Alexus 72: Personalities

1.6K 60 27
                                    

Azel's POV

"Kahit ako'y titibo-tibo~ Puso ko ay titibok-tibok pa rin sayo~ Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan~" Kanta ni Miss Shana-- Shan habang nagda-drive ng kotse.

Medyo kinakabahan pa ako dahil ang bilis niyang mag-drive. Parang sanay na sanay siya at nakikipaglaro ng karera noon.

"Ay, Gabby, kapag hinalikan mo ba ako, tatablan kaya ako?" Tanong niya sa akin kaya napalunok ako.

"H-hindi ko po alam."

Tinignan ko siya at naabutan ko siyang nakanguso. "Masyado naman atang malaswa yong tanong ko."

"O-opo?"

"Talaga?" Namamangha niyang sabi. "Malaswa pala yon. Sige, ibahin ko na lang."

"P-po?"

"Kapag ba ang aking pagkababae ay nabubuhayan, ito ba ay parang bulaklak na namumukadkad?"

"H-ha?"

"Slow." Ngumuso ulit siya. "Ilang beses ka ba ipinanganak at bakit hindi mo ako maintindihan, ha?"

"Isang beses po."

"Hayun naman pala!" Umikot ang mga mata niya. Ngayon ko lang napansin na bagay sa kanya ang violet eyes.

"Bakit po, Miss--"

"Shan lang ang itawag mo sa akin. Walang Miss o kahit ano mang pangalan na maidudugtong sa aking pangalan."

"O-okay po."

"Saka huwag ka na mag-'po'. Mas matanda ka siguro kesa sa akin."

"P-po?"

"Twelve years old lang ako kaya kalma ka lang sa pagsasalita."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Bakit ka po nagda-drive?!"

"Sabi nang tanggalin yang 'po' na yan." Masungit niyang sabi. "Eh, ano naman ngayon? Ikamamatay ko ba yon?"

"Pero bawal po-- ibig kong sabihin, bawal sa mga bata ang mag-drive kapag hindi pa sila 18 years old!" Singhal ko.

Akala ko masisindak siya sa sinabi ko pero tinawanan niya lang ako. "Ilang buhay na ang nakuha ko tapos sa pagda-drive, matatakot ako?"

Buhay?

"Hindi kita maintindihan..."

"Mukhang wala ka pa nga atang alam." Umiling siya at pinindot ng matagal ang busina na nagpa-ingay sa buong paligid.

Nandito na pala kami.

"Ano ba yan! Ang tagal naman!" Reklamo niya at mukhang naiinip na.

"B-baka busy--"

"Sigurado ka?" Paninigurado niya habang may ngisi na naglalaro sa labi niya.

"Op---"

Bumusina ulit siya pero ngayon, may beat naman. Yon bang may sinasabayan siyang beat ng kanta at ginagawa niyang drum ang busina.

Nagulat na lang ako dahil sa isang iglap, bumukas kaagad yong gate at may apat na taong umaalalay sa gate. Mukhang mga pagod na pagod pa.

"Mabuti yan. Ayoko talaga nang matagal kumilos." Ani Shan.

Pinasok niya na ang kotse at kahit ang daming Tree na nakakalat, walang tumangkang lumapit sa kotse ni Miss Shana.

"Kabisado talaga ako ng mga to."

"H-ha?"

Bigla na lang sumink-in lahat sa utak ko ang mga nangyayari ngayon.

"P-paano mo nalaman dito?!" Nagpa-panic kong tanong.

The Alexus: The Present (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon