Chapter-1

1.9K 481 61
                                    

Mahigpit ang yakap ko sa aking dalang malaking bag na naglalaman ng mga gamit ko habang nakikipag sabayang maglakad sa iba.

Galing pa ako sa probinsya namin at nagpunta lang naman ako dito sa siyudad para pumasok bilang katulong do'n sa pinagta trabahuan ng nanay ko. Hindi naman kasi marangya ang buhay namin sa probinsya kaya kailangan kong tumulong sa pamilya ko at kailangan ko ring maka ipon para naman sa aking pag aaral.

Sobrang layo ng probinsya dito sa siyuad kaya nakatulog ako sa byahe at nang magising ako, saka ko lang napagtango na lumampas na pala ako sa aking distinasyon, kaya sobrang nagmamadali akong bumaba at nakisiksik sa ibang mga pasahero pababa. Nang tuluyan na akong nakababa ay saka ko lang din na napagtantong naiwala ko na pala iyong cellphone ko! Gusto kong maiyak kasi pinag ipunan ko rin 'yong tig three hundred pesos na cellphone na s'yang una kong binili nang magkaro'n ako ng sapat na pera. Halos mag panic na nga ako dahil wala akong alam sa lugar na 'to at ang tanging cellphone lang na 'yon ang pag asa ko sana para ma contact si nanay. Pero alam ko ring hindi ito ang talang oras para pairalin ko ang kaba. Ang lubos kong kailangan ngayon ay kakayahang makapag isip ng maayos.

Huminga ako ng malalim saka sinimulang mag tanong tanong at nalaman kong sobrang layo na pala ng lugar na 'to sa dapat kong puntahan! Dalawang oras at kalahati na byahe sakay ng bus.

At ngayon hindi ko na alam kung paano ako makakarating doon sa pupuntahan ko  gayong sapat na lang  pang kain ang natitira sa  pera ko.

Nahinto ako sa tapat ng isang karenderya at bigla na lang akong nakaramdam ng gutom nang maamoy ko ang mabangong ulam saka ko lang din naalalang kaninang umaga pa pala ako kumain. Hindi rin naman kasi ako nabusog sa pinabaong dalawang saging sa akin ng tatay na kinain ko kanina sa bus.

Napabuntong hininga na lang ako bago tumuloy sa paglalakad. Kulang na ngang pamasahe itong pera ko at kapag gagastos pa ako ay baka hindi na talaga ako makarating do'n sa pupuntahan ko. Pupunta na lang muna siguro ako bus station saka kaya ko pa namang tiisin itong gutom ko. Ang mahalaga ngayon ay makaalis na ako saka tiyak namang papakainin ako ni nanay pagdating ko.

Napili kong maupo sa likurang bahagi ng waiting area habang tahimik na pinagmamasdan ang mga galaw ng mga tao sa paligid ko. Mga bata, matatanda, mag asawa, grupo ng mga kaedaran ko, isang buong pamilya, at meron ding katulad ko na mag isa lang. Iginala ko naman ang mga mata ko sa matatayog na gusali at iba pang infrastructura sa paligid. Nakakapanibago talaga ang syudad. Nakakalula ang mga nagtataasang gusali na tila ba nag uunahang abutin ang matayog na langit at nakakalunod din ang dagat ng mga tao; ibang iba sa probinsya na tanging puno at mga bukirin lang ang makikita mo. Masyado ding mainit at mausok ang paligid at ilang beses na rin akong napaubo dahil magaspang ang hagod ng hangin sa aking lalamunan.

Humigpit ang yakap ko sa aking bag dahil ngayon lang yata talaga nag sink in sa utak ko na ibang iba ang mundong kinalalagyan ko ngayon sa mundong nakagisnan ko. Hindi ko rin mapigilan ang pag usbong ng takot sa aking dibdib lalo pa't wala naman akong kilala dito. Mas lalo tuloy tumindi ang kagustuhan kong makita na si nanay.

Tumayo ako kaagad nang dumating na ang bus na babyahe papunta roon sa destinasyon ko dapat kaya kahit hindi ako sanay ay pinilit ko pa ring makipag sabayan sa ibang pasahero. Ilang beses din akong natulak, naapakan, at minsan pa nga'y halos daganan na ako ng mga taong nagmamadali at nakikipag unahan sa isa't isa.

Nagkagitgitan pa kaya ilang beses akong muntik na sumubsob sa sahig, buti na lang talaga at agad akong nakakahawak. Naka hinga lang ako ng maluwag nang tuluyan na akong nakapasok sa loob ng bus. Pinili ko ulit ang pwesto sa likuran, sa tabi ng bintana. Saktong pag upo ko ay ang pag dating din ng makakatabi ko. Umupo din s'ya at niyakap din 'yong bag n'yang kulay itim.

Rebellious Boys #1: She's the Gangster's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon