Alexus 75: 4th Floor

745 55 19
                                    

Azel's POV

"Nash?" Tawag ko sa babaeng may berdeng mga mata. "Kung gusto mong magtapon ng papel, mayro'n namang basurahan. Kukunin ko ba?"

Sinamaan niya ako ng tingin at nagpatuloy sa pagsusulat. Kanina pa siya nagsusulat sa sofa tapos itatapon niya lang naman 'yong maliit na papel.

"Ang sabi mo maganda 'yong mga tula ko, bakit parang ayaw mo na?"

Bumuntong-hininga ako at inabot sa kanya ang juice. "Hindi ka pa natutulog simula no'ng makabalik tayo rito."

"Ayoko." Masungit niyang sabi.

"Bakit naman?"

Hindi niya ako kinibo at patuloy lang sa pagsusulat sabay itatapon niya lang sa ere. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. No'ng isang gabi ko pa nakakausap si Nash. Walang signs nina Miss Shana at Shan.

Humikab siya pero hindi niya pinansin 'yon. Kanina niya pa nilalabanan 'yong antok niya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ayaw niyang matulog. Naka-ilang idlip na ako pero gising na gising pa rin siya hanggang sa tumirik na 'yong araw.

"Wala bang tawag si Secretary ni Shana?"

"Wala po." Sagot ko.

"O baka naman ayaw niyang---"

"Hindi ka po magtatrabaho hangga't hindi ka po natutulog." Sambit ko at humikab ulit siya.

"Ah... Taste your..." Nagsulat ulit siya at hindi ako pinansin.

Kagabi pa siya ganyan sa tuwing pinapatulog ko siya. Ayaw na ayaw niyang ipaalala ko dahil inaantok siya sa tuwing naririnig niya ang salitang tulog. Para bang magic word 'yon para makatulog siya. Hindi ko naman maasar dahil baka sa labas niya ako patulugin.

Kinuha ko ang notes ko sa kuwarto para ma-refresh 'yong utak ko sa next exam. Palagi na akong online classes ngayon sa tuwing hindi ako nakakapasok ng isang linggo o isang buwan. Alam naman ni Miss Zoe ang dahilan kaya kinumbinsi niya ang mga professors ko. Nakakahiya pero hindi ko naman puwedeng bitawan ang trabaho ko.

"Ah!" Napahawak si Nash sa ulo niya. "The f*ck!"

"Nash!" Lumapit ako sa kanya pero tinaas niya 'yong kamay niya na para bang sinasabi niya na huwag akong lumapit.

"I can handle this. D-don't worry." Hawak niya pa rin ang ulo niya at iniinda ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Wala akong magawa para mawala 'yong sakit dahil hindi niya naman ako doktor. Hindi ko na kayang makita na nagkakaganito si Miss Shana dahil sa sakit niya. Nasasaktan na ako ng sobra.

Mayamaya ay kumalma na si Nash pero nakasandal lang sa upuan at nakapikit. Kumuha ako ng tubig at nilapag sa lamesang nasa harapan niya.

"U-uminom ka muna."

"I want to sleep." Tinignan niya ako at ngumisi. "Inaantok na talaga ako."

"Gusto mo po bang ayusin ko 'yong kama?"

"No. Stay here."

Umalis na si Nash sa harapan ko na may dalang maliit na papel at pumasok na sa kuwarto. Ibang-iba talaga siya kay Miss Shana. Naalala ko tuloy no'ng una kong nakita si Miss Shana. Masyadong masungit.

Humikab ako at inayos ko ang mga nakakalat na papel. Hindi lang puro tula ang ginawa niya, nag-drawing din siya ng night sky pero iba't ibang lugar. May nasa bubong 'yong tao, kalsada, coffee shop at kung saan-saan pa. Ito siguro 'yong mga naiisip niya.

Itinabi ko ang plastik dahil baka kailangan niya pa 'to at baka hanapin niya rin sa akin. Ngunit bago ko pa mailapag sa cabinet ay may narinig akong sigaw.

The Alexus: The Present (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon