35. Beautiful Dilemma

3.3K 191 17
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


RICO WAS persistent in not telling me about his toy museum. I even threatened him na tatanggi ako sa wedding o ako mismo ang susugod sa Ivory Meadows, but he just shrugged it off and didn't utter any positive responses. Hindi talaga siya matinag.

Hinatid niya ako sa Purple Plate. Naggalit-galitan ako. Hindi naman siya galit, but he told me na kapag ready na siya to show me that place, he would tell me right away. That was all, and he left for his lunch meeting nang 12:30 sa Alabang.

Pinagbintangan ko pa siya ng kung ano-ano, na baka may binabahay siyang babae roon or what, but he just gave me that look na nagtatanong kung maniniwala ba ako sa mismong paratang ko. Hindi naman daw siya nagsisinungaling. Ang natanggap ko lang na kakaibang paliwanag ay kung maingat ako sa recipe ko sa Purple Plate, ganoon din siya sa toy museum niya.

Well, may recipe kasi talaga ako sa Purple Plate na hindi ko talaga ibinigay sa kanya dahil ako lang ang puwedeng magluto n'on, kaya hindi na ako namilit pa nang ikatwiran niya 'yon. Nirespeto niya ang tungkol sa panig ko kaya sana raw, ganoon din ako sa kanya.

Puwede ko naman siyang dalawin sa Ivory Meadows, sa totoo lang. Kaso mahigpit ang security roon. Kailangan ko muna siyang tawagan para lang makapasok ako. That place is exclusive, at katakot-takot na interrogation ang aabutin ko sa entrance pa lang ng village. He said nasa P. Rod siya natutulog at nakatira. Hindi ko lang alam kung bakit duda ako na panay ang sabi niya sa Ivory Meadows kung nasa P. Rod lang pala siya. Or could be, aware kasi siyang walang makakapasok na hampaslupa sa Ivory kaya 'yon ang binabanggit niya. Kompara nga naman sa P. Rod na kahit bibili lang ako ng chips sa tindahan, puwede ko siyang daanan.

Naubos tuloy ang araw ko kaiisip kung ano ba ang meron sa toy museum niya maliban sa laruan.

Sayang dahil wala si Melanie ngayong araw. Tinawagan ko na lang para may makausap akong kaya akong gisingin sa kahibangan ko.

"Ang bilis mo naman akong ma-miss!" bungad na bungad niya, wala man lang hi-hello.

"Mel, tanong lang."

"Whoa, mukhang seryoso, a. Game. What?"

Nagbuntonghininga muna ako bago itinulak-tulak ng sign pen ang unang page ng binabasa kong inventory report.

"Do you find Rico weird?"

"Mr. Dardenne?"

"Yeah."

"Well . . ." I heard Melanie pause for a while.

Her dead air made me look around my plain office's interior. It wasn't as purple as what my café portrays. It was metallic, more of a gray environment. Boring and uninteresting. Even the tuxedo couch and the office chair were a combination of black, white, and silver tones.

Melanie continued what she was saying. "Kilala ko naman siya kahit paano, pero hindi siguro same kina Patrick. Dream man si Mr. Dardenne, but somehow I find him rare."

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon