Chapter-3

1K 437 47
                                    

Wala kahit sino man sa aming dalawa ang nagsalita sa buong byahe. Nasa pagmamaneho ang buong atensyon n'ya habang ako naman ay mahigpit ang yakap sa aking bag at mariing nakapikit dahil sa sobrang bilis nyang mag maneho! Kanina ay panginginig dahil sa lamig lang ang pinoproblema ko, ngayon may kasama ng taong na dahil halos paliparin niya na ang sasakyan. Hindi pa nakatulong sa kaba ko ang malakas na buhos ng ulan at ang mga kasabayan naming sasakyan.

Lumalalim na ang gabi pero marami pa ring sasakyan ang dumaraan sa kalsada at para s'yang nakikipag karera sa mga 'iyon dahil sa sobrang bilis n'ya kung magpatakbo! Ilang beses na kaming lumusot sa pagitan ng mga higanteng sasakyan kaya halos himatayin na ako sa takot. Pero s'ya ay nanatiling kalmado kahit pa kunting pagkakamali lang ay pwede kaming mamatay. Ni hindi mo kababakasan ng kahit anong emosyon ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung dahil ba siguradong sigurado siya sa galing niyang mag maneho o wala lang talaga siyang pakealam sa pwedeng kahinatnan naming dalawa.

Hindi ko alam kung gaano kalayo ang binyahe namin ngunit sa tingin ko'y iyon na ang pinaka mahabang byaheng naranasan ko sa buong buhay ko! Byaheng hukay yata ang tawag dito eh! Ilang nakakatakot na pangyayari pa ba ang dadanasin ko sa araw na 'to dahil baka hindi ko na kayanin pa.

Ilang sandala pa ay namalayan ko ng ang paghinto ng aming sinasakyan kaya iminulat ko ang aking mga mata at tumingin sa labas. Huminto kami sa tapat mismo ng napakatayog at engrandeng gusali. Humina na rin pala ang ulan.

Bumaba s'ya sa sasakyan at lumibot saka kinatok ang bintana ko para pababain ako. Pero napakurap kurap lang ako sa kan'ya dahil hindi ko alam kung paanong bubuksan itong pinto ng kaniyang sasakyan. At mukha namang naintindihan n'ya iyon dahil inikutan n'ya ako ng mata bago n'ya binuksan ang pinto mula sa labas kaya dahan dahan akong bumaba at napayuko sa hiya. Gano'n lang pala kadaling buksan 'yon.

Pakiramdam ko ay hindi pa tuluyang nakakabawi ng lakas ang mga tuhod ko dahil muntik na itong bumigay nang umapak ako sa lapag, mabuti na lang at agad n'yang nahawakan ang aking mga braso. Napigilan ako nito sa pagkakasalampak sa sahig.

Tumingin ako sa kan'ya at ngumiti bilang pagpapasalamat at tulad ng aking inaasahan, hindi niya ako nginitian pabalik. Nakatingin lang sya sa'kin ng seryoso.

"Your skin is ice cold." nakakunot noo niyang sabi habang nakatingin sa braso kong hawak niya na ngayon ay bahagya pa ring nanginginig.

"N-nilalamig kasi ako saka medyo ni-nerbyos din ako sa sobrang bilis ng pagpapatakbo mo sa sasakyan. A-akala ko katapusan ko na" nakanguso kong sagot.

Narinig ko ang pag buntong hininga niya at nagulat ako nang bigla na lang n'yang hinubad ang kaniyang suot na jacket saka ipinatong sa ulo ko! Iniisip n'ya bang mapapawi nito ang ginaw na nararamdaman ko? Nakalimutan n'ya bang basa rin itong jacket n'ya? Pero nakatulong din naman 'yon laban sa ihip ng pang gabing hangin kaya kahit papaano ay naibsan ang lamig.

"Maraming salamat, pero hindi naman na kailangan—"

"Do you fuckin even realise your dress is all wet, and it's kind of making your body visible to everyone?!" inis niyang sabi na ikinalaki ng mga mata ko!

Bakit ba hindi ko 'yon naisip?!

Napatingin ako sa suot ko at gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa matinding hiya nang makitang halos nakabilad na nga ang kayawan ko! Mabilis kong isinuot ang kaniyang jacket at dahil matangkad siya kaya umabot ito sa gitna ng mga hita ko.

Tumingin ako sa kan'ya at nakahinga ako ng maluwag nang hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingala lamang siya at hinihilot ang kaniyang noo. Hindi alintana ang mahinang patak ng ulan.

"Uhm..."

"Let's go," maawtoridad niyang sabi saka diretsong naglakad tungo sa loob ng gusali.

Rebellious Boys #1: She's the Gangster's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon