Alexus 80: Hear Me

564 50 38
                                    

Shana's POV

"Do you feel better now?"

"I think so. Maraming salamat talaga, Shanaaa!" Rinig kong humihikbi siya sa kabilang linya kaya bumuntong-hininga ako.

"Don't worry about anything. Just rest." Pinatay ko na ang tawag at naghilamos ng mukha.

Last week ay nakaalis na si Manchu sa Pilipinas. Marami akong pinadalang tauhan para bantayan siya at pinaiwan ko muna si Zeus dito para hindi malaman ng Alexus kung saan pupunta si Manchu. Maayos naman silang dalawa ng baby niya at masakit lang siguro na parte ro'n ay inilayo ko siya kay Zeus. Nabalitaan ko na ayaw niyang humiwalay kay Zeus at muntik nang magkagulo sa airport.

Parang gusto kong magka-anak.

Umiling ako at patingin-tingin ako sa salamin habang binubutones ko ang suot kong polo. Nakatanggap ako ng tawag galing kay Kaya at pinapapunta niya ako sa mansion niya. Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa akin dahil ilang linggo na rin simula no'ng pinahinto niya muna ang work room kaya matagal-tagal din kaming hindi nagkita.

Bumuntong-hininga ako bago lumabas sa bathroom at nakita ko si Gab na nag-aayos ng mga gamit niya.

"Ready?" Tanong ko kay Gab na inilagay ang bag sa likod niya.

Tumango-tango naman siya at sumilay ang ngiti sa labi niya. "Opo."

Ngayon na lang ulit siya makakapasok sa university kaya ramdam ko ang excitement niya at abot tainga pa ang ngiti niya.

Lumabas na kami ng unit at kinuha ko ang handle loop ng suot niyang bag.

"M-Miss Shana?"

"Ako na ang magbubuhat. Ayokong nahihirapan ka."

Umiwas siya nang tingin sa akin na animo'y nagdadalawang-isip pa siya pero ibinigay niya rin sa akin pagkatapos. Nilagay ko sa balikat ko 'yong bag at pumasok na kami sa elevator.

"Kasama mo sina Yohan at Shaw papuntang university."

"H-Hindi ka po kasama?"

"Kailangan ako ngayon ni Kaya." Nakangiti kong sagot sa kanya. "Susunduin kita after your class later."

"Sige po. Mag-iingat ka po."

"Hindi mo ba sasabihin na, 'Kailangan din kita, Miss Shana'?" Nakita ko ang pamumula ng mukha niya kaya mahina akong tumawa. "Ikaw rin." Hinalikan ko siya sa noo bago bumukas ang elevator at tumambad sa amin ang mga kotseng nakaparada.

Nasa parking lot na kami at binati kaagad kami nina Yohan at Shaw pagkalabas namin. Tumango lang ako at inabot kay Shaw ang bag ni Gab.

"Pinapatawag ako sa mansion. Ingat kayo."

"Ingat ka rin po, Bossing. Huwag pong kakalimutan ang mask!" Masayang paalala ni Yohan.

"I need to go." Matalim kong tinignan si Shaw na tumango-tango.

Sumakay na sila sa kotse kaya kinuha ko ang susi na nasa bulsa ko. Sumakay ako sa kotse na naka-park sa harap ng gagamitin nilang sasakyan. Sinuot ko ang mask at tinalian ang buhok ko. Gusto ko pa namang pumasok ngayon sa university para palagi kong makita si Gab. Ang malas naman ng araw na 'to.

Umalis na ang kotse nila kaya sumunod ako. Hindi ko na sila nakita no'ng nag-shortcut si Shaw dahil sa lagay ng traffic. Hindi rin naman ako natagalan at nakarating din ng mansion. Ngayon na lang ulit ako umalis na hindi kasama si Gab kaya miss na miss ko na kaagad siya.

Pinagbuksan ako ng mga Tree ni Kaya. Walang masyadong Tree ngayon na sa tingin ko ay pinaghahanap pa rin si Manchu. Binabalitaan din ako minsan ni Zeus tungkol sa kanya pero palaging, "Oras-oras po siyang umiiyak, Bossing. Hindi ko raw po siya mahal."

The Alexus: The Present (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon