Alexus 72.5: Personalities

2.5K 83 105
                                    

Azel's POV

Nagising ako nong may naamoy akong nagpakalam ng sikmura ko. Tinignan ko kung may tao sa tabi ko ngunit wala akong nakita bukod sa cellphone. Naiwan siguro ni Miss Shana.

Dahan-dahan akong bumangon at tatayo na sana nong may paa sa harap ng paa ko kaya napaatras ako dahil sa gulat.

"Kalma ka lang. Baka matapon pa tong pinaghirapan kong kunin." Dinig kong sabi ni Miss Shana at medyo natatawa pa kaya tinignan ko siya.

Dyosa pa rin at parang hindi galing sa tulog ang mukha niya. Masyado siyang energetic ayon na rin sa ipinapakita niyang kilos. Sa tingin ko nakapagpahinga na siya.

"P-po?"

"Wala." Tumawa ulit siya na para bang nawawala ang mga mata niya. "Anyway, may pasok ka ba bukas o sa mga susunod na araw?"

"Bakit mo po natanong?" Tanong ko.

"Remember? We'll go somewhere."

Tumango-tango ako kahit nahihiya akong tinignan siya. "Saan po ba yon? Saka wala naman po."

"Good." Ngumiti siya. Hindi man lang niya inabalang sagutin ang una kong tanong.

Sumenyas siya na sumunod ako sa kanya kaya dali-dali naman akong sumunod kahit naaalala ko pa yong mga sinabi niya kanina.

Nakakabaliw siya. Pakiramdam ko ako ang may sakit sa aming dalawa. Pero ayos na kaya siya? Parang wala lang sa kanya yong nangyari kanina, samantalang yong mga kaibigan niya ay nag-aalala na. Bakit kaya parang ganon-ganon na lang sa kanya yon? Hindi ba siya nag-aalala sa sarili niya? Nakakatakot man pero hindi ko yon maramdaman dahil pakiramdam ko walang mangyayaring masama kapag kasama ko siya.

Pumasok siya sa isang glass door kaya sumunod ako. Dining area pala to ng kuwarto ni Miss Shana. Sa tingin ko nga bahay na to at hindi na kuwarto, eh. Malaki at pang-mayaman talaga ang disenyo dahil kahit kaunti lang ang gamit ay maganda pa ring tignan. Parang isang condo unit lang ngunit mas malaki ito.

Nilapag niya ang tray sa lamesa at umupo na ron. Kahit ang gulo ng buhok niya, ang ganda niya pa rin talaga.

"Come here, Gab. I'm hungry." Ngumuso siya ng kaunti kaya bumungisngis ako. Ang sarap niyang tignan.

"What the? I'm hungry!" Bulyaw niya.

"Sabi ko nga po." Ngumiti ako ng kaunti dahil sa ipinapakita niyang kilos.

Sumunod na ako at umupo sa tapat niya. Nilagay na niya ang dapat na ilagay at siya na rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Napapalunok pa ako dahil sobrang dami niyang inilagay kumpara sa kanya na pagkain lang ata ng bata yon.

"You need to eat this meal for you to get fat." Sabi ni Miss Shana.

"Hindi naman po ako payat." Kasi sexy po ako, yan ang gusto kong idugtong.

"I know pero mas bagay sayo kapag na-perfect mo yong hugis ng mukha na na-i-imagine ko sayo."

"Ano pong hugis?"

"Pang... maganda." Sabi niya, at saka kumain.

Uminit ang mukha ko at kumain na lang din. Hayan na naman siya sa mga banat niya. Hindi ko na talaga siya maintindihan.

Kinuhaan niya ako ng tubig pagkatapos niya at nagpasalamat naman ako. Buti na lang hindi siya masyadong sweet ngayon kumpara kanina na halos hindi na ako makahinga. Halos kunin na niya lahat ng oxygen sa loob ng kuwarto kung magpakilig.

"Sa labas lang ako." Ani Miss Shana.

Tumango lang ako bilang sagot pero nagulat ako nong nag-iwan siya ng halik sa ulo ko bago lumabas. Nilagay ko sa dibdib ko yong palad ko dahil gusto nang kumawala ng puso ko.

The Alexus: The Present (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon