51. Alpha Male

3K 209 34
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


PITO KAMING babae, anim silang lalaki na mago-occupy ng rest house nang buong weekend. And what surprised me was the truth na ang taken lang sa aming trese—na alam nila—ay sina Will, Leo, Calvin, Rico, Wynn, Shai, at yung lesbo couple na sina Ivory and Heaven.

Ivory and Heaven didn't look like the butch and hottie couple kaya hindi ko rin napansin kung hindi nila inamin. Naka-pixie cut si Ivory and chest-length, blonde-dyed hair naman si Heaven. Pareho pa silang naka-floral maxi dress, so how would I know? Ang ganda nilang dalawa!

Sina Clark, Patrick, Rox, Tammi, saka ako ang mga "single" daw. But even us doubt that label dahil alam na alam ko namang ilan lang sa amin ang kayang matulog nang mag-isa sa kama tuwing gabi at mag-isa pa rin pagdilat sa umaga. Lalo na yung dalawang lalaki na binabangungot yata kapag walang katabing babae every night.

Mga hindi pa raw nagsisipagkain ang karamihan sa amin kaya talagang nagkagulo ang lahat sa paghahanda ng lunch. Naghiwalay ang girls and guys ng puwesto. As usual, Rico is the manager—na lihim kong tinatawanan dahil sobrang stressed niya talaga sa pagmamando sa barkada niyang ingredients pa lang, pinapapak na.

"Clark! Ubos na! Ano pang lulutuin?" dinig naming sigaw ni Rico mula sa kabilang table.

"Sorry na, Daddy Rico," pa-cute na sinabi ni Clark tapos niyakap mula sa likod ang asawa ko sabay tawanan ng grupo nila.

"Kapag kayo pinalo niyan ng metal rack," gatong pa ni Calvin.

"Pakiabot nga, Vin," utos ni Rico sa seryosong boses niya. "Kanina pa 'yan. Pinakikialaman ang ginagawa ko. Naiirita na 'ko."

Takip ako nang takip sa bibig ko habang pinanonood siyang manermon.

Gigil na gigil si Rico sa barkada niya, nakakaloka. If there's something na puwede ko talagang katakutan sa kanya, malamang na 'yan na 'yon. Hindi pa naman siya nananakit, pero para siyang nanay na namamalo ng kamay kapag may gumagalaw ng hinahanda niyang pagkain. Kapag sumisimple pa naman sina Calvin ng dakot ng peanuts sa mangko, susundan agad niya ng tingin na para bang maghahamon siya ng saksakan kung itutuloy nila ang pang-iinis sa kanya.

Hindi ko siya pinakikialaman kapag nagluluto siya. Nanonood lang kasi ako. At ayoko rin naman kasi ng kinakawkaw ang pagkaing hinahanda ko kasi madaling masira.

Nilibot ko ang tingin ko and I saw Will, Heaven, and Tammi na panay ang kuha ng pictures and video mula pa kanina.

Si Rico si "Master Chef" at siya lang talaga ang maaasahan nila sa pagtimpla ng pagkaing iluluto. Although some of us girls can cook, mas may tiwala raw silang lahat kay Rico when it comes to preparation kaya hotdogs and drinks na lang ang ipinahanda sa amin.

Naka-ready na ang grill at may ilan nang nakasalang sa ihawan na binabantayan naman nina Patrick at Rox. And I smelled something between the two of them mula pa kaninang pagpasok namin sa rest house. I dunno, o baka overthinker lang ako.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now