Alexus 42: Introduction

5.9K 100 14
                                    

Note: Click on my profile. Find The Alexus: The Past before reading this.

-----

Azel's POV

"Yes, because your boss will be Shana Casabae."

Napanganga ako.

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko dahil sa pangalang binanggit ni Miss Zoe. Para bang may sinabi siya na ikamamatay ko ngayon na. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kahit magisip, hindi ko magawa.

Si Shana Casabae, magiging boss ko? Hindi ko nga maisip na kailangan pa pala ng assistant ni Shana Casabae kasi ang dami niya namang tauhan.

At bakit ako pa?

"Based on your expression, nagtataka ka kung bakit kailangan pa ng assistant ni Shana even na ang dami niyang tauhan?"

Tumango ako dahil hindi ako makapagsalita. Gulat na gulat pa rin ako sa sinabi niya.

Isang babaeng sobrang sikat sa buong mundo, paglilingkuran ko? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Nawawala na ata ang isip ko!

Pinaikot-ikot niya 'yung upuan niya. Pagkatapos ng ilang ikot, huminto na siya at ngumiti. Isang nakakatakot na ngiti na hindi ko pa nakikita sa kanya. Parang mangangain siya.

Napaatras ako ng kaunti no'ng sumandal siya. Lumungkot ang mga mata niya at naging seryoso ang mukha niya.

"She needs someone's help. Hindi namin siya matutulungan dahil busy rin kami." Tumingin siya sa mata ko, iiwas sana ako kaso nagsalita ulit siya. "Hindi namin siya mahawakan pagkatapos lahat ng nangyari. Kaya intindihin mo siya kung anong ugaling ipapakita niya."

"A-Ano po bang nangyari?" Tanong ko sa kanya pero umiwas siya ng tingin.

"Don't ask me about it." May kinuha na naman siyang folder. "Sign this. Hindi strict ang mga rules na nakasulat. Three rules would be enough."

Gusto kong ngumiti dahil hindi naman pala sila strict. Ang alam ko kasi sa mga katulad nila, strict ang mga rules dahil mayayaman sila. Bawal mapasukan ng magnanakaw.

Binuksan ko ang gold folder na ibinigay niya. Yung kanina, violet folder. Tinignan ko 'yung desk niya at ang daming iba't ibang kulay ng folders ang nando'n. May color coding ba sila sa folder?

"1. A six-month contract."

Basa ko at tumingin sa kanya. Nakayuko lang siya pero halatang nakikinig sa 'kin.

"A six-month contract would be good. You can renew your contract if possible if you need money for an emergency."

"Okay po."

Binasa ko 'yung pangalawa.

"2. You are required to have a dorm at Hillford University."

Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Bakit kailangan ko pa ng dorm dito?!

"You know Shana Casabae is a high-profile professional designer and photographer. She handled Rai's Talent Agency. Gusto niya pag naghanap siya sa 'yo, malapit lang."

Lumunok ako. "Pero mas malapit po ang condo niya sa bahay ko po."

Tumaas ang kilay niya sa 'kin kaya natahimik ako. "Sikat sa buong mundo si Shana Casabae. Mapabata o matanda, kilala siya dahil may commercials din siya. Wala siyang freedom pero nakadepende sa kanya kung anong gagawin niya para maging malaya."

"'Yung pamilya ko po..."

"I already talked to your mother yesterday. Ayaw niya sana but I offered a small sum of money."

The Alexus: The Present (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon