. May kabinet ding gawa sa salamin sa tabi ng mesa at nakapaloob doon ang ilang mga tropiyo at iba pang mga parangal. May isa namang mataas na estante na puno ng mga libro. May sala set din at isa ang mahabang sofa na inuupuan ko. Sa isang sulok naman ang mas maliit na mesa kung saan nakapatong ang lalagyan ng tubig at mga baso na gawa sa transparent na plastic.

Napatingin naman ako kay Pilak na naka-upo lang sa pang isahang malambot na upuan na nasa aking tapat. Komportable s'yang nakasandal sa sadalan habang nakadekwatro. Nakapatong naman ang isa nyang kamay sa arm rest habang pinapaikot ikot sa mga daliri ang lighter at ang isang kamay niya naman ay hawak 'yong stick ng sigarilyo na maya't maya n'yang hinihithit.

Nalukot naman ang ilong ko nang maamoy ko ang hindi kaaya-ayang amoy no'ng usok saka wala sa sariling tumingin sa kan'ya habang nakasimangot, pero agad ring nanlaki ang mga mata ko nang nagkatinginan kami kaya mabilis akong napayuko. Pero ilang sandali lang ang lumipas ay unti unti na naman akong nag angat ng tingin kaya nagkatinginan ulit kami! Napasinghap naman ako at muling nagbaba ng tingin.

Bakit ba siya nakatingin?! At bakit ganiyan siya makatingin?!

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko habang kinukutkot ang tela ng aking bestida. Ramdam na ramdam ko 'yong mga tingin n'ya sa'kin na para bang nanunuot sa buong balat ko. Masyadong mainit ang kaniyang mga tingin na pakiramdam ko'y pumapaso sa aking manipis na balat at dahan dahang tumutunaw sa aking mga buto.
Kaya kahit gusto ko ulit siyang silipin ay mas pinili kong hindi gawin. Baka umusok na ang mga mata ko kapag muli kaming nagkatinginan. Ni hindi ko nga alam kung bakit s'ya nakatingin sa akin o kung nakatingin pa rin ba talaga s'ya sa akin at ayaw ko nang alamin pa.

Ilang sandali ang lumipas ay wala pa rin sa amin ang nagsalita kaya naglakas loob ulit akong silipin s'ya. Nakabaling na 'yong mukha n'ya sa bintana habang magkasalubong ang mga kilay. Dahil sa anggulo n'yang 'yan kaya mas lalong nadepina ang kan'yang mukha. Kahit saang anggulo yata ay perpekto siya. Bumaba rin ang tingin ko sa leeg n'ya at muntik na akong mapasinghap nang makita ko ang tattoo n'ya roon na hindi gaanong natatakpan ng T shirt n'ya. Ayoko sa mga tattoo dahil pakiramdam ko'y marumi 'yon sa katawan pero hindi ko 'yon maramdaman sa kan'ya. Para bang mas lalong nagpadagdag sa lakas ng dating niya ang tattoong naroon sa gilid ng kaniyang makinis na leeg.

Nakita kong gumalaw ang ulo n'ya at huli na ang lahat para yumuko o mag iwas ng tingin dahil sa pangatlong pagkakataon ay muli kaming nagkatinginan! Nanatiling seryoso ang kaniyang mukha pero nakita ko ang bahagyang pag taas ng kaniyang kilay na may tamang kapal.

"What?" masungit n'yang tanong kaya napalunok ako.

Hindi naman ako takot sa kan'ya. Kahit kaunting takot ay wala akong maramdaman kaya hindi ko maintindihan kung bakit tila kinikiliti ang aking kalamnan at mabilis ang kabog ng aking dibdib.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rebellious Boys #1: She's the Gangster's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon