63. Fallen Inamorato

Start from the beginning
                                    

Napakawirdo na sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Nag-check na lang ako ng phone pang-misdirect lang ng awkward silence kahit may kanta naman sa kotse.

May social media accounts ako pero hindi ko kasi talaga ginagamit maliban sa IG. May account pero useless din kung minsan. Instagram lang talaga ang madalas kong tambayan since doon ako nakakapag-promote ng Purple Plate. Gusto ko talagang ipagmayabang na IG-worthy ang café ko.

Pagbukas na pagbukas ko, post agad ni Calvin ang bumungad sa akin. Picture naming dalawa, yung naka-wedding gown ako at naka-casual formal siya. Ang caption:

I hope my bride would be as pretty as Jaesie. Best wishes, @JSRosenthal @RonieD ❤️❤️

Masaya rin kami ni Calvin doon sa photo naming dalawa sa "friendzone" album ko pero hindi kasing saya ng kung ang nakikita ko sa photo ngayon. Yakap din naman niya ako roon as fling, pero dito sa photo, yakap niya ako as a part ng barkada na. Since Calvin was famous enough to have a hundred thousand followers, after a few hours, hindi na ako nagtaka kung bakit tinadtad na iyon ng libong likes. And the comments were like:

"Akala ko, kinasal ka na haha"

"Jaesie? Ex 'yan ni Pat, di ba?"

"Kasal na sila ni Pat?"

"Ay, si Ronie?"

"Si Ronie?"

"SI RONIEEEE?"

"Best wishes, dude!"

Nabigla ako sa comments kaya hindi ko na itinuloy. May notification na naka-mention na naman ako. IG ni Will. Yung pareho kaming nagfe-flex ng mga muscle namin. Siya meron; ako, kunwaring meron habang hawak ko ang bouquet ko.

Ang caption: "I'm still the best for her. #TheQueenHasSpoken Best wishes, dude @RonieD. Ingatan mo 'to. Kapag 'to nakawala sayo, maraming sasalo rito hahaha. @JSRosenthal kapag inaway ka ng asawa mo, sumbong mo agad sakin. Hahampasin natin yan ng sampung barbell.

Hindi ko kukuwestiyunin ang pagiging sikat ni Will since ang dami talaga niyang client as a gym instructor at fitness expert. Pero grabe, makikipaglaban yata ang likes ng post niya kay Calvin. Hindi ako exposed sa dimension ni Will kaya puro positive vibes ang nababasa ko. Good friends naman kasi kami at hindi kami yung show off as flings before.

The next mention was from Leo. And he really is a nice man kasi ang post niya sa IG ay ang photo naming dalawa na naka-collate with photo nila ni Rico. At ang sweet ng caption niya, in all fairness to him: "Always knew you two had something special . . ."

Akala ko, sa caption ang mention, pero nasa comment pala.

@LeoTheLion: @JSRosenthal wala nang magsasapakan dahil sayo haha diba @RonieD @PatLauchengco

@SupermanIsMe: Di mo sure, @LeoTheLion haha

At bakit naman magsasapakan ang dalawang 'to? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila. At saka ang tagal na naming wala ni Patrick. Saka kailan lang kami naging kami ni Rico.

Pero naalala ko ang pinanonood na video last time ni Rico na naabutan ko. Last year lang 'yon. Wala na kami ni Patrick, at wala pa kami ni Rico. Ano 'yon? Nagsasapakan sila dahil sa akin nang hindi ko alam?

Yung post, kanina pang hapon. Nitong gabi lang, halos magsapakan din naman sila dahil sa akin. Ano'ng problema nilang dalawa?

Walang photo ko si Clark kahit na siya ang may pinakamaraming selfie kasama ko kanina. Ang nakita ko lang na photo na uploaded niya ay 'yong picture nila ni Rico at may caption na: "Presenting: Ang sumira ng diskarte ko. Daddy Rico the KJ . . ."

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now