Alexus 60: Tweet, Tweet!

975 58 7
                                    

Zoe's POV

"Pag-ibig? Ano nga ba ang pag-ibig?" Tanong nung lalaki sa pinapanood ko.

"Ano nga ba yon?" I asked myself. "So cliché."

"Walang depinisyon ang salitang pag-ibig. Tayo lang ang nagbibigay ng kahulugan nito ayon sa pananaw natin."

I sarcastically laughed. "Really? What if I say, love is in the air? Hmp. As if namang may sasagot sakin."

I rolled my eyes and looked outside, looking at the whole place. Nasa isang restaurant ako at pumwesto ako sa glass wall para makita ang ganda ng Japan. Okay na sana yong place kaso hindi kami magkaintindihan ng mga tao. Hmp.

Biglang pumasok sa isip ko ang kahusayan ni Shana kanina sa laban. Ang galing niya talaga. Kung nandito lang siguro si Fiona, siguradong magiging proud yon. Nakakapagtaka lang kasi talaga kung bakit niya kami iniwan.

Bakit nga ba?

Nakita kong naglalaro ang mga Tree ni Wine ng habol-habulan. They are handsome for real. Mas lalo atang gumwapo ngayon si Warren na nakikipagtawanan.

Para silang mga batang tumatakbo at kanina pa tawa nang tawa ang mga tao sa kanila. Yong ibang estudyante naman kung makatingin sa kanila parang may planong rape-in sila mamaya, eh.

Tinitigan ko lang ang mga galaw ni Warren na parang bata. Bisexual ako pero mas na-a-attract ako ng sobra sa mga boys. Wala naman kasing nagkakagusto sa aking babae. Ni hindi nga nila nahahalata na bisexual ako.

Bumuntong hininga ako at sumandal sa upuan. Hindi madali pasukin ang isang relasyon---

"...dahil maraming taong natatakot sumugal at natatakot din silang masira ang kanilang pangalan."

Napatingin ako sa laptop na nakabukas sa harap ko at nandoon pa rin pala yong pinapanood ko. Tungkol sa pag-ibig.

"Kung natutuwa ka sa tuwing nakikita mo siya, paniguradong hahantong yan sa 'gusto ko na siya'."

Tumingin ako sa labas at tinitigan ko ulit si Warren. Natawa ako nang mahina nong natapilok siya. Hindi nag-iingat.

"Kung masaya ka sa tuwing pinapanood mo siya, parang iba na yan."

Napakagat labi ako nong nakita ko siyang tumawa. Sobrang gwapo niya. Gustong-gusto ko siyang kausapin pero nahihiya ako. Baka kasi ayaw niya sa akin.

"Kung gusto mo na siyang maging sayo, mahal mo na siya panigurado."

Napatingin ako sa screen at natulala hanggang sa matapos yong video. Hindi ko in-e-expect na ganon yong sasabihin nong lalaki.

Mahal ko na nga ba siya?

Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib at tumingin kay Warren. Normal heartbeat lang naman ang nararamdaman ko pero natutuwa ako sa tuwing nakikita siya.

Baka naman gusto ko lang siya?

"Ha-ha. Crazy, Zoe." Sabi ko sa sarili.

Biglang umilaw yong screen ng phone ko kaya kinuha ko kaagad yon. Kumunot ang noo ko sa na-receive kong text.

"Hi, Miss Zoe! Kamusta?" Basa ko.

Who is...

"Who the hell are you?" I replied.

Wala pang isang minuto, nag-reply kaagad siya. "Black of The Rule. Naaalala mo pa ba ako?"

"Friend of Fire? Faye Trinidad?" I asked.

"Yes. Ilang araw na akong nagte-text sayo pero parang hindi mo naman sini-save yong number ko."

Umirap ako sa reply ni Black--- Bianca Gomez. Member of The Rule. Nakasama na namin sila sa isang battle pero nasa stage pa lang kami ng practice non.

The Alexus: The Present (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon