Chapter-2

1.1K 453 37
                                    

"Huwaaaggg!" malakas kong sigaw nang nakita kong binunot nung isang lalaking nakahandusay kanina ang baril at itinutok iyon sa lalaking nag ligtas sa lahat ng pasahero sa bus kanina.

Parang nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko dahil namalayan ko na lang na tumakbo na pala ako palapit sa kan'ya sa kabila ng matinding kaba at panginginig ng katawan at bago ko pa man naisip ang tamang gawin ay nakayakap na ako sa kan'ya. Naramdaman ko pa ang bahagyang paninigas ng kaniyang katawan saka ko iniyapos ang aking mga braso sa kaniyang leeg at dahil masyado s'yang matangkad ay mistula na rin akong nakalambitin sa kan'ya.

Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata nang makarinig ako ng isang malakas na putok ng baril  at inaasahan kong tatama iyong sa 'kin kaya kaagad kong pinakiramdaman ang aking sarili pero ilang segundo na yata ang lumipas ay wala akong kahit anong naramdamang kakaiba sa aking katawan kaya dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata at ganoon na lang  ang pagsinghap ko nang nakita kong ga-hibla na lang ang pagitan ng mukha namin ng lalaki at hindi ko rin napigilan ang pag awang ng aking mga labi nang makasalubong ko ng tingin ang kaniyang mga matang may kakaiba at magang kulay.

Sa kapiranggot na liwanag ay tila ba kumikinang ang kulay pilak niyang mga mata.

Nakatigin lang siya ng direkta sa mga mata ko at bakas din sa  kaniyang mukha ang pagkagulat sa ginawa ko pero unti unti ring naglaho ang gulat na iyon. Nagsalubong ang kaniyang mga mata habang mariing nakatingin sa akin at kung hindi pa sumipol ang isa sa mga kasamahan niya ay hindi pa yata ako makakabitaw mula sa pagkakayakap sa kaniya. Saka ko lang kasi naalalang iniharang ko pala ang sarili sa kan'ya dahil naisip kong babarilin siya no'ng lalaki! At nang maalala 'yon ay agad agad kong sinuri ang buo kong katawan. Nakahinga man ako ng maluwag dahil wala akong anumang butas sa katawan gawa ng bala ay agad din akong nagtaka kung paanong nakaligtas ako.

"Woah! That was close!"

Napalingon ako sa direksyon ng nagsalita at nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa tabi noong lalaking nakahandusay at may hawak na baril. Bahagya pa niyang sinipa sipa ang kamay nito, siguro'y tinitignan niya kung buhay pa ba ito. At nang matamaan siya ng kapiranggot na liwanag ay saka ko naaninag na kulay asul ang kaniyang buhok. Nakangisi s'ya habang hinihipan ang hawak n'yang baril na umuusok pa ang dulo at dahil do'n ay biglang pumasok sa isip ko na maaring binaril niya iyong lalaki at 'yon ang narinig ko kanina na inakala kong siyang tatapos sa akin! Dahil do'n ay agad kong tinignan ang lalaking nakahandusay sa paanna niya at malakas akong napasinghap nang makita kong nakabulagta na ulit ito habang may umaagos na likido mula sa kaniyang ulo. Hindi gaanong nasisinagan ng liwanag ang bandang ibaba kaya madilim pero sigurado dugo ang likidong gumagapang sa sahig mula sa ulo ng lalaking nakahandusay na nasisigurado kong wala ng buhay.

Napaupo na lang ako sa sahig nang tuluyan na ngang bumigay ang mga tuhod ko. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Alam kong kung hindi naunahan ng lalaking may asul na buhok itong lalaking nakabulagta ay malamang ako ang nasa ganiyang sitwasyon ngayon. Ayoko namang mangyari 'yon kahit pa sabihin maaring gano'n nga ang maging kahinatnan ng katangahang aking ginawa pero hindi rin kayang i proseso ng isipan ko na ang taong maaring tumapos sa buhay ko ilang minuto lang ang nakalipas ay heto't walang buhay ng nakahandusay sa lapag.

Hindi ko alam kung paano kong tatanggapin na naging saksi ako sa isang krimen! Isang pag patay! Hindi ko man nasaksihan ang mismong pag baril sa kan'ya pero pakiramdam ko pa rin ay naging saksi ako ng isang pag patay!

"Ang lakas ng loob mong iharang ang sarili mo gayong takot ka naman pala"

Mabilis kong naibaling ang aking tingin sa lalaking may magagandang pares ng mata. Nakatingin lang din s'ya sa akin habang magkasalubong na magkasalubong ang mga kilay.

Rebellious Boys #1: She's the Gangster's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon