Chapter-6

980 431 26
                                    

Patuloy lang si Pilak sa pag hila sa akin at kahit gustuhin ko mang umangal ay hindi ko na rin magawa. Naisip ko tuloy na nasa pagkatao na n'ya talaga pagiging mahilig sa panghihila. Sa tingin ko'y siya rin 'yong tipo ng tao na mahihirapan kang kontrahin kaya nga kahit naguguluhan ay nanatili na lang akong tahimik, kahit pa halos makaladkad niya na ako dahil malalaki ang kaniyang mga hakbang at mahahaba rin ang kaniyang mga biyas.

Hanggang sa huminto na kami sa tapat ng pintong nasa bandang dulo ng pasilyo. Bigla ko tuloy naalalang ganito rin 'yong eksena nang dinala n'ya ako sa kwartong pansamantala kong tinuluyan kagabi.

May kinuhang susi si Pilak sa kaniyang bulsa habang hawak pa rin niya ako gamit ang isa niyang kamay at ilang sandali pa ay nabuksan n'ya ang pinto saka muli akong hinila sa loob.

Narinig kong isinara n'ya ang pinto pero hindi ko na s'ya nagawang tignan kasi namamangha ko ng inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng kaniyang silid. Masasabi kong sa kaniya ang kwartong 'to dahil sa kulay. Puti ang napakalaking kama na may napakaraming unan. May kulay abong mesa sa gilid ng kama na may mga litrato rin, gusto ko sanang tignan ng malapitan pero natuto na ako sa nangyari at ayoko ng maulit 'yon. Sa kanang banda naman ay may isa pang kwarto pero wala ng pinto kaya bahagya akong umatras para makita kung anong naroon dala ng kuryosidad at ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko nang makita ang mga estante na punong puno ng ng mga libro!

Parang biglang nangati ang mga paa ko na pumunta ro'n at tignan ang mga libro lalo pa't mahilig akong mag basa, sa katunayan ay may koleksyon din ako ng mga libro sa bahay namin sa probinsya pero hindi naman kasing dami ng sa kanya dahil kadalasan sa mga libro ko ay mga bigay lang din ng aking mga guro.

Mayamaya pa ay narinig ko ang pag bukas ng isa pang pinto dito sa kwarto n'ya kaya napatingin ako roon at awtomatikong namilog ang aking mga mata nang makita kong lumabas si Pilak mula ro'n na tanging kulay itim na pajama lang ang suot habang naka sampay naman sa kaniyang balikat ang T shirt! Wala siyang kahit anong suot sa pang itaas kaya kitang kita ko ang malapad n'yang dibdib at para sa isang binatang tulad n'ya ay masasabi kong napaka ganda na ng kaniyang katawan! Klarong klaro ang mga masel sa t'yan n'ya at pakiramdam ko ay biglang nag init ang aking buong mukha.

Napasinghap na lang ako nang tumingin s'ya sa akin habang naka taas ang isang kilay na para bang naghahamon ng kung ano. Agad ko ring naramdaman ang pag akyat ng init sa buong mukha ko nang mapagtanto ko ang aking ginawang pag susuri ng tingin sa kniyang katawan. Iniiwas ko na lang ang aking tingin kanya habang mahigpit na hawak ang saya ng bestida ko para doon ibuhos ang pinaghalong kaba at hiya na nararamdaman.

Narinig ko pa ang 'Tsss' mula sa kanya na lalong nagpatindi ng kahihiyang aking nararamdaman. Napayuko na lang ako nang maramdaman ko ang pag iinit sa sulok ng mga mata ko! Gusto ko ng umiyak at magpalamon na lang sa sahig dahil sa sobrang kahihiyan!

Sanay naman akong makakita ng hubad na katawan dahil madalas namang naghuhubad ng T shirt ang mga binata sa probinsya namin kaya hindi ko alam kung bakit ganito ang hiyang nararamdaman ko kay Pilak, na para bang isang napakalaking krimen ang tignan ang kaniyang katawan.

Mula sa gilid ng aking mga mata  ay nakita ko siyang umupo sa kama dala ang isang puting kahon na may disenyong pulang krus. May suot na s'yang pang itaas ngayon.

"Come here," mababa ang boses niyang sabi kaya unti unti akong nag angat ng tingin sa kan'ya.

Tumaas na naman ang isang kilay nya kaya napalunok ako.

"What, you're just gonna stand there forever?" nag hahamon ang tuno ng kaniyang boses kaya napalunok ako, hindi alam kung susundin ba ang gusto n'ya.

Humigpit ang hawak ko sa saya ng bestida ko bago bumuntong hininga at dahan dahang naglakad palapit sa kan'ya.

"Sit," napalunok ako sa kaseryosohan ng boses niya at kahit kinakabahan ay dahan dahan pa rin akong naglakad palapit.

Rebellious Boys #1: She's the Gangster's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon